AP REVIEWER

Cards (38)

  • Pagkamamamayan
    Kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado
  • Naturalisasyon
    Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte
  • Jus sanguinis
    Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa dugo ng magulang o ang isa sa kanila
  • Jus Soli
    Ang pagkakamamamayan ay nakabatay sa lugar ng kapanganakan
  • Mga Dahilan ng Pagkawala ng Pagkamamamayang Filipino
    • Sumailalim sa proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa
    • Panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa
    • Tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan
    • Nawala na ang bisa ng naturalisasyon
  • UDHR (Universal Declaration of Human Rights)

    "International Magna Carta for All Mankind" ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas
  • Kahalagahan ng UDHR
    • Sinisiguro nitong walang magaganap na paglabag sa karapatang pantao
  • Eleanor Roosevelt nanguna sa paglikha at pagpapatibay ng UDHR
  • Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights
    Tumutukoy sa mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino na makikita sa Artikulo ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas
  • URI NG KARAPATAN
    • Likas na Karapatan (Natural Rights)
    • Karapatang Pangkabuhayan o Pang-ekonomiya (Karapatang Sosyo-Ekonomik)
    • Karapatang Pulitikal (Political Rights)
    • Karapatan ng Nasasakdal
  • Likas na Karapatan (Natural Rights)

    Karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipinagkaloob ng Estado
  • Likas na Karapatan (Natural Rights)

    • Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ari-arian ang sino mang tao nang hindi sa kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ng sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas
  • Karapatang Pangkabuhayan o Pang-ekonomiya (Karapatang Sosyo-Ekonomik)

    Karapatan ang sinisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang ekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal
  • Karapatang Pulitikal (Political Rights)

    Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan
  • Karapatan ng Nasasakdal
    Mga karapatan na magbibigay proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anumang krimen
  • Karapatan ng Nasasakdal
    • Hindi dapat suspindihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus maliban kung may pananalakay o paghihimagsik, kapag kinakailangan ng kaligtasan
    • May mga karapatan maging akusado o nasasakdal sa isang kaso sapagkat sila itinuturing na inosente hanggang mapatunayang nagkasala
  • Pakikilahok
    Mga aksyon ng mga indibidwal na tulad mo o ng mga samahan sa iyong komunidad, na sama-samang nagtratrabaho upang subukan at tuluyang malutas ang mga problema sa komunidad
  • Pakikilahok
    • Pangangampanya at pagboto tuwing halalan
  • Gawaing politikal
    Isang proseso na kung saan ang isang indibidwal ay nagkakaroon ng mga kaalaman tungkol sa sistemang politikal, pagpapahalaga, at paniniwala
  • Antas ng pakikilahok
    • Kaalaman
    • Pagsangguni
    • Pagwawasto
  • Political Efficacy
    Aksiyong ginagawa sa pamamagitan ng Internet bilang pagsuporta sa kagalingang pampolitika o panlipunan na nangangailangan lamang ng kaunting panahon o pakikilahok
  • Citizen journalism
    Karaniwang tawag sa pag-upload ng mamamayan ng mga larawan o video ukol sa mahahalagang pangyayari at mga politikal na kaalaman sa social media
  • Ang hindi natin pagtupad sa mga gawaing pansibiko ay maaaring makahadlang sa pag-unlad
  • Ang Pilipinas ay isang estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan
  • Pagboto
    Obligasyon at karapatang pulitikal na ginagarantiyahan ng ating saligang batas
  • Sa pamamagitan ng pagboto ating mailuluklok ang mga opisyal na sa tingin natin ay ipaglalaban ang karapatang pantao at kabutihang panlahat
  • Mga maaaring makaboto
    • Mamamayan ng Pilipinas
    • Hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas
    • 18 taon gulang pataas
    • Tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bumoto ng hindi bababa sa anim na buwan
  • Mga Diskwalipikadong Bumoto
    • Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon. Maaari siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon pagkatapos niyang matapos ang parusang inihatol sa kaniya
    • Mga taong nasentensyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa anti-subversion at firearms law, at anumang krimeng laban sa seguridad ng bansa. Maaari siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon pagkatapos niyang matapos ang parusang inihatol sa kaniya
    • Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw
  • Civil Society
    Binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental Organizations/People's Organizations
  • Non-Governmental Organizations
    Isang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado at Sa Pilipinas, tinatayang noong dekada 1960 nagsimulang mabuo ang mga ito
  • Grassroots organizations o people's organizations (POs)

    Dito nahahanay ang mga sectoral groupong kababaihan, kabataan, magsasaka, mangingisda, at mga cause-oriented group
  • FUNDANGOs (Funding - Agency NGOs)

    Nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga peoples' organization para tumulong sa mga nangangailangan
  • Participatory Governance
    Nagdudulot ng pagbuo ng social capital o ang pagbuo ng tiwala sa pagitan ng pamahalaan, civil society at mga mamamayan, na isang mahalagang elemento sa isang demokrasiya at mabuting pamamahala
  • Ang isang mabuting mamamayan ay may disiplina sa sarili at sumusunod sa mga batas
  • Ang isang aktibong mamamayan ay mulat sa mga isyu at aktibo sa mga programa para sa kabutihang panlahat
  • Good Governance
    Tumutukoy sa aktibong pakikipag-ugnayan ng mamamayan sa pamahalaan upang bumuo ng mga karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan
  • Democracy Index binubuo ng Economist Intelligence Unit at pinag-aaralan nito ang kalagayan ng demokrasiya sa 167 bansa sa buong mundo
  • democracy index
    binubuo ng economist intelligence