social and cl

Cards (23)

  • Sinaunang Eduksayon
    Walang pormal na edukasyon at paaralan, ang mga magulang ang guro at nagsasalin ng kaalaman
  • Tinuturo ng ama at ina
    1. Ama: kaalamang pangkabuhayan at pandirigma
    2. Ina: gawaing pantahanan
  • Sinaunang Panahon

    Ipinahahayag sa pamamagitan ng pag-awit ng mga epiko, pasalitang sinasaad ang tradisyon, kasaysayan at kaasalan, at pagsusulat sa alpabetong baybayin
  • Sa ilalim ng mga Espanyol (333 years)
  • Edukasyon sa panahon ng mga Espanyol
    Batay sa relihiyong kristyanismo, may pormal na edukasyon, mga paaralan at nakahiwalay ang mga babae at lalaki, at nakahati sa Primarya, Sekundarya at Kolehiyong Edukasyon. Nagkaroon din ng seminaryo at bokasyonal para sa pagtatrabaho. Ang mga prayle ang guro.
  • Mga prayle na guro
    • Agustino
    • Pransiskano
    • Heswita
    • Dominikano
  • Mga paaralang itinatag
    • Kolehiyo ng San Ignacio
    • Kolheiyo ng San Ildefeonso
    • Kolehiyo ng San Jose
    • Kolehiyo ng Santo Rosario
  • Panahon ng mga Amerikano (48 years)
  • Edukasyon sa panahon ng mga Amerikano
    Wikang Ingles, pinakalat ang kulturang Amerikano, sibika at ang demokrasya. Itinitatag ang pampublikong paaralan na may libreng kagamitan at edukasyon, at ang mga mahuhusay ay iksolar sa Estados Unidos. Thomasites ang mga guro, 600 ang sakay sa S.S. Thomas nung Agosto 23, 1901
  • Mga pangyayari noong panahon ng mga Amerikano
    • Mayo 1898 - Itinatag sa Corregidor ang unang Amerikanong Paaralan
    • Agosto 1898 - nagtatag ng pitong paaralan si Fr. William McKinnon
    • 1898 - Lt. George P. Anderson - unang superintendent ng paaralan
    • 1901Kagawaran ng Pagtuturong Pampubliko
    • 1903 - Itinatag ang Bureau of Education, Dr. David Barrows ang unang direktor
  • Mga paaralang itinatag noong panahon ng mga Amerikano
    • Philippine Normal School
    • Siliman University (1901)
    • Centro Escolar University (1917)
    • UP (1908)
    • University of Manila (1914)
    • PWU
    • Far Eastern University (1919)
  • Panahon ng mga Hapon (3 years)
  • Edukasyon sa panahon ng mga Hapon
    Pinalaganap ang kulturang Pilipino at importansya ng paggawa, nagkaroon ng Corporal Punishment, itiniaguyod ang mga kursong bokasyonal, pang-elementarya at Greater East Asia Co-Prosperity Sphere, at pagbawal sa kulturang kanluranin at Ingles. Kapwa Pilipino ang nagtuturo. Wikang Niponggo ang ginamit sa paaralan at sentro ang moralidad, pagsisikap at pakikiisa sa Hapon
  • Sa Kasalukuyang Panahon
  • Edukasyon sa kasalukuyang panahon

    Ipinatupad ang K-12 Program noong 2012 at naging 13 na taon ang basic education mula sa 10. Nagkaroon ng mas maraming kurso sa kolehiyo at scholarship program. Ginamit ang wikang Ingles at Filipino sa pagtuturo. Kagawaran ng Edukasyon - elementarya at sekondarya, Comission on Higher Education - kolehiyo, Technical Education Skills Development Authority - kursong bokasyonal
  • Mga probisyon sa 1987 Saligang Batas

    • Section 1: pangalaagaan at itaguyod ang karapatan sa mahusay ng edukasyon at magkaroon ng akmang hakbang para matamo ng lahat ang maayos na edukasyon
    • Section 2: Ang sistema ng edukasyon ay kumpleto para akma sa pangangailangan ng lipunan at nagkaroon ng libreng pampublikong paaralan
    • Section 3: maging bahagi ng edukasyon ang konstitusyon, nasyonalismo, pagiging makabayan at pagbibigay importansya sa sariling bansa
  • Nagkaroon ng Philippine Education for All 2015 Plan para makamit ng lahat ang pagiging Functionally Literate at pagtutugon sa Basic Learning Needs ng lahat ng edad
  • Mga isyu at suliranin sa edukasyon
    • Mababang kalidad ng edukasyon
    • Kakulangan ng bilang at kahusayan ng guro
    • Mababang sahod ng mga guro
    • Mababang kakayahan ng pagbayad o affordability
    • Maliit ang budget
    • Kakulangan sa paaralan
    • Kakulangan sa kagamitan sa paaralan
    • Paghihinto sa pag aaral
  • Mga programa
    • Pagbabago sa kurikulum tulad ng K-12
    • Pagsasakatuparan ng education for all
    • Pagtataguyod ng cyber education project
    • Government Assistance to students and teachers in private education (GASTPE)
    • 1:1 Textbook
    • Early childhood education at preschool programs for formative years
    • Pautang at scholarship sa mahirap ngunit matalino
  • Mga pamamaraan
    • Voucher Program- tulong pinansyal sa mga nakatapos ng grade 10 para makapasok ng SHS at Kolehiyo
    • Special Program for the Employment og Students (SPES)- trabaho habang bakasyon
    • Abot-alam program- para sa out of school youth, pagkakataong makapag-aral at trabaho
    • Alternative Learning System- para sa mga out of school youth, katutubo, may kapansanan, dating bilanggo at rebelled na nais magpatuloy ng pag-aaral
    • Livelihood Program- pagbibigay kasanayan sa gawaing pangkabuhayan
    • Pagtaas ng sahod ng guro papunta sa 36000
    • Adopt a school program
    • Direct assistance, technological and learning support and reading program
    • Continuing Professional Development (CPD) Act ni Sen Antonio Trillanes na hinain noong July 1 2017 para magkaroon ng 45 CPD units na ginawang 15 noong March 1 2019
  • Gawaing pansibiko
    Kolektbong gawain tungo sa paglutas ng mga isyung pampubliko. "sibiko" ay mula sa Latin na sinasaad"mamamayan". Tinatawag na "civique" sa Pranses ang taong nagbubuwis ng buhay para sa kapwa. Civil o "sibilyan" ayisang tao na wala sa gobyerno o militar na nakakatulong nang malaki sa kaniyang bayan. Ngayon, ito'y tumutukoy sa mga bumubuo sa lipunan, at ang pinakamataas na lebel na pakikipagkapwa.
  • Katangian ng sibilyan
    • Makabayan- nasyonalismo sa sariling bansa
    • Makatao- pagtataguyod ng karapatan ng iba at paggalang saiba
    • Produktibo- pagiging masipag at matiyaga
    • Matulungin sa kapwa- para sa buhay na masagana at payaga
    • Makansadaigdigan- isiniaalang-alang ang kagalingan ng bansa at mundo
  • Mga programa ng sibilyan
    • Pangkalusugan: Feeding program, Serbisyong medical, Libreng assistance sa mga opisyal at namumuno
    • Pangkapaligiran: Clean n green campaign, Reforestation program, Hakbang kalikasan mountaineer society, Kontra kalat sa dagat
    • Pang edukasyon: Peer tutoring, Kariton klasrum
    • Pangkabuhayan: Livelihood program, Spes, Job fair
    • Panlipunan: Habitat for umanity, Gma foundation, Abs-cbn foundation, Ayala foundation, Philippine national red cross
    • Pansimbahan: Choir, Altar selver, Lay minister, Catechist, Missionarist