Ito ay isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko.
Ito ay nagsisilbing kulminasyon ng mga pasulat na gawain kaugnay ng pag-aaral ng isang paksa sa isang kurso o asignatura sa loob ng isang panahon o term.
Ang sulating pananaliksik ay isang paglalahad ng kinalabasan ng isang pagtuklas at pagtatalakay ng mga bagay-bagay hango sa mga nakalap na impormasyon mula sa mga inilathala ng mga taong nagsaliksik at nag-aral tungkol sa iba't ibang paksa.
Bahagi ng Pamanahong Papel
Mga Pahinang Preliminari
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Mga Panghuling Pahina
Mga Pahinang Preliminari
Fly Leaf 1
Pamagating Pahina
Dahon ng Pagpapatibay
Pasasalamat o Pagkilala
Talaan ng Nilalaman
Talaan ng mga Talahanayan at Grap
Fly Leaf 2
Fly Leaf 1
Ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat na kahit ano sa pahinang ito.
Pamagating Pahina
Tawag sa pahinang nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel. Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung saang asignatura, kung sino ang gumawa at komplesyon.
Dahon ng Pagpapatibay
Ito ang pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong papel.
Pasasalamat o Pagkilala
Sa pahinang ito tinutukoy ng mananaliksik ang mga indibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng pamanahong-papel at kung gayo’y nararapat pasalamatn o kilalanin.
Talaan ng Nilalaman
- Dito nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong-papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
Talaan ng mga Talahanayan at Grap
Dito nakatala ang bawat pamagat ng bawat talahanayan at\o grap na nasa loob ng pamanahong papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
Fly Leaf 2
Ito ay isa na namang blangkong pahina bago ang katawan ng pamanahong papel.
Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito
Panimula o Introduksyon
Layunin ng Pag-aaral
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Panimula o Introduksyon
Ito ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng panananaliksik.
Layunin ng Pag-aaral
Dito nilalahad ang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga ispesipik na suliranin na nasa anyong patanong.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Dito inilalahad ang signipikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral.
Saklaw at Limitasyon
Tinutukoy dito ang simula at hangganan ng pananaliksik.
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Dito itinatala ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binibigyang kahulugan.
Conceptual na kahulugan – istandard na kahulugan. Makikita sa diksyunaryo.
Operational na Kahulugan – Kung paano ito ginamit sa pananaliksik
Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Tinutukoy dito ang kaugnay na literatura o babasahing may kaugnayan sa pananaliksik.
Dito tinutukoy kung sinu-sino ang mga may-akda ng naunang pag-aaral o literatura,disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resulta ng pagaaral.
Bago at nailimbag sa loob ng huling sampung taon.
Piliting gumamit ng lokal at dayuhan
Katangian: obhektibo o walang pagkiling; nauugnay o relevant sa pag-aaral; at sapat ang dami o hindi napakakaunti o napakarami.
Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik
Respondante
Instrumento ng Pananaliksik
Tritment ng mga Datos
Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstuwal at tabular o grapik na presentasyon. Sa teskto, inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri. Inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginami upang ang mga numerical na datos ay mailarawan. Sa pamanahong-papel, sapat na ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyuneyr ng mga respondente.
Kabanata V: Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon
Lagom
Konglusyon
Rekomendasyon
Lagom
binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensibong tinatalakay sa Kabanata III.
Kongklusyon
mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon at impormasyong nakalap ng mananaliksik.
Rekomendasyon
mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik.
Mga Panghuling Pahina
Listahan ng Sanggunian
Apendiks
Listahan ng Sanggunian
isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong-papel.
Apendiks
Tinatawag ding Dahong Dagdag, maaaring ilagay o ipaloob dito ang liham, pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu,sampol ng sarbey-kwesyoneyr, bio-data, ng mananaliksik, mga larawan, kliping at kung anu-ano pa.