COLA21 - Module 1 and 2

Cards (80)

  • Ito ay nangangahulugang kakayahan o kasanayan.
    Sining
  • Ito ay anomang may angking hugis katulad ng mukha. Ito ang isa sa pinakamadadaling sanaying kakayahan.
    Anyo
  • Ito ay ang pagbuo ng kaalaman o hugis batay sa iyong pananaw at pag-unawa sa mga bagay mula sa mata ng tumitingin, maaaring malapit o malayo, malaki o maliit, ayon sa kinalalagyan ng susuri nito.
    Perspektibo
  • Maraming pagtatalo sa pagiging pangunahing paksa sa sining at dahil hindi ito pangangailangan sa pagguhit o pagdrowing.
    Anatomiya
  • Ito ay isa rin sa mga pangunahing pangangailangan ng sining. Sa pag-aaral ng halaga ay kabilang ang pag-iilaw at anino.
    Halaga at Pag-iilaw
  • Ito ay pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin, at diwa ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig.
    Panitikan
  • Ang panitikan na ito ay nagpasalin-saling kuwento mula sa isang panahon patungo sa ibang panahon.
    Pasalin-dila
  • Ito ay pagsasatitik nito sa aklat, magasin, o anomang babasahin.
    Pasulat
  • Ito ay pagsasatitik ng akda sa web gamit ang kagamitang elektroniko.
    Pasalintroniko
  • Dalawang Anyo ng Panitikan
    Tuluyan o Prosa at Patula o Panulaan
  • Tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag, o sinusulat nang tuluyan.
    Tuluyan o Prosa
  • Ito ay sinusulat nang pataludtod o pasaknong sa pamamagitan ng salitang binibilang ang pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma.
    Patula o Panulaan
  • Ito ay isang uri ng tuluyang tumutukoy sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Minsan sa mga pinagmulan ng mga panawag, lugar, hayop o mga halaman. Tinatalakay dito ang kakumbakitan ng mga bagay-bagay.
    Alamat
  • Akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng isang sikat, o kilalang mga tao.
    Anekdota
  • Tinatawag din itong kathambuhay. Ito ay isang mahabang kuwentong piksyong hinahati sa iba’t ibang kabanata.
    Nobela
  • Akdang ang mga tauhan ay mga hayop.
    Pabula
  • Ito ay maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
    Parabula
  • Hinggil ito sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikang natatapos basahin sa isang upuan lamang.
    Maikling Kuwento
  • Salaysay na hinahati sa pamamagitan ng mga yugto at kadalasang isinalaysay sa mga teatro.
    Dula
  • Ito ay isang komposisyong kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
    Sanaysay
  • Isinalaysay nito ang kasaysayan ng buhay ng isang tao na batay sa mga tunay na impormasyon.
    Talambuhay
  • Paglalahad ito ng mga kaisipan o opinyon ng isang tao hinggil sa isang napapanahong paksang may layuning humikayat,tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
    Talumpati
  • Ito ay nagpapahayag sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at o loob ng isang bansa.
    Balita
  • Ito ay isang uri ng salaysay na likhang-isip na mga tauhang kumakatawan sa mga uri ng mamamayan. Kadalasa’y tumatalakay din sa mga suliraning panlipunan.
    Kwentong Bayan
  • Ito ay tumutukoy sa mga pinapaksang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan, at kabayanihan ng tauhan.
    Tulang Pasalaysay
  • Ito ay tulang nagsasalaysay ng mga buhay ng mga mahal na tao tulad ng hari, reyna, prinsipe, duke, at iba pa. Ang tagpuan ay mga kaharian at binabasa nang paawit ngunit may himig na mabagal o tinatawag na andante.
    Awit
  • Ilang pantig sa bawat taludtod ang binubuo ng isang Awit?
    Lalabindalawahing (12)
  • Pinapaksa nito ang makatotohanang kuwento ng mga tauhan at pakikipagsapalaran. Sinisimulan ang ganitong uri ng tula sa paghahandog.
    Awit
  • Ito ay isang sikat na halimbawa ng Awit.
    Florante at Laura ni Francisco Balagtas
  • Tulad ng awit, ang mga tauhan nito ay mga mahal na tao at naganap sa mga kaharian.
    Korido
  • Ilang pantig sa bawat taludtod ang binubuo ng isang Korido?
    Wawaluhing (8)
  • Isinasalaysay ang kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na kadalasang hindi kapani-paniwala dahil sa mga tagpuang kababalaghan at di-makatotohanan.
    Epiko
  • Ito ay isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan, o pasasalamat. Karaniwang para sa Diyos ito sapagkat nagpapakita, nagpaparating o nagpapadama ng pagdakila at pagsamba.
    Dalit
  • Nagpapahayag ito ng paghanga o isang papuri sa isang bagay at walang tiyak na bilang sa pantig at walang tiyak na bilang ng taludtod.
    Oda
  • Naghahatid ito ng aral sa mga mambabasa.
    Soneto
  • Ilang taludtod ang binubuo ng isang Soneto?
    Labing-apat (14)
  • Ang tulang ito ay patungkol sa pagdadalamhati sa isang namatay o naglalarawan sa pagbubulay-bulay sa kamatayan. Malungkot ang tema nito sapagkat naglalaman ito ng pag-aalala o pagpupuri sa namatay.
    Elehiya
  • Ito ay musikang magandang pakinggan at binubuo ng mga payak na salita at sukat.
    Kantahin
  • Ito ay dulang nagtatanghal sa paghahanap ni Santa Elena sa mahal na krus na kinamatayan ni Hesus at ito ay isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo na nakaugalian na sa Bulacan, Nueva Ecija, Bataan, Rizal, at Bicol.
    Tibag
  • Patungkol sa buhay, pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo ang dulang ito. Isa ito sa mga tradisyon ng Semana Santa sa ilang grupong Kristiyano.
    Senakulo