Malaking ang bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian. Tinatayang halos 60 bansa ang naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay kaysa Unang Digmaang Pandaigdig.
Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura, industriya, transportasyon at pananalapi ng maraming bansa.
Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo ni Mussolini, at Imperyong Hapon ni Hirohito.
Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang nagawa ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong militar.
Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa – ang Silangan Germany, Kanlurang Germany, Nasyonalistang Tsina, Pulahang Tsina, Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq at iba