SFILIPI

Cards (41)

  • Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o anomang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao sa layuning maipahayag ang kaniyang kaisipan
  • Ito ay kapwa pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.
    Pagsusulat / Pagsulat
  • Ayon kina Xing at Jin, ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento.
  • Sinabi ni Badayos (2000) na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.
  • Ayon naman kay Keller, ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
  • Sa paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa pagsulat: Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng tao mula sa kaniyang pakikinig, pagsasalita, at pagbabasa.
  • Ang sosyo ay tumutukoy sa lipunan ng mga tao. Ang kognitibo naman ay anomang tumutukoy sa pag-iisip. Nauugnay rin ito sa mga empirikal at paktwal na kaalaman.
  • Ayon sa pananaw na ito, ang pagsulat ay kapwa mental at sosyal na aktibiti.

    SOSYO-KOGNITIBONG PANANAW
    • Isa itong proseso ng pakikipag-usap sa sarili sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong tulad ng: Ano ang isusulat?
    • Ito rin ay paraan ng pakikipag-usap sa mambabasa, isang tao man o higit pa.

    KOMUNIKASYONG INTERPERSONAL AT INTRAPERSONAL
  • [MULTI-DIMENSYONAL NA PROSESO]
    Kapag ang isang indibidwal ay nagbabasa ng isang tekstong iyong isinulat, masasabing nakikinig na rin siya sa iyo.
    Oral na Dimensyon
  • [MULTI-DIMENSYONAL NA PROSESO]
    Ang dimensyong ito ay mahigpit na nauugnay sa salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kaniyang teksto na nakalimbag na simbolo.
    Biswal na Dimensyon
  • Ang biswal na imahen ay mga istimulus sa mata ng mga mambabasa at magsisilbing susi sa paggana ng kanilang komprehensyon sa ating isinusulat.
  • Bilang isang personal na gawain, ang pagsusulat ay tumutulong sa pag-unawa ng sariling kaisipan, damdamin, at karanasan.

    GAWAING PERSONAL AT SOSYAL
  • Bilang sosyal na gawain, nakatutulong ito sa ating pagganap sa mga tungkuling panlipunan at sa pakikisalamuha sa isa’t isa.

    GAWAING PERSONAL AT SOSYAL
  • ANG PAGSULAT AY GINAMIT PARA SA LAYUNING EKSPRESIBO O SA PAGPAPAHAYAG NG INIISIP O NADARAMA.
    Personal na Gawain
  • PAGSULAT KUNG ITO AY GINAGAMIT PARA SA LAYUNING PANLIPUNAN O KUNG ITO AY NAGSASANGKOT NG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA IBA PANG TAO SA LIPUNAN NA TINATAWAG DIN ITONG LAYUNING TRANSAKSYUNAL.
    Sosyal na Gawain
  • LAYUNIN SA PAGSULAT AYON KINA BERNALES, ET AL.
    Ang impormatibong pagsulat; Ang mapanghikayat na pagsulat; at Ang malikhaing pagsulat
  • Panimula - Dapat bigyan ng kaukulang pansin ang panimula ng tekstong isusulat.
  • Katawan - Mahalagang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag.
  • Wakas - Dapat isaalang-alang ng manunulat ang pagsulat ng bahaging ito upang makapag-iwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa.
  • Itinuturing itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

    Akademiko
  • Karaniwang katangian nito ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng Science and Technology. Samakatuwid, ang pagsulat na ito ay nakatuon sa isang ispesipikong audience o pangkat ng mga mambabasa.

    Teknikal
  • Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain, at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.

    Journalistic
  • Ito ay uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang reperens(reference) o sors (source) hinggil sa isang paksa. Madalas binubuod o pinaiikli ng manunulat ang ideya ng ibang manunulat.

    Reperensyal
  • Ito ang uri ng pagsulat na nakatuon o
    ekslusibo sa isang tiyak na propesyon. Bagama’t propesyonal nga, itinuturo na rin ito sa mga paaralan bilang paghahanda sa isang tiyak na propesyon na napili ng mga mag-aaral
    Propesyonal
  • Ang pokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat, bagama’t maaaring odi-piksyonal ang akdang isinusulat. Layunin din nitong paganahin ang imahinasyon bukod pa sa pukawin ang damdamin ng mambabasa. Ito ang uri ng pagsulat sa larangan ng literatura.

    Malikhain
  • Ang salitang akademya ay mula sa salitang Pranses na acadėmiė, sa Latin na academia, at sa Griyego na academia.
  • Ito ay nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.
    Akademikong Pagsulat
  • Ang akademiya ay itinuturing na isang institusyon ng kinikilala ang respetadong mga iskolar, artista, at siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin, at palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan.
    Isa itong komunidad ng mga iskolar.
  • Ang isang pangmalawakang depinisyon na maibibigay para sa akademikong pagsulat ay anomang pagsulat na isinasagawa upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral.
  • Ang akademikong pagsulat ay anomang akdang tuluyan o prosa na nasa uring ekspositori-argumentibo at ginagawa ng mga mag-aaral, guro o mananaliksik upang magpahayag ng impormasyon tungkol sa isang paksa.

    Sa pangkalahatan, inaasahang ang pagsulat na ito ay tumpak, pormal, impersonal, at obhetibo.
  • Ang akademikong pagsulat ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita.
  • Obhetibo - Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larangan.
  • May Paninindigan - ang nilalaman ng akademikong pagsulat ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinedepensahan, ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang mahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral.
  • May Pananagutan - Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon.
  • May Kalinawan - Dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon kung kaya’t ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko.
  • Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kahusayan ng wika.
  • Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng mapanuring pag-iisip.
  • Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng pagpapahalagang pantao.
  • Ang akademikong pagsulat ay isang paghahanda sa propesyon.