Pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa
Imperyalismo
Pagpapalawig at pagpapalakas ng kapangyarihan ng isang bansa sa pamamagitan ng pananakop, pakikipagkalakalan, panggigipit at iba pang pamamaraan
Compass
Ginagamit sa paglalakbay upang malaman ang direksyon ng patutunguhan
Astrolabe
Ginagamit upang malaman ang layo mula sa ekwador
Eksplorasyon nagbigay-daan sa kolonyalismo, tuwiran man o 'di-tuwiran
Marco Polo
Kauna-unahang Europeo na nakarating sa Tsina
Rusticiano
Isinulat ang aklat na "The Travels of Marco Polo" na naghikayat sa mga Europeo na hanapin ang kayamanan na nasa Silangan
Krusada
Isang ekspedisyong militar ng mga Kristiyano na naghangad na bawiin ang banal na lupain mula sa mga Turko
Nakita ng mga kanluranin ang mayamang kultura sa Silangan
Constantinople
Nagsilbing pinakamaikling ruta patungo sa Silangan na sinakop ng mga Turkong Muslim
Nagpataw ng matataas na buwis at ipinagbawal ang pagdaan ng mga Europeo kung kaya't nagpasya ang mga ito na maghanap ng ibang rutang pangkalakalan
Ang panahong ito ang nagpasimula ng maraming pagtuklas sa maraming kaalaman at karunungan
Caravel
Bagong disenyong sasakyang pandagat na nilikha upang makayanan ang malakas na hangin ng anumang bagyo
Ang Portugal at España ang naunang naglunsad ng mga ekspedisyon patungo sa Silangan kaya't sila rin ang mga bansang unang nagkaroon ng mga kolonya
Prinsipe Henry
Tumulong sa maraming manlalakbay sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang paaralan para sa mga ito
Bartolomeu Dias
Narating niya ang Cape of Good Hope
Vasco da Gama
Natuklasan at unang Europeo na nakarating sa Calicut, India
Alfonso de Albuquerque
Narating ang Moluccas – "Isla ng mga Pampalasa"
Christopher Columbus
Italyanong manlalakbay na naglunsad ng eksplorasyon sa tulong ng hari at reyna ng España, narating niya ang Haiti, Dominican Republic, at Cuba – "Admiral of the Ocean Sea"
Amerigo Vespucci
Natuklasan ang "Bagong Mundo" o New World na ngayon ay Amerika
New World
Silangan at Timog Amerika
Old World
Europa, Aprika, at Asya
Ferdinand Magellan
Pinangunahan ang itinuturing na pinakamahalagang paglalakbay dahil napatunayan nitong bilog ang mundo
Hernando Cortes
Narating nito ang Mexico
Francisco Pizarro
Narating ang Peru, kung saan naging marahas ang kanilang pananakop
Noong 1494, pinirmahan ng Portugal at España ang Kasunduan sa Tordesillas kung saan hinati ang daigdig sa dalawang bahagi
Demarcation line
Guhit na kung saan lahat ng lupain sa Silangan nito ay maaaring tuklasin ng Portugal habang ang nasa Kanluran ay maaaring mapasakamay ng España
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo
Nagbigay-daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupain na hindi pa nagagalugad
Napukaw ang interes sa mga bagong pamamaraan at teknolohiya
Lumaganap ang sibilisasyong Kanluranin sa Silangan
Nagdulot ng mga suliranin sa mga bansang sakop
Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig
Panahong Industriyal
Pag-unlad sa sektor ng agrikultura, paggawa, minahan, transportasyon at teknolohiya
Rebolusyong Siyentipiko
Malawakang pagbabago sa pag-iisip at paniniwala
Panahon ng Enlightenment
Ginamit ang katwiran at siyentipikong pamamaraan sa lahat ng aspeto ng buhay
Heliosentriko
Teorya na nagpapaliwanag na ang araw ang nasa gitna ng sistemang solar at umiikot ang mga planeta rito
Social contract
Kasunduan sa pagitan ng tao at pamahalaan
Philosophes
Grupo ng mga intelektwal noong panahon ng Enlightenment
Mga Dahilan o Salik ng Pag-usbong ng Rebolusyong Siyentipiko
Renaissance
Repormasyon
Mga Eksplorasyon
Rene Descartes
"Ama ng Makabagong Pilosopiya/Matematika" – cogito ergo sum: I think, therefore I am
Nicolaus Copernicus
Ipinakilala ang teoryang heliosentriko na nagpapaliwanag na ang araw ang sentro ng sansinukob
Galileo Galilei
Nakilala sa kanyang mga imbensyon tulad ng teleskopyo at pendulum
Johannes Kepler
Bumuo siya ng pormula sa matematika upang patunayan ang pag-ikot ng mga planeta sa araw
Isaac Newton
Ipinakilala ang Unibersal na Grabitasyon at ang Tatlong Batas ng Mosyon