A. P

Cards (24)

  • Paglaya ng China
    Dahil sa kasikatan ng produktong China sa Europa hinangad ng mga Europeo na makipagkalakalan sa China na kalaunan ay naging dahilan ng paghahangad na makontrol ang lupain nito
  • Nasyonalismong Tsino
    • Nabahala ang Japan na baka maapektuhan ang interes nito sa China
    • Sunod sunod ang ginawang pakikidigma at pananakop
  • Rebelyon at Partido sa China
    • Rebelyong Taiping
    • Rebelyong Boxer
    • Partido Koumintang (Sun Yat Sen at Chang Kai Shek)
    • Partido Kounchantang (Mao Zedong)
  • Paglaya at Pagkakahati ng Korea
    • Unti-unting nasakop ng Hapon ang Korea na ginawang base militar at pilit na itinaguyod ang kanilang kabihasnan
    • Maraming pagtatangkang ginawa ang Korea upang mapatalsik ang mga Hapones
    • Napabilis ito pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan natalo ang mga Hapon
  • Paghahati ng Korea
    1. Pinasinayaan ang bagong republika na sinuportahan ng Amerika na pinamunuan ni Syngman Rhee
    2. Ipinahayag ng North Korea ang Democratic People's Republic of Korea na sinuportahan ng Soviet Union na pinamunuan ni Kim Il Sung
    3. Nahati ang Korea sa pamamagitan ng 38th parallel
  • Paglaya ng Indonesia
    • Nakamit ng Indonesia ang kalayaan nito noong Agosto 17, 1945 sa pamumuno ni Achmed Sukarno sa pamamagitan ng rebolusyon laban sa mga Olandes
    • Pinasimulan niya ang pamamahalang guided democracy (limited democracy) base sa Pancasila - 5 patnubay na prinsipyo: paniniwala sa Dios, nasyonalismo, pagkakawanggawa, katarungang panlipunan at demokrasyang gagabayan ng karunungan
    • Tinanggap at ipinagbunyi ng mga tao at ginawa siyang pangulong panghabambuhay noong 1963 subalit ang lubos niyang kapangyarihan ang naging dahilan ng pang aabuso niya sa kapangyarihan
  • Paglaya ng Vietnam
    • May tatlong naganap na paglaya ang una ay noong 1938 mula sa China, ang pangalawa noong Setyembre 02, 1945 mula sa France, at ang pangatlo ay noong Hulyo 02, 1976
    • Ang pag-iisa ng Vietnam ay pinamunuan ni Nguyen Ai-Quoc o Ho Chih Minh mula sa kilusang Viet
    • Nagkaroon ng Vietnam War na sinalihan ng Estados Unidos sa haba ng digmaan naging magastos at madugo ito para sa bansa
  • Burma nakamit ang kalayaan
    Enero 04, 1948
  • U Nu
    Punong Ministro ng Republika ng Burma
  • Heneral Ne Win
    Diktador militar
  • Bago makamit ang kalayaan, ang kumokontrol sa Burma ay ang India at China
  • Nagtatag ng iba't ibang kilusang naglalayon ng kalayaan bilang pagtugon sa pananakop
  • Pilipinas nakamit ang paglaya
    Hunyo 12, 1898
  • Heneral Emilio Aguinaldo
    Namuno sa paglaya ng Pilipinas
  • Nakipagsabwatan ang mga Amerikano sa Pilipino upang matalo ang mga Espanol sa Digmaang Espanol-Amerikano
  • Nagpalabas ang mga Amerikano ng patakarang Benevolent Assimilation at lumagda sa Treaty of Paris na nagpapahayag ng paglilipat ng pamamahala ng Pilipinas sa Amerikano mula sa mga Espanol
  • Naging hayagan ang pagtutol ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Amerikano kung kaya't sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano
  • Kababaihan sa kasalukuyang Asya

    • Mitsu Tanaka (Japan)
    • Corazon Aquino (Pilipinas)
    • Aung San Suu Kyi (Burma/Myanmar)
    • Megawati Sukarnoputri (Indonesia)
  • Sa Silangang Asya ay nananatiling matatag ang Buddhism, Shintoism, Confucianism, at Taoism bilang relihiyon
  • Sa Timog Silangang Asya ang Islam at Kristiyanismo ay mababakas pa rin
  • Napatatag ng mga relihiyong ito ang pamilyang Asyano
  • Malaki ang ginampanan ng relihiyon sa paghubog ng buhay sa Asya
  • Hindi lamang ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig ang naiambag ng Asya kundi maging ang mga katangi-tangi nitong mga mamamayan
  • LAST, PAGLAYA NG VIETNAM :
    Para sa pandaigdigang opinyon ay iwan na ng mga Kanluranin ang Vietnam at dito natalo ang Estados Unidos, iniwan nila ang Timog Vietnam at napasailalim sa kontrol ng grupong may ideolohiyang komunismo/sosyalismo. Muling napag-isa ang dalawang Vietnam at naging isang bansa.