PAGBASA

Cards (94)

  • Gustave Flaubert: 'Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.'
  • Asimilasyon
    Ito ang pakikipag-ugnayan ng mambabasa sa binabasa o kaya'y paglalapat ng natutuhan sa aktuwal na pamumuhay ng nagbabasa
  • Pagbasa
    Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto
  • Pagbasa
    Isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba't iba at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon
  • Pagbasa
    Proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksyon ng: 1. Imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa, 2. Impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at 3. Konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbasa
  • Intensibong Pagbasa
    Masinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na teksto
  • Ekstensibong Pagbasa
    May kinalaman sa masaklaw at maramihang materyales
  • Intensibong Pagbasa
    Pagsusuri kaanyuang gramatikal, panandang diskurso, at iba pang detalye sa estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda
  • Intensibong Pagbasa
    Detalyadong pagsusuri ng isang teksto sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay ng isang guro kung paano ito susuriin
  • Narrow Reading
    Madalas itong tinatawag na intensibong pagbasa sapagkat piling babasahin lamang hinggil sa isang paksa ang pinagtutuunan ng pansin ng mambabasa o kaya ay iba't iba ngunit magkakaugnay na paksa ng iisang manunulat
  • Ekstensibong Pagbasa
    Isinasagawa upang makakuha ng pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng teskto
  • Ekstensibong Pagbasa
    Nagaganap kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kaniyang interes, mga babasahing kadalasang hindi kahigian sa loob ng klase o itinakda sa anomang asignatura
  • Ekstensibong Pagbasa
    Layunin nito na maunawaan ang pangkalahatang ideya ng teksto at hindi ang mga ispesipikong detalye na nakapalaoob dito
  • Ang malaya at boluntaryong pagbasa ay maaaring maging tulay tungo sa mas mataas na kakayahang komunikatibo at akademiko sa wika
  • Ang programa sa pagtuturo ng pagbasa na nakatuon sa mga isktrikto at ginabayang gawain ng guro na may pokus sa mga tiyak na kakayahan ay mas mahina at hindi gaanong epektibo sa pagpapataas ng antas ng literasi kung ikokompara sa mga programang may kinalaman sa pagkuha ng interes ng mga mag-aaral at malaya at indibidwal na pagbasa nila ng mga tekstong nais nilang basahin
  • Sampung katangian ng matagumpay na programa sa ekstensibong pagbabasa
    • Tinutukoy nila sa kanilang pag-aaral na "Top Ten Principles for Teaching Extensive Reading
  • Scanning
    Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa
  • Scanning
    Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mga mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon
  • Ang angkop na paraan ng pagbasa kapag ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak na sipi ay Scanning
  • Si Pierre Bourdieu ang proponent ng teoryang tungkol sa konsepto ng lehitimong wika
  • Skimming
    Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat
  • Ginagamit ang Skimming kapag may pangkalahatang tanong tungkol sa isang akda. Nakatutulong ito sa pagdedesisyon ng mambabasa kung magpapatuloy siya sa pagbasa at pagpapalalim sa isang akda
  • Skimming
    Sa paraang ito, nauunawan ng isang mag-aaral ang kabuluhan at kahulugan ng teksto kahit hindi iniisa-isa ang kahulugan ng bawat salita at pahayag
  • Anotasyon
    Ito ay naglalaman ng maikling deskripsyon sa anyo at nilalaman ng isang akda
  • Apat na antas ng pagbasa
    • Tinutukoy nila sa kanilang aklat na "How to Read a Book"
  • Primaryang Pagbasa
    Pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa
  • Primaryang Pagbasa
    Ang mga kakayahan sa pagbasa sa antas na ito ay kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar o mga tauhan sa isang teksto
  • Mapagsiysat ang Pagbasa
    Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito
  • Mapagsiysaatang Pagbasa
    Sa antas na ito, nakapagbibigay ng mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu sa isang teksto ang mambabasa upang matukoy kung kakailanganin niya ito at kung maaari itong basahin nang mas malaliman
  • Mapagsiysaatang Pagbasa
    Maaaring gamitin ang skimming, tinitingnan ng mambabasa ang titulo, heading, at subheading. Pinapasadahan rin niya ang nilalaman ng teksto upang maunawaan buong estruktura nito
  • Analitikong Pagbasa
    Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat
  • Analitikong Pagbasa
    Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa katumpakan, kaangkupan at kung katotohanan o opinion ang nilalaman ng teksto
  • Sintopikong Pagbasa
    Tumutukoy ito sa uri ng pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa iba't ibang teksto at akda na kadalasang magkakaugnay
  • Sintopikong Pagbasa
    Ito ay nangangahulugang koleksiyon ng mga paksa
  • Asimilasyon
    Sa pamamagitan ng paraang ito, tinutukoy mo ang uri ng wika at mahahalagang terminong ginamit ng may-akda upang ipaliwanag ang kaniyang kaisipan
  • Mga Tanong
    Sa bahaging ito, tinutukoy mo ang mga katanungang nais mong sagutin na hindi pa nasasagot o malabong naipaliwanag ng may-akda
  • Kumbersasyon
    Ito ay nag-aambag ng bagong kaalaman na hindi inuulit ang sinabi ng mga naunang eksperto
  • Mga Isyu

    Lumilitaw ito kung kapaki-pakinabang at makabuluhan ang nabuo mong tanong tungkol sa isang paksa at may magkakaibang pananaw ang mga binasang akda tungkol sa partikular na suliraning ito
  • Pagsisiyasat
    Sa hakbang na ito, kailangan mong tukuyin agad ang lahat ng mahahalagang akda hinggil sa isang paksang nais mong pag-aralan
  • Pagtatantiya sa bilis ng pagbasa

    Ito ang pagbabago-bago ng mambabasa ng bilis o bagal ng pagbabasa batay sa hirap ng teksto at personal na kakayahan sa pagbasa