Ang Florante at Laura ay isang akdang nabibilang sa genre na tinatawag na awit o romansang metrikal.
Ang awit ay isang tulang pasalaysay na may tig-aapat na taludtud sa bawat saknong kung saan ang bawat taludtud ay may labindalawang pantig.
Ang Florante at Laura ay binubuo ng 399 saknong.
Ang mga tauhan ay nabibilang sa mga dughong bughaw ng sinaunang panahon.
Ang kabuuan ng awit ay naganap sa Kaharian ng Albanya.
Florante - anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca; inilarawang tulad ni Adonis at ang buhok ay kulay ginto; kasintahan ni Laura.
Laura - nag-iisang anak ni Haring Linceo; mahinhin; kasintahan ni Florante.
Aladin - ang sumagip kay Florante sa gubat at sumakop sa Albanya; anak ni Sultan Ali-Adab; kasintahan ni Flerida.
Flerida - lmatapang at palaban; kasintahan ni Aladin.
Konde Adolfo - sakim, mainggitin, mapaglinlang, at taksil; tinangkang gahasain si Laura; tinangkang patayin si Florante.
Sileno - ama ni Konde Adolfo.
Miramolin - heneral mula sa Turkiya; natalo ni Florante; tinangkang sakupin ang Albanya.
Heneral Osmalik - matalik na kaibigan ni FLorante na taga Atenas; iniligtas si Florante mula kay Adolfo at naipalaya ang Albanya mula sa kamay ni Adolfo.
Menadro - tinangkang sakupin ang Krotona; 5 oras na kinalaban si Florante at namatay.
Sultan Ali-Adab - taksil na ama ni Aladin; sultan ng persya; may gusto kay Flerida.
Briceo - Isang duke at pinakamayamang tao sa Albanya; ama ni Florante.
Menalipo - pinsan ni Florante na taga-Epiro at sinalba ang buhay ni Florante ng siya ay tutuklawin ng isang buwitre.
Antenor - mula sa lahi ni Pitaco; ang ikalawang ama ni Florante.