ESP REVIEWER

Cards (31)

  • Sekswalidad
    • tao ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na babae o lalake
    • Ito ay nangangahulugang magiging ganap kang tao at bukod-tangi sa pamamagitan ng iyong pagkalalaki o pagkababae
    • nalalaman ang kasarian ng tao mula pa sa kaniyang pagsilang, malaya ang kaniyang pagtanggap at pagganap sa kaniyang sekswalidad
    • samakatuwid ay isang malayang pagpili at personal na tungkulin na ginagampanan ng tao gamit ang kaniyang katawan at espiritu tungo sa kaniyang kaganapan kaisa ang diyos.
  • National Secretarlat for Youth Apostulate (NSYA)

    ang kabataang Filipino ngayon ay patuloy na nakikibaka sa mga isyung may kinalaman sa seks at sekswalidad
  • Pre-Marital sex
    Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal
  • Mga pananaw kung bakit ang kabataan ay pumapasok sa maagang pakikikapagtalik

    • Ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging malusog siya at matugunan ang pangangailangan ng katawan
    • Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang pakikipagtalik lalo na kapag ang mga gumagawa nito ay may pagsang-ayon
    • Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may karapatan silang makaranas ng kasiyahan
    • Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal.
  • Pornograpiya
    • Ang pornograpiya ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego, “porne,” na may kahulugang prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang aliw, at “graphos” na nangangahulugang pagsulat o paglalarawan
    • ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa
  • Masama sa pornograpiya
    • ang tao ay maaaring mag-iba ng asal
    • mga sekswal na damdamin na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, na maganda at mabuti, ay nagiging makamundo at mapagnasa
    • ibinababa ng tao ang pagkatao o ang kaniyang dignidad bilang tao
    • Hindi rin naisasagawa ang pagbibigay ng preperensiya sa kabutihan
  • Immanuel Kant
    "nauuwi sa kawalang-dangal o nagpapababa sa kalikasan ng tao ang mga makamundong pagnanasa"
  • Masamang epekto ng Pangaabusong sekswal
    • nagiging biktima ng pang-aabusong seksuwal ay ang mga bata o kabataang may mahihinang kalooban, madaling madala at may kapusukan.
    • may mga magulang din na sila mismo ang nanghihikayat sa kanilang mga anak na gawin ito upang magkapera
  • Dahilan ng pang aabusong sekwal
    • Ang mga kadahilanan ng mga taong nagsasagawa ng mga pang-aabusong sekswal na ating binanggit ay taliwas sa tunay na esensiya ng sekswalidad
    • Hindi nito ipinapahayag ang tunay na mithiin ng sekswalidad
    • Ang paggamit ng kasarian ay para lamang sa pagtatalik ng mag-asawa na naglalayong ipadama ang pagmamahal at bukas sa tunguhing magkaroon ng anak upang bumuo ng pamilya
    • Ito ang esensiya ng sekswalidad
  • Prostitusyon
    • pinakamatandang propesyon o gawain ay ang pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera
    • Ang pagbebenta ng sarili ng isang prostitute ay maihahalintulad sa isang manunulat na ibinebenta ang kaniyang isip sa pamamagitan ng pagsusulat.
    • kapag ang prostitusyon daw ay isinagawa ng isang tao na may pagsang-ayon, maaaring sabihin na hindi ito masama.
    • Ito ay sa kadahilanang alam niya ang kaniyang ginagawa at nagpasiya siya na ibigay ang sarili sa pakikipagtalik kapalit ng pera o halaga.
  • Sa paanong paraan napabababa ng prostitusyon ang dignidad ng tao?
    • Una ang mga taong tumatangkilik dito ay nawawalan ng paggalang sa pagkatao ng tao
    • o. Naituturing ang taong gumagawa nito (na kadalasan ay babae), na isang bagay na lamang kung tratuhin at hindi napakikitaan ng halaga bilang isang tao.
  • Tandaan
    • Layunin mong ipahayag ang iyong pagkatao o kaya’y pagmamahal
    • nararapat ding tingnan sa ating pagpapasiya kung ang pinipili ba natin ay may mas mataas o mababang pagpapahalaga.
    • Maaari mong pagpasiyahang gamitin ang mga seksuwal mong kakayahan ngunit nararapat mong isipin kung ano ang tunay na halaga at layunin ng paggamit mo nito
  • Tandaan
    • Ang rape, prostitusyon, pornograpiya, pre-marital sex ay pangkaraniwan ng mga tema sa mga pelikula, telenovela, at literatura.
    • Sa internet napakaraming mga website ang bigla na lang nag po-pop-up sa screen. Binabaha ang FB na ng ganitong mga uri ng post.
    • Mag-isip ng mga praktikal na paraan kung paano mo maisasabuhay ang wastong pangmalas sa mga sekswal na usapin
    • Patuloy na mamuhay ayon sa mataas na pamantayang moral salig sa kautusan ng Diyos.
    • ang pamamaraan ay hindi mabuti, hindi rin maituturing na mabuti ang kilos
  • Tandaan
    • Huwag mo itong itago o ilihim
    • Maghanap at paligiran mo ang iyong sarili ng mga kapamilya at kaibigang iyong mapagkakatiwalaan.
    • Maaari ka ring maghanap ng propesyonal na tulong kung sakaling ikaw ay lulong na sa mga pang-aabusong ito
  • Pagsisinungaling
    pagsasabi ng hindi totoo sa isang tao na dapat makaalam ng katotohanan at ginagawa ito upang dayain o pinsalain siya o ang ibang tao.
  • Jocose lies
    pagsasabi ng kasinungalingan sa paraang pabiro.
  • Officious lie
    ginagawa ito upang maipagtanggol ang kaniyang sarili o kaya naman ay lilikha siya ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling ang pansin.
  • Pernicious lie
    tuwirang sumisira sa reputasyon ng isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng ibang tao
  • kasabihang mga Pilipino
    “Ang pagsasabi nang tapat ay pagsasama nang maluwat.”
  • Plagiarism
    • pagkopya ng gawa, ideya o salita nang walang pahintulot o pagkilala sa orihinal na awtor
    • Ito ay maituturing na pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin nito ang gawa ng iba
  • Intellectual piracy
    • ang paglabag sa karapatang – ari (copyright infringement) naipapakita ito sa paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang taong pinoprotektahan ng Law on Copyright mula sa Intellectual Property Code of the Philippines 1987, gaya ng musika, aklat o software ito man ay nakaimprenta sa papel o nasa elektronikong kagamitan.
  • Pero bakit nga ba nahihikayat ang mga tao sa pamimirata o sa pagtangkilik ng mga produktong huwad o peke?
    Dahil naniniwala sila na mas nakakamura sila kung mga piniratang produkto ang kanilang bibilhin, ganundin mabilis ang transaksyon dahil pwedeng gawin on line kaya nakakatipid sa panahon ang nagbebenta at bumibili.
  • Whistleblower
    mga taong nagbubunyag o nagsisiwalat ng mga maling kalakaran at anomalya sa kanilang ahensya tulad ng pagsisinungaling, immoral o ilegal na gawain na nagaganap sa kanilang hanay
  • Whistleblower
    • isang simpleng empleyado na mag-aakusa sa kaniyang boss o sa mataas na tao sa lipunan na may katiwalian itong ginagawa
    • Maaring magsapanganib ito ng kanilang buhay at kaligtasan ng kanilang pamilya
    • hindi nila ito alintana, ang mahalaga sa kanila ay kung paano maisisiwalat ang katiwaliang nagaganap.
  • Tandaan
    May pananagutan ang bawat isa sa atin na mamuhay ayon sa prinsipyo ng katotohanan
  • Dr. Twila Punzalan
    nagmungkahi sa kanilang aklat na Kaganapan sa Maylalang kung paano malilinang ang kakayahang magsaliksik at mamuhay sa katotohanan
  • iminungkahi nila ang mga sumusunod:
    Magbasa ng mga tama at napapanahong babasahin sa literature- sa paggawa nito nahahanap natin ang katotohanan.
    Hubugin ang hilig o ugali ng pagtatanong o pagkakaroon ng mapanuring kaisipan.
    Maging mahinahon at matalino sa pagtanggap ng mga impormasyon o balita.
    • Magsikap na magsaliksik at mag-imbestiga sa mga isyu at pahayag.
    Patingkarin/palakasin o pasiglahin ang partisipasyon s amga debate at malayang talakayan.
    • Magkaroon ng obhetibo at moral na batayan sa paghahanap ng katotohanan.
    Manalangin at humingi ng inspirasyon mula sa Diyos.
  • Isa sa Sampung Utos ng Diyos ay ang huwag kang magsinungaling, nakaulat iyan sa aklat ng _________. Kaya patunay iyan na hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang pagsisinungaling. Nais niya na ang kaniyang nilikhang mga tao ay magpamalas ng katapatan at mamuhay sa prinsipyo ng katotohanan.
    Exodo 20:16.
  • “ Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Hango ito sa, sa sinabing ito ng ating Panginoong Hesus na nakasulat sa anong aklat?
    Juan 8:32             
  • Pang aabusong sekswal
    • pang- aabuso na isinasagawa ng isang nakatatanda na siyang pumupuwersa sa isang nakababata upang gawin ang isang gawaing sekswal.
    • Ito ay maaaring paglalaro o paghawak sa maseselang bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba.
    • Walang pangkalahatang pagpapakahulugan ang maaaring ibigay sa pang-aabusong sekswal. Sa gitna ng mga pang-aabusong ito
  • Mga epekto ng pornograpiya
    • Ang pagkahumaling sa pornograpiya ay nakaiimpluwensiya sa paggawa ng mga abnormal na gawaing sekswal, lalong-lalo na ang panghahalay
    • nahihirapang magkaroon ng malusog na pakikipag-ugnayan sa kanilang asawa.
    • Nakararanas sila ng sekswal na kasiyahan sa panonood at pagbabasa ng pornograpiya, at pang-aabuso sa sarili at hindi sa normal na pakikipagtalik.
    • ito rin ay ginagamit ng mga pedophiles sa internet upang makuha ang kanilang mga bibiktimahin
    • eksenang ipinakikita ng pornograpiya ay pumupukaw ng mga damdaming sekswal ng kabataang wala pang kahandaan para rito