Imperyong Romano

Cards (16)

  • Ang bumuo ng Unang Triumvirata ay sina Julius Caesar, Gnaeus Pompey, at Marcus Licinius Crassus
  • Binuo ang Ika-Unang Triumvirata dahil sa pagsamang impluwensiya, kayamanan, at lakas nilang tatlo ay tumulong sa kanila na mangibabaw sa pulitika
  • Ang nasakop ni Caesar ang Gaul (France), kay Pompey ay Armenia, at kay Crassus naman ay Parthia kung saan namatay siya sa digmaan nito
  • Inampon ni Julius Caesar si Octavian na nakabilang sa Ikalawang Triumvirata
  • Ang Pax Romana ay yugto ng kapayapaan, pagkakaisa, kaayusan , at pagyabong ng kultura sa Imperyong Romano
  • Idineklara ni Caesar ang sairili bilang diktador panghabambuhay dahil ang malakas na pamumuno ang makapipigil sa gustong umagaw sa kapangyarihan
  • Nabuwag ang Ikalawang Triumvirata dahil sa pag-away-away ng mga kasapi
  • Gumawa ng bagong kabisera si Constantine Constantinople upang maging simbolo ng bagong Roma
  • Nakatulong ang Pax Romana dahil walang digmaan, nabaling sa sining ang atensyon ng mamamayan
  • Mga nagpatay kay Julius Caesar ay sina Marcus Brutus at Gaius Cassius
  • Ang bumuo sa Ikalawang Triumvirata ay sina Octavian, Mark Antony, at Marcus Aemilius Lepidus
  • Binuo ang Ikalawang Triumvirata para makaganti sa pagpatay kay Julius Caesar
  • Hinati nila ang mga teritoryo kung saan ang Italya at ang mga teritoryo sa Kanluran ay napunta kay Octavian. Ang Silangan at Ehipto ay napunta kay Mark Antony. Ang Aprika ay napunta kay Marcus Lepidus
  • Noong 31 BCE, sa Labanan ng Actium, natalo ni Octavian ang mga hukbo nina Antony at Cleopatra sa Ehipto
  • Tinawag ni Octavian ang sarili nya bilang Princeps na nangangahulugang "unang mamamayan". Binigyan naman siya ng titulo na Augustus ng Senado na nangangahulugang "dakila"
  • si Augustus Caesar o kilala sa dati niyang pangalan na Octavian ay ang unang emperador ng Roma