Ang pamahalaang totalitaryan ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan o itinuturing itong sistemang diktatoryal. Sa ilalim ng ganitong pamahalaan, may ideolohiyang pinaniniwalaan at may partidong nagpapatupad nito. Limitado ang karapatan ng mga mamamayan sa malayang pagkilos, pagsasalita, at pagtutol sa pamahalaan. Nasa kamay ng pamahalaan ang lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at kabuahayan, pag-aari ng mga lupain, kayamanan ng bansa, at mga industriya.