Layunin ng Agri-Pinoy na mapataas ang produksiyon ng pagsasaka, pangingisda, paghahayupan at iba pang gawain sa sektor ng agrikultura. Ito ay maaring mangyari nang hindi naisasakripisyo ang kakayahan ng mga susunod na henerasyon, katumbas ng prinsipyo ng sustainability. Sinisigurado ng prinsipyong ito ang farm - to- table approach — isang pamamaraan na naghihikayat sa mga tao na bumili ng pagkain sa mismong prodyuser ng pagkain kaysa sa mga komersiyal na tindahan — ay magbibigay ng benepisyo sa lahat ng sektor ng agrikultura mula sa ordinaryong magsasaka hanggang sa mga mamimili.