PAGBASA-pananaliksik

Cards (16)

  • Pananaliksik
    Isang sistematikong pag-iimbestiga
  • Pananaliksik
    • Lohikal at organisadong batayan ng mga karagdagang kaalaman tungkol sa tao, kultura, at lipunan
    • Palawakin o palalimin ang kaalaman sa isang larangan lalo na sa, mga institusyong pang-akademiko
    • Ang paghahanap, pangangalap, at pagiging kritikal ay mga kasanayang nalilinang sa pagsasagawa ng pananaliksik
  • Good (1963): 'Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinado sa pamamagitan ng ibat ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasiyon at resolusyon nito'
  • Parel (1966): 'Ang pananaliksik ay isang sistematiko na pag-aaral o imbestigasiyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik'
  • Layunin ng Pananaliksik
    • Makakalap ng bagong Impormasiyon
    • Magsilbing katugunan sa problema at suliranin sa mundo
    • Mapalawig ang kamalayan sa nangyayari sa ating kapaligiran
    • Matukoy ang mga makabagong pagkatuto na umiiral sa lipunan
    • Makatuklas ng bagong instrumento o produkto
    • Makalikha ng mga batayan sa pagpapasya sa kalakaran, industriya at edukasiyon
    • Masagot at mapunan ang kuryosidad ng mananaliksik
    • Mapalawak at mapatotoo ang mga umiiral na kaalaman
  • Dalawang Pangkalahatang Pamamaraan ng Pananaliksik
    • Pasaklaw
    • Pabuod
  • Pasaklaw
    Sinusuri ang mga detalye at obserbasyon upang matukoy at mapatunayan ang pangkalahatang kaisipan at prinsipyo. Ibig sabihin, nagsisimula sa maliliit na detalye bago bumuo ng paglalahat
  • Pabuod
    Unang inilalahad ang pangkalahatang kaisipan na pinatutunayan sa pamamagitan ng mga detalye at obserbasyon. Sa prosesong ito, ang isang umiiral na teorya o kaalaman ay sususugan ng mga detalye upang mapatunayan ang katotohanan at bisa nito
  • Mga Katangian ng Pananaliksik
    • Obhetibo
    • Imperikal
    • Lohikal
    • Siklika
    • Kritikal
  • Mga Hakbang sa Pagbuo at Pagsulat ng Pananaliksik
    • Pumili ng Paksa
    • Kumalap ng mga Impormasyon
    • Bumuo ng Tesis na Pahayag
    • Gumawa ng isang Tentatibong Balangkas
    • Pagsasaayos ng mga Tala
    • Isulat ang Unang Burador
    • Rebisahin ang Balangkas at ang Burador
    • Pagsulat na Pinal na Papel
  • Kritikal
    > Dito, ang pananaliksik ay
    sumasailalim sa maingat at tumpak na paghahatol.
  • Siklika
    > Naglalarawan ito ng isang "cyclical" na proseso dahil nagsisimula ito sa isang problema at nagtatapos sa isa pang problema.
  • Lohikal
    > Ang katangiang ito ay naka base sa mga tamang pamamaraan at mga alituntunin.
  • Imperikal
    > Ang pananaliksik ay nakabatay sa mga direktang karanasan o obserbasyon ng mga
    mananaliksik.
  • Obhetibo
    › Naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro - kurong pinapanigan ng manunulat kundi
    nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya, at sinuri.
  • Pananaliksik ay isang proseso ng pagpapaunlad ng kaalaman.