Panitikan (finals)

Cards (68)

  • Lipunan
    Mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon at pagpapahalaga
  • Uri ng Lipunan
    • Hunting gathering Society
    • Horticultural Society
    • Agrarian Society
    • Industrial Society
    • Post Industrial Society
  • Hunting gathering Society
    • Nomadikong grupo dahil wala silang permanenteng tirahan
    • Nakatuklap sa pangangaso at kaalaman sa mga halaman
    • Gumagamit ng sibat para sa pangangaso at para maprotektahan ang sarili
  • Horticultural Society
    • Nakabase sa horticulture
    • Gumagamit ng kahoy upang maglinang ng maliit na hardin
    • Ginamit ang stratehiyang slash and burn technology
  • Agrarian Society
    • Pangunahing ikinabubuhay ng mga mamamayan ay ang pagtatanim, pangingisda, pangangaso at iba pang gawaing pang-agrikultural
    • Nananatili lang sa isang lugar upang mapangalagaan ang kanilang pananim
  • Industrial Society
    • Patuloy na umuunlad sa pamamagitan ng teknolohiya upang mas mapalago ang produksyon
  • Post Industrial Society
    • Mas kumikita ang mga nasa service sector
    • Binigyan halaga ang information, service, at advance technology
    • Nakakalamang ang mga taong may pinag-aralan
  • Emile Durkheim
    • Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain
    • Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit makakaugnay na pangkat at institusyon
  • Karl Marx
    • Ang lipunan ay kaikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan
    • Nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokontrol sa produksyon
    • Nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan
  • Charles Cooley
    • Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin
    • Naunawaan at higit na nakilala ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan
    • Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng maayos na interaksyon ng mga mamamayan
  • Istrukturang Panlipunan
    Mga institusyong may organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan
  • Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan
    • Institusyong Panlipunan
    • Status
    • Gampanin (Roles)
  • Institusyong Panlipunan
    Binubuo ng mga institusyong may organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan
  • Mga Institusyong Panlipunan
    • Pamilya
    • Ekonomiya
    • Edukasyon
    • Pamahalaan
  • Social Group
    Dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan
  • Uri ng Social Group
    • Primary group
    • Secondary group
  • Status
    • Posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan
    • May dalawang uri: ascribed status at achieved status
  • Gampanin (Roles)

    Mga karapatan, obligasyon at inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibidwal
  • Kultura
    • Kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan
    • Kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos at gawi at kabuuang gawin ng tao
  • Uri ng Kultura
    • Materyal na Kultura-Binubuo ito ng mga gusali, likhang sining, kagamitan at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan at gawa ng tao.
    • Di Materyal na Kultura-Kabilang dito ang batas, gawi, paniniwala at norms ng isang grupo.
  • Mga Elemento ng Kultura
    • Paniniwala
    • Pagpapahalaga
    • Norms
    • Mores
    • Simbolo
  • Anyo ng Panitikan
    • Piksyon (Kathang-isip)-- Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang isip lamang.
    • Di-Piksyon (Di Kathang isip)-- Isang paglalahad, pagsasalaysay, o kinatawan ng isang paksa na inihaharap ng isang may–akda bilang katotohanan na bumabatay sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa kanyang mga kaalaman hinggil sa paksa.
  • Kaparaanan Uri ng Paghahalin
    • Pasalin-Dila-paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao ay bahagi ng pakikipagtalamitan at pakikisalamuha
    • Pasalintroniko- pagsasalin ng panitikan ay sa pamamagitan ng mga kagamitang elektroniko na dulot ng teknolohiyang elektronika na naging ganap ang dokumentasyon.
    • Pasalinsulat- Ang dokumentasyon ay namayani nang isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga Pilipino ang kanilang panitikan.
  • Anyo at Genre ng Panitikan
    • Tuluyan (Prosa)
    • Panulaan (Tula)
    • Patanghal (Dula)
  • Tuluyan (Prosa)

    Naging maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap
  • Uri ng Tuluyan (Prosa)
    • Anekdota
    • Nobela
    • Maikling kwento
    • Alamat
    • Pabula
    • Sanaysay
    • Talambuhay
    • Balita
    • Talumpati
  • Nobela
    Isang mahabang salaysayin ng mga kawing–kawing na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon
  • Maikling kwento
    Isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasangkutan ng isa o ilang tauhan at may kakintalan o impresyon
  • Alamat
    Ito ay nauukol sa pinagmulan ng isang bagay at hubad sa katotohanan dahil ito ay likhang isip lamang
  • Pabula
    Kinasangkutan ang salaysaying ito ng mga hayop, halaman, at maging ng mga bagay na walang buhay na kumikilos o nagsasalita na para bang tunay na mga tao
  • Sanaysay
    Nagpapahayag ng kuro–kuro ng isang may–akda hinggil sa suliranin o akda. Ito ay maaring pormal o impormal
  • Talambuhay
    Ito ay kasaysayan ng buhay ng isang tao na maaring pansarili o paiba
  • Balita
    Paglalahad ng mga pang–araw–araw na pangyayari sa lipunan
  • Talumpati
    Pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig at ito ay nauuri batay sa iba't ibang layunin
  • Panulaan (Tula)

    Pagbuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma–tugma. Ang bawat taludtod ay maaring may sukat at tumaang pantig sa hulihan o sadyang malaya na ang ibig sabihin ay di alintana ang sukat at tugma. Ang mga ito ay nauuwi sa tulang pasalaysay, liriko, tulang padula at tulang patnigan
  • Patanghal (Dula)

    Ito ay nakikita o itinatanghal sa entablado o inilalabas sa tanghalan
  • Panunuring Pampanitikan
    Isang pagsusuri nang malalim at kritikal sa mga akda ng mga manunulat upang mahimay ang kanilang mga likha at malaman ang tunay mensahe nito
  • Dala ng mga Amerikano ang Panunuring Pampanitikan
  • Kasama rito ang kritisismong ginagamit sa panitikan na nagmula sa mga makanluraning bansa
  • Bienvenido Lumbrera na nagsilbing isang hamon sa mga mambabasa ng panitikan at iskolar na bumuo ng isang dulog o panunuring taal na masasabing atin