Arpa all lesson

Cards (79)

  • Tema
    • Karapatan, Pananagutan, at Pagkamamamayan
    • Tao, Lipunan, at Kapaligiran
  • Talakayin Natin

    Mahalagang Tanong
  • Paano naipaglaban ng mga katutubo sa Cordillera ang kalayaan ng kanilang pamayanan?
    Paano nakaapekto ang heograpiya ng Cordillera sa kasaysayan nito?
  • Masasabing epektibong nasakop ng mga Espanyol ang Luzon nang simulang bumagsak ang pamayanan ng mga katutubo sa Maynila, saka sumunod ang nasilagang Luzon, timog Luzon, hanggang Tangway Bikol. Malaking bahagi ng kapulauan ang naging bahagi ng pamahalaang kolonyal, kapuwa sa Luzon at Visayas. Ngunit mayroong ilang mga pamayanan, partikular sa kabundukan ng Cordillera sa hilaga at sa mga pamayanang Muslim at lumad sa Mindanao, ang hindi matagumpay na nasakop ng mga Espanyol sa matagal na panahon. Tumagal nang 300 taon ang pananakop ng Espanya sa Pilipinas ngunit hindi lubusang natinag ang mga pamayanang ito.
  • Cordillera
    • Rehiyong mabundok sa hilagang Luzon
    • Hugis hindi lamang sa parang ng pamantay kundi pati sa kasaysayan ng bansa
    • Malaki ang ngipin, goding oppong alsa hilagang punto na Luzon hanggang sa panan ng Babuyan at Batanes
    • Ang Cordillera o Gran Cordillera Central ay humahati sa hilagang Luzon sa dalawang bahagi ang Ilocos at Cagayan
    • Naghahati-hati sa bulubundukin nito ang mga lalawigan ng Abra, Ilocos Sur, at Cagayan
  • Unang nabalitaan ng mga Espanyol ang pamayanan sa itaas ng Cordillera noong 1572. Ayon sa ulat, mayroong mayamang pamayanan sa rehiyong ito na may pinagkukunan ng ginto. Sa panahong ito, lubog ang Kaharian ng Espanya dahil sa mga pagsubok nito sa Europa. Dahil dito, nagkainteres ang mga Espanyol na magtayo ng minahan sa kabundukan. Hindi nila inakalang mahirap at masalimuot ang pag-akyat sa bulubundukin ng Cordillera. Hindi rin nila nahanap ang minahan na sinasabing may maraming ginto. Sa halip, nakaharap nila ang mga katutubong umatake sa kanilang pag-akyat.
  • Ayon sa historyador na si William Henry Scott (1970), iba-iba ang naging layunin ng mga Espanyol sa mga tangkang makapasok sa Cordillera. Bahagi ng layunin nila ang pagnanais lamang nilang masakop ang rehiyon dahil sa gintong sinasabing taglay nito. Sa mga susunod na panahon ay nilayon naman nilang mapalawak o maprotektahan ang mga sasakop sa teritoryo na nakapalibot sa bulubundukin ng Cordillera. Nariyan din ang gawing Kristiyano ang mga katutubo, at mailigtas sila sa kasalanan ng sinaunang paniniwala. Ngunit sa kabuuan, malinaw na ekonomiko ang pangunahing dahilan ng pagtatangka ng Espanya ang pagtuklas sa ginto, makakuha ng kakaibang produkto, at pagsamantalahan ang likas na yaman ng rehiyon.
  • Sinubukang muli noong 1620 na sakupin ang Cordillera sa pamumuno ni Garcia de Aldana. Mayroong dalawang layunin Aldana-pagbayarin ang mga katutubo sa mga kasalanan nila sa pamahalaang kolonyal, at hanapin at minahin ang kanilang mga ginto. Inayos niya ang isang puwersang binubuo ng 1 700 sundalo at prayleng Espanyol at Pilipino. Nagsimula silang maglakbay mula sa Aringay (bahagi ngayon ng La Union). Sa kanilang paglalakbay, nakasalubong nila ang pangkat ng 50 Ibaloy. Sa kanilang pag-uusap, tinanggap ni Aldana ang mga Ibaloy at sinabing patatawarin sila sa tatlong kondisyon: (1) pagsuko nila, (2) pagtanggap sa Katolisismo, at (3) pagbayad ng tributo. Tinanggihan ito ng mga Ibaloy at bumalik sa kabundukan. Nakapaglakbay sina Aldana nang walang humaharang na katutubo hanggang narating nila ang pamayanan ng Boa (natatanaw mula sa Lungsod Baguio ngayon) at inangkin ang lupaing ito. Nang mapugutan ng ulo ang dalawang kasamahan niya, pinadakip ni Aldana ang 11 katutubong pinuno, Pinakawalan lamang sila nang makapagbayad ng tributong ginto at mangako na hindi na mamumugor ng ulo. Bumalik si Aldana sa Aringay at iniulat ang kanilang tagumpay. Itinuring ng mga Espanyol na nasa ilalim ng pamahalaang kolonyal ang mga lugar sa Cordillera, kaya anumang pagtutol o di-pagsunod dito ng mga katutubo ay ibinibilang na ilegal.
  • Nakapagtayo ang mga Espanyol ng pansamantalang kuta sa bandang Baguio noong 1620, 1623, at 1625. Noong 1663, nakarating din sila at inokupahan ang Kayan (bahagi ngayon ng Mountain Province) na malapit sa mga minahan ng Mankayan. Nagpatuloy na lamang ang paggalugad sa kabundukan noong gitna ng ika-18 dantaon. Nakahanap ang mga Espanyol ng daan mula Pangasinan hanggang Cagayan na dadaan sa Cordillera. Ito ngayon ang Nueva Vizcaya. Mula noon, nagpapadala ang mga Espanyol ng ekspedisyon sa lupain ng mga Ifugaw sa hilaga ng Nueva Vizcaya, at nilalabanan sila ng mga katutubo roon. Nitong ika-19 na dantaon lamang unti-unting "napayapa" ng mga Espanyol ang lugar, ngunit patuloy pa ring sumasalakay ang mga Ifugaw sa itinayong bayan ng mga dayuhan. Ngunit ang unang pormal na minahan ay naitatag lamang noong 1856 sa pagkakaroon ng Sociedad Minero-Metalurgica Cantabro-Filipina de Mancayan sa Mankayan (nasa Benguet).
  • Maliban sa mga ekspedisyong militar upang makapagtanggap ng tributo, ang unang mga misyong panrelihiyon ng mga Espanyol na natatag sa mga kabundukan ng Cordillera ay nangyari sa Pulag (1704), Capinatan (1691), at Tonglo (1755) sa Benguet.
  • Pakikipaglaban ng mga Katutubo
    1. Kahit inuturing ng mga Espanyol na napasailalim ang mga lugar sa Cordillera, nagkaroon ng malalaking pag-atake ng mga katutubo sa mga kalaban nila
    2. Ang pakikipaglaban ng mga katutubo ay isinagawa sa maraming paraan, tulad ng armadong pakikipaglaban, rebelyon, at diplomasya
    3. Ang dalawang malaking pagkilos ng mga katutubo ay ang Rebelyong Palali noong 1601 at ang Rebelyong Itneg noong 1609, na naging dahilan ng pagkaantala ng pagiging Kristiyano ng mga katutubo sa rehiyon
    4. Naging kanlungan ng mga rebelde ang kabundukan ng Cordillera, tulad ng panahon ng pag-aalsa ni Francisco Maniago (Pampanga) at si Andres Malong (Pangasinan) noong 1660 hanggang 1661
    5. Mayroong naitalang mga labanan ng mga Espanyol at mga katutubo, gaya ng sa Tonglo (Tuba, Benguet) noong 1759, at sa Ifugao noong 1767 at 1793
    6. Nagpadala ng petisyon ang mga katutubo para makabawi sa mga ninakaw na ginto, pilak, at mga hinabing kumot na sinamsam ng mga tauhan ng alkalde ng Pangasinan
  • Bagaman limitado lamang sa maliit at lokal na pag-aalsa at pakikipaglaban ng mga katutubo, naging malaking bahagi naman ito sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang karanasan ng pakikidigma ng mga katutubo ay hindi matatawaran. Naging malaking bahagi rin ito sa kanilang tahanan. Ito ang naging dobleng talim sa kanila-ang kabundukan na naging dahilan ng pananakop dahil sa paghahanap nila ng ginto, ay siyang naging paraan ng pakikipaglaban ng mga katutubo laban sa mga mananakop. Dahil dito, nabigo ang mga mananakop na tuluyang masailalim ang mga pamayanang nasa kaloob-looban ng kabundukan.
  • Bagaman pinaghati-hati sa mga distritong militar ang malawak na lupain ng Cordillera, hindi buong napamahalaan ng mga Espanyol ang mga bayan at lugar doon. Malaking bahagi ng populasyon ay malaya pa rin sa mga Espanyol. Napanatili ng mga katutubo ang natatanging pamayanan at kultura.
  • Hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Cordillera. Hindi man nagkaroon ng malaking pag-aalsa ang mga katutubo sa Cordillera sa pagtatapos ng panahon ng kolonyalismo ng mga Espanyol sa Pilipinas, ang mga katutubong institusyon ay buo pa rin. Napanatili ng mga katutubo ang kanilang kalinangan at pamayanan sa gitna ng pagbabagong nagaganap sa paligid ng kanilang rehiyon. Sa kasalukuyan ang hamon ay kung paano mapananatili ang pagkakakilanlan ng pamayanan at kalinangan ng rehiyon.
  • Dahil dito, nabigo ang mga mananakop na tuluyang masailalim ang mga pamayanang nasa kaloob-looban ng kabundukan
  • Bagaman pinaghati-hati sa mga distritong militar ang malawak na lupain ng Cordillera, hindi buong napamahalaan ng mga Espanyol ang mga bayan at lugar doon
  • Malaking bahagi ng populasyon ay malaya pa rin sa mga Espanyol
  • Napanatili ng mga katutubo ang natatanging pamayanan at kultura
  • Hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Cordillera
  • Hindi man nagkaroon ng malaking pag-aalsa ang mga katutubo sa Cordillera sa pagtatapos ng panahon ng kolonyalismo ng mga Espanyol sa Pilipinas, ang mga katutubong institusyon ay buo pa rin
  • Napanatili ng mga katutubo ang kanilang kalinangan at pamayanan sa gitna ng pagbabagong nagaganap sa paligid ng kanilang rehiyon
  • Ang hamon ay kung paano mapananatili ang pagkakakilanlan ng pamayanan at kalinangan ng rehiyon
  • Kailangang mapanatili ang mga katutubong kalinangan sa gitna ng mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan sa kasalukuyan
  • Ang pakikipaglaban ng ilang pangkat ng mga Muslim sa Mindanao sa kasalukuyan ay nag-ugat pa noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol
  • Tinangkang sakupin ng mga mananakop na dayuhan ang kabuuang Mindanao
  • Dahil sa pakikipaglaban ng mga katutubong nakatira doon, matagumpay nilang naipagtanggol ang kanilang kalayaan
  • Unang ipinaipakilala ang relihiyong Islam sa Pilipinas noong 1380 nang dumating si Karim Al Makhdum
  • Noong 1390 sumunod na dumating si Rajah Baginda na mula sa Sumatra
  • Dahil sa pagpapakilala at pagpapakalat ng Islam, naitatag ang unang pamayanang Muslim sa Sulu
  • Mula sa Sulu, lumaganap din sa iba pang bahagi ng Mindanao ang Islam
  • Nakapagtatag ng sentralisadong pamahalaan ang Sultanato ng Sulu
  • Mas lalong napabilis ang pagpapalawak ng Islam nang dumating mula Johor si Shariff Mohammed Kabungsuwan
  • Siya ay ang nagtatag ng Sultanato ng Maguindanao noong 1516
  • Sa iba pang bahagi ng Mindanao ay nakapagtatag ng iba pang sultanato tulad ng Sultanato ng Lanao at Sultanato ng Buayan
  • Tinangka ng mga Espanyol na sakupin ang Mindanao
  • Nagpadala ang pamahalaan ng Espanya ng ekspedisyon at kampanyang militar upang matalo ang mga Muslim na nakatira doon
  • Tinawag nilang "Moro" ang mga Muslim sa buong kapuluan, kabilang na ang mga nakatira sa Maynila at Mindanao
  • Ayon kay Cesar Majul, isang historyador, mayroong anim na yugto ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa Mindanao noong panahon ng mga Espanyol
  • Noong 1575, nagpadala ang pamahalaan ng Espanya ng ekspedisyon sa Mindanao upang makamit ang pagpapatuloy ng Sultanato ng Sulu
  • Noong 1596, nakapagtatatag ang mga Espanyol ng isang base militar sa Tampakan (bahagi ng South Cotabato)