Filipino

Cards (38)

  • Pagsasalita
    Ang kauna-unahang natutunan ng tao
  • Ang isang bata ay natututo ng limanlibong (500) salita bawat taon o labintatlong salita bawat araw
  • Pag-unlad ng pagsasalita
    Mula sa isang salita hanggang sa maging dalawa, patungo sa telegrapiko, hanggang sa makadebelop ng proseso sa ponolohiya at pagsasatinig ng mga salita, lumilikha ang mga bata ng mga salita na nagiging kagamitan niya sa pagpapahayag
  • Hakbang sa pagsasalita
    • Pag-iyak – kapanganakan
    • Cooing – 6 na lingo
    • Babling – 6 na buwan
    • Intonasyon – 8 na buwan
    • Isang salita – 1 taon
    • Dalawang salita – 18 buwan
    • Salita (word inflection) – 2 ¼ taon (3 taon – 3 buwan)
    • Tanong negatibo – 5 taon
    • Matyur na salita – 10 taon
  • Mga pangangailangan sa mabisang pagsasalita
    • Kaalaman
    • Kasanayan
    • Tiwala sa sarili
  • Kaalaman
    "you cannot say what you do not know." Kaya kailangan ang kaalaman sa paksa ng usapan, bokabularyo, gramatika, at kulturang pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sa iyong sariling kultura at kultura ng iyong kausap
  • Kasanayan
    • Kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamabilis na panahon
    • Kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pananalita
    • Kasanayan sa pagpapahayag sa iba't ibang genre
  • Tanda ng kawalan ng tiwala sa sarili
    • Kimi o hindo palakibo
    • Mahina ang tinig
    • Garalgal ang boses
    • Mabagal magsalita
    • Pautal-utal na pagbigkas
    • Panginginig, paninigas o pag-iwas sa tingin
    • Labis na pagpapawis
    • Kabado
  • Mga kasangkapan ng isang nagsasalita
    • Tinig
    • Bigkas
    • Tindig
    • Galaw
    • Kumpas
  • Tinig
    Angkop sa sitwasyon at damdamin ng nagsasalita, angkop ang himig o tono sa mensahe ng kaisipan
  • Bigkas
    Lakas, bilis, linaw at hinto
  • Tindig
    • Tumindig nang maginhawa at maluwag
    • Maging anyong kagalang-galang at maginoo sa pagtayo
    • Tuwid ang katawan at ulo sa paglakad sa entablado
    • Huwag tindig military o tindig marino
    • Huwag idukot ang mga kamay sa bulsa
    • Ipatong ang bigat ng katawan sa isang paa para maging handa na gumalaw nang paurong at pasulong
    • Pagpalitin sa mga paa ang pagpapatong ng bigat ng katawan sa bawat pagpapalit ng paksang tinatalakay
    • Huwag mamaywang na paraang lilipad na ibon
  • Galaw
    • Galaw ng buong katawan (paurong-pasulong, paglipat sa entablado)
    • Galaw ng mga bahagi ng katawan
  • Kumpas

    • Gawing natural
    • Ibagay sa sinasabi
    • Kumpas na gamit ang hintuturo – panawag pansin
    • Palad na nakatihaya – pagbibigay o pagtanggap
    • Palad na nakataob at ayos patulak – pagtanggi
    • Mapuwersang kumpas – pagpalakpak, pagpadyak, pag-iling, pagdagok
    • Kumpas na mapaglarawan – pagpapakita ng korte, laki, haba o kinalaglagyan ng isang bagay
  • Mga kasanayan sa pagsasalita
    • Pagtatalumpati
    • Pakikipanayam
    • Pagdedebate
    • Pakikipag-usap
    • Pagkukuwento
    • Pangkatang Talakayan
    • Pagbabalita
    • Pag-uulat
    • Sabayang Pagbigkas
  • Pagtatalumpati
    Sining ng pasalitang pagpapahayag na may layuning makaakit at makahikayat sa mga nakikinig
  • Layunin ng pagtatalumpati
    • Magbigay ng katuwaan
    • Magdulot ng impormasyon
    • Magpahayag ng katuwiran
    • Magbigay ng paliwanag
    • Mang-akit sa isang kilusan
  • Paraan ng pagbigkas ng pagtatalumpati
    • Pagbasa sa isinulat na talumpati
    • Pagbigkas mula sa balangkas ng talumpati
    • Pagbigkas sa isinaulong talumpati
    • Pagbigkas nang hindi pinaghandaan
  • Bahagi ng pagtatalumpati
    • Pambungad – inihahanda ang kaisipan ng mga nakikinig
    • Paglalahad – katawan o pinakakaluluwa ng talumpati
    • Panindigan – pagpapatunay sa talumpati
    • Pamimitawan – huling bahagi ng talumpati
  • Uri ng pagtatalumpati
    • Panlibang
    • Pampasigla
    • Panghikayat
    • Pangkabatiran
    • Pagbibigay-galang
    • Papuri
  • Pakikipanayam
    Pag-uusap ng dalawang tao o grupo – ang kumakapanayam at ang kinakapanayam. Layunin: Makakukuha ng mapanghahawakang mahalagang impormasyon o kabatiran hinggil sa kinakapanayam, sa ibang tao, sa mga bagay-bagay, Gawain, sa mga pangyayari o pangkalahatang kalagayan sa lipunan
  • Uri ng pakikipanayam
    • Ayon sa paksa: aktwal, nagtatamok, patalambuhay
    • Ayon sa pamamaraan: pormal, personal/impersonal
    • Ayon sa layunin: karaniwan, kinaugalian, pangkatan
  • Hakbang sa pakikipanayam
    • Tiyakin ang layunin ng pakikipanayam
    • Pumili at magtakda ng taong kakapanayamin
    • Alamin ang oras, lugar at tagpuan ng panayam
    • Sikaping may sapat na kaalaman tungkol sa paksa
    • Siguruhing may sapat na kabatiran tungkol sa kakapanayamin
    • Planuhing mabuti ang mga panimulang pahayag na napapaloob sa introduksyon
    • Makipagkasundo tungkol sa pagrerekord ng impormasyon
  • Paglikha ng mga katanungan
    • Oo o hindi (yes-no question)
    • Open-ended: mga tanong na humihingi ng maikling kasagutan, mga tanong na humihingi ng mahabang kasagutan
    • Follow-up: elaboration question, clarification question
    • Pagbubuod (summary question)
    • Karagdagang katanungan (continuation question)
  • Balangkas sa pagsasagawa ng panayam

    • Introduksyon
    • Katawan
    • Kongklusyon
  • Mga dapat tandaan habang nakikipanayam
    • Panatilihin ang kaaya-ayang atitud
    • Maging sensitibo sa mga non-verbal cues: eye contact, ekspresyon ng mukha, postura, muwestra, espasyo
  • Pagdedebate
    Binubuo ng pagtatalo ng dalawang koponan o pangkat na nagkakatuwiran sa isang proposisyon na napagkasunduan nilang pagtalunan
  • Proposisyon
    Isang paninindigan sa katunayan o kabulaanan ng isang bagay ng makatotohanan
  • Pakikipag-usap
    Pagpapalitan ng damdamin at kaisipan sa pamamagitan ng mga salita
  • Kahalagahan ng pakikipag-usap
    • Magkaroon ng mga kaibigan
    • Makipagpalitan ng kuru-kuro
    • Matuto ng bagong kaisipan
    • Makabuo ng paniniwala
    • Makabuo o makasira ng mabuting pagsasamahan
    • Maaari naming makayamot at makapagpagalit sa kausap
  • Ang karanasan sa pakikipag-usap ay nakatutulong sa isang tao upang maging matalas ang pakiramdam
  • Nagagamit ang pakikipag-usap sa pakikisalamuha sa lipunan
  • Kwento
    Isang uri ng salaysay na nagsasaad ng mga pangyayaring maaaring totoo o kaya ay kathang-isip lamang
  • Maikling kwento
    Isang uri ng panitikan na may katamtamang habang salaysay
  • Pangkatang Talakayan
    Maayos na paraan ng masusing pagpapalitan ng kuru-kuro o opinion na ang layunin ay makatipon ng mga kaalaman at magbigay-halaga sa mga mabisang opinion ukol sa isang paksa o kaya'y ihanap ng solusyon ang isang problema
  • Pagbabalita
    Paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa ating lipunan. Naglalayong ipabatid sa mamamayan ang mga huling kaganapan sa larangan ng ekonomiya, pulitika at kultura
  • Pag-uulat
    Isang anyo ng paglalahad na nagbibigay ng isang mahalagang impormasyon sa isang paksang tatalakayin
  • Sabayang Pagbigkas
    Isang masining na pagpapakahulugan o interpretasyon sa anumang anyo ng panitikan