Tamang Paggamit ng komunikatibong pahayag

Cards (31)

  • Kalinawan ng pahayag
    Nakasalalay sa mga salitang gagamitin. Kinakailangang angkop ang mga salita sa kaisipan at sitwasyong ipinahahayag
  • Mali
    • Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na bibig ng bulkan
    • Bagay kay Olga ang kanyang makipot na bunganga
    • Ginanahan sa paglamon ang mga bagong dating na bisita
    • Maarte siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba
  • Wasto
    • Tanaw na tanaw na namin ang maluwang na bunganga ng bulkan
    • Bagay kay Olga ang kanyang makipot na bibig
    • Ginanahan sa pagkain ang mga bagong dating na bisita
    • Mapili siya sa pagkain kaya hindi siya tumataba
  • Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring magbago ang kahulugan ng isang pahayag kung mali ang gamit na salita
  • May
    Ginagamit kung ito'y sinusundan ng: pangngalan, pandiwa, pang-uri, panghalip na paari, pantukoy na mga at pang-ukol na sa
  • Mayroon
    Ginagamit kung ito'y sinusundan ng isang kataga o ingklitik
  • Mayroon
    Nangangahulugang "mayaman"
  • Kita
    Panghalip panao sa kaukulang at may kailanlang isahan. Ginagamit ito bilang tuwirang layon o di-tuwirang layon ng pandiwa. Tumutukoy sa kinakausap
  • Kata
    Panghalip panao sa kaukulang palagyo at kailanang dalawahan. Tumutukoy sa magkasamang nangungusap at kinakausap
  • Walang salitang Kila. Ang Kina ay maramihan ng kay
  • Ng
    Katumbas ng of sa Ingles. Pang-ukol ng layon sa pandiwa. Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak
  • Nang
    Katumbas ng when, so that or in order to
  • Nang (na+ng)
    Pinagsamang pang-abay na na at pangaakop na ng
  • Kung
    Ginagamit bilang pangatnig na panubali. Katumbas nito ang if sa ingles
  • Kong
    Panghalip panao sa kaukulang paari
  • Kung di
    Galing sa salitang "Kung Hindi" o if not sa Ingles
  • Kundi
    Katumbas ng except
  • Daw/Din
    Kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig
  • Raw/Rin
    Kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig
  • Dahil sa
    Ginagamit bilang pangatnig na pananhi
  • Dahilan
    Bilang pangngalan
  • Walang unlaping tiga-, taga- ang dapat gamitin. Ginagamit ang gitling sa unlaping taga- kung sinusundan ng pangngalang pantangi
  • Subukin
    To test, try - masubok ang husay o galing ng isang bagay o gawain
  • Subukan
    To see secretly - palihim na pagmamatyag o pageespiya sa kilos ng isang tao
  • Iwan
    To leave something or somebody - huwag isama
  • Iwanan
    To leave something to somebody - bigyan
  • Huwag gamitin ang gitling sa mga titulong tulad ng "pangalawang pangulo" at "pangkalahatang tagapamahala"
  • Gamitin ang gitling sa mga tambalang katawagan tulad ng kalihim-ingat yaman, bantay-sunog at iba pa
  • Gamitin ang gitling sa pagsulat ng tambalan at pamilang na pamamahagi: dalawampu't apat, tatlo-kapat
  • Gamitin ang gitling sa pagitan ng unlapi at tanging ngalan: maka-Amerikano, maka-Duterte
  • Ginagamit ang gitling sa mga tambalang pang-uri: maganda-pangit, matamis-maasim na sarsa