Panitikan 3-4

Cards (50)

  • Pagbasa
    Isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at salita
  • Proseso ng Pagbasa
    1. Persepsyon
    2. Komprehensyon
    3. Reaksyon
    4. Integrasyon
  • Persepsyon
    Pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog
  • Komprehensyon
    Pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita
  • Reaksyon
    Kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at pagdama sa teksto
  • Integrasyon
    Kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay
  • Teorya sa Pagbasa
    Pananaw ukol sa pagbasa na nagtatangkang ipaliwanag sa mga proseso at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang pag-unawa sa mga ito
  • Mga Teorya sa Pagbasa
    • Teoryang ItaasPababa (Top-Down)
    • Teoryang IbabaPataas (Bottom – Up)
    • Teoryang Interaktibo
    • Teoryang Iskema (Schema)
  • Teoryang ItaasPababa (Top-Down)

    Ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa na may dating kaalaman at karanasan. Ang daloy ng impormasyon ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na ang ibig sabihin, ang pagunawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto
  • Teoryang Ibaba – Pataas (Bottom – Up)

    Ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo. Ang pag-unawa ng isang bagay ay naguumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at napupunta sa itaas (up), sa utak ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan
  • Teoryang Interaktibo
    Kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay may dalawang direksyon. Nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa. Nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa sa teksto
  • Teoryang Iskema (Schema)

    Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior knowledge) na nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa
  • Bilis sa Pagbasa
    Tumutukoy sa ikatatagal ng mambabasa sa pagbabasa ng teksto. Ito ay ang bilang ng salitang nabasa sa loob ng isang minuto
  • Ang mambabasa na may katamtamang bilis ay nakababasa ng 250 salita bawat minuto
  • Ang mahusay na mambabasa nakababasa ng 500600 salita bawat minuto
  • Ang napakahusay na mambabasa na may bilis ay nakababasa ng 1,000 salita bawat minuto
  • Ang bilis sa pagbasa ay dapat mapag-iba-iba ayon sa layunin ng mambabasa at kahirapan ng binabasa
  • Ang pang-unawa ay karaniwang inilalahad sa bahagdan kung ilang bahagdan ang pang-unawang natamo ng mambabasa sa pagsusumikap niyang maunawaan nang husto ang binabasa
  • Ang isang mahusay na mambabasa ay nakatatamo ng 7090% na pag-unawa sa teksto at 90 – 95% sa mga tekstong nasa malayang antas
  • Mahusay na Mambabasa
    • Hindi lamang marunong kumilala ng mga salita
    • Nakakakuha rin ng mas malawak na kahulugan ng salita; natatanto niya ang gustong buuing konsepto ng isang tao; ang parirala, sugnay, pangungusap at kahit na ang sanaysay, kabanata o ang mismong buong aklat
  • 1.Konsepto
    Kaisipan o mensaheng ipinahahatid ng awtor sa mga mambabasa. Sa tulong ng dating kaalaman at mga karanasan at pag-unawa sa kapaligiran ay kinukuha ng mambabasa ang mga konseptong nakapaloob sa teksto
  • Mga Suliranin sa Pag-unawa ng Teksto
    • Konsepto
    • Talasalitaan
    • Istruktura ng Pangungusap
  • Talasalitaan a. Idyoma o Matalinghagang Salita
    May mga salita o terminolohiya na nagiging hadlang sa pag-unawa ng mambabasa sa teksto
    -Mga salitang ang kahulugan ay hindi makukuha sa pag-unawa sa kahulugan ng bawat salitang bumubuo dito
  • b.Salitang May Naililipat na Kahulugan
    Makikita ang mga salitang ito sa mga metapora o pagwawangis
  • c.Salitang Maraming Kahulugan
    Ang isang payak na salita ay maaring magkaroon ng iba't ibang kahulugan ayon sa paraan ng paggamit ng awtor at ng disiplinang pinaggagamitan nito
  • d.Salitang Teknikal
    May mga tiyak na salita o termonolohiya na ginagamit sa bawat disiplina tulad ng pagsasaka, edukasyon, atbp
  • e.Salitang Kasingkahulugan o Kasulungat
    Ang isang awtor ay gumagamit ng mga kasingkahulugan o kasalungat na salita ayon sa kanyang layunin o nais iparating
  • f.Ironiya o Kabanlintunaan
    Paggamit ng mga tulang ang karaniwang kahulugan na kabaligtaran sa nais ipahayag
  • 3.Istruktura ng Pangungusap
    Ang mahahaba at maliligoy na pangungusap ay nagiging hadlang sa mabilis na pag-unawa ng mambabasa sa nilalaman ng teksto
  • Maikling Kwento
    Isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa
  • Elemento ng Maikling Kwento
    • Tauhan
    • Tagpuan
    • Banghay
    • Tunggalian
    • Magagandang Kaisipan o pahayag
    • Simula at Wakas
  • Kwento ng Tauhan
    Inilalarawan ang mga pangyayaring pagkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag unawa sa kanila ng isang mambabasa
  • Kwento ng Katutubong Kulay
    Binigyan diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay
  • Maikling Kwento
    Ysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
  • Elemento ng Maikling Kwento
    • Tauhan
    • Tagpuan
    • Banghay
    • Tunggalian
    • Magagandang Kaisipan o pahayag
    • Simula at Wakas
  • Tauhan
    Nagpagalaw at nagbigay buhay sa kwento
  • Tagpuan
    Lugar at panahon ng mga pinangyarihan
  • Banghay
    Pagkakasunud sund ng mga pangyayarisa kwento
  • Tunggalian
    Tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan
  • Magagandang Kaisipan o pahayag
    Mga pahayag na nagbibigay mensahe o aral sa mga mambabasa