Pasalaysay - Pangungusap na nagkukuwento o nagsasalaysay. Ito ay nagtatapos sa tuldok.
Patanong - Pangungusap na nagsasaad ng isang tanong at nagtatapos sa tandang pananong(?).
Padamdam - Nagsasaad ng matinding damdamin gaya ng tuwa, galit, gulat, takot at marami pang iba. Nagtatapos ito sa tandang padamdam(!).
Pautos - nagbibigay ng utos sa isang tao upang gawin ang isang bagay. Nagsisimula ito sa isang pandiwa o salitang-kilos at nagtatapos sa tuldok (.).
Pakiusap - Ito ay nakikiusap na may magalang na salita na utos sa isang tao upang gawin ang isang bagay. Nagsisimula ito sa isang pandiwa o salitang-kilos at nagtatapos sa tuldok (.).