Deck 2

Cards (38)

  • Sektor ng Agrikultura
    • Paghahalaman
    • Paghahayupan
    • Pangingisda
    • Paggugubat
  • Paghahalaman
    • Maraming pangunahing pananim tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka
    • Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa
  • Paghahayupan
    • Binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at pato
    • Nakatutulong sa pag-supply ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain
  • Pangingisda
    • Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo
    • Isa sa pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa
    • Nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at aquaculture
  • Paggugubat
    • Isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura
    • Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito
  • Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga sektor ng ekonomiya
  • Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahat ng sektor, partikular ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga pagkain na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan
  • Kahalagahan ng Agrikultura
    • Pangunahing pinagmumulan ng pagkain
    • Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto
    • Pinagkukunan ng kitang panlabas
    • Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino
    • Pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa mula sa Sektor Agrikultural patungo sa Sektor ng Industriya at Paglilingkod
  • Suliranin sa Sektor ng Agrikultura - Pagsasaka
    • Pagliit ng lupang pansakahan
    • Paggamit ng teknolohiya
    • Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran
    • Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor
    • Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya
    • Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
    • Climate Change
  • Suliranin sa Sektor ng Agrikultura - Pangisdaan
    • Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda
    • Epekto ng polusyon sa pangisdaan
    • Lumalaking populasyon sa bansa
    • Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda
  • Suliranin sa Sektor ng Agrikultura - Paggugubat
    • Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan
    • Malawakan ang paggamit sa ating mga likas na yaman
    • Mabilis na nauubos ito dahil sa mga pangangailangan sa mga hilaw na sangkap sa produksiyon tulad ng mga troso at mineral
  • Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura

    • Land Registration Act of 1902
    • Public Land Act of 1902
    • RA 1160
    • RA 1190
    • Agricultural Land Reform Code
    • PD 2 s. 1972
    • PD 27 s. 1972
    • RA 6657 of 1988
  • Land Registration Act of 1902
    Sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat
  • Public Land Act of 1902
    Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing pampubliko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa, ang bawat pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain
  • RA 1160
    Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan, kasama rin ang mga pamilyang walang lupa
  • RA 1190
    Batas na nagbibigay-proteksiyon laban sa pang-aabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga manggagawa
  • Agricultural Land Reform Code
    Simula ng isang malawakang reporma sa lupa na nilagdaan ng dating Pangulong Diosdado Macapagal noong 1963, ayon dito ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari nito, at inalis ang sistemang kasama, ang pamahalaan ay bumili ng mga lupang tinatamnan ng mga magsasaka at muling ipinagbili sa kanila sa paraang hulugan
  • PD 2 s. 1972
    Itinadhana ng kautusan na isailalim sa reporma sa lupa ang buong Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Marcos
  • abuso
    pagsasamantala, at pandaraya
  • mga may-ari ng lupa

    mga nagsamantala sa mga manggagawa
  • Agricultural Land Reform Code ay simula ng isang malawakang reporma sa lupa na nilagdaan ng dating Pangulong Diosdado Macapagal noong ika-8 ng Agosto 1963
  • Ayon sa batas na ito, ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari nito
  • Ang sistemang kasama ay inalis ng batas
  • Ang pagbili ng pamahalaan sa mga lupang tinatamnan ng mga magsasaka ay sinimulan
  • Ang mga lupang ito ay muling ipinagbili sa mga magsasaka sa paraang hulugan at katulad ng presyong ibinayad ng pamahalaan sa may-ari ng lupa
  • Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972 ay itinadhana ang pagsailalim sa reporma sa lupa ang buong Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Marcos
  • Atas ng Pangulo Blg. 27 ay ipinatutupad ang batas na ito na sinasabing magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka
  • Ang mga magsasaka ay binigyan ng pagkakataong magmay-ari ng limang ektarya ng lupa kung walang patubig at tatlong ektaryang lupa kapag may patubig
  • Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 o Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) ay inaprobahan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988
  • Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng publiko at pribadong lupang agrikultural sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)
  • May hangganan ang matitirang lupa sa mga may-ari ng lupa, sila ay makapagtitira ng di hihigit sa limang ektarya ng lupa
  • Ang bawat anak ng may-ari ay bibigyan ng tatlong ektarya ng lupa kung sila mismo ang magsasaka nito
  • Ang pamamahagi ng lupa ay isasagawa sa loob ng 10 taon
  • Mga batas at programa para mapaunlad ang sektor ng agrikultura
    • Agricultural Land Reform Code
    • Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972
    • Atas ng Pangulo Blg. 27
    • Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 (CARL)
    • Land Registration Act of 1902
    • Public Land Act of 1902
    • RA 1160
    • RA 1190
  • Mga programa para mapaunlad ang sektor ng agrikultura
    • Pagtatayo ng bahay-ugnayan para sa mga magsasaka
    • Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka
    • Pangulong Diosdado Macapagal Agrarian Reform Scholarship Program
    • KALAHI agrarian reform zones
  • Mga programa para mapaunlad ang sektor ng pangingisda
    • Pagtatayo ng mga daungan
    • Philippine Fisheries Code of 1998
    • Fishery research
  • Mga programa para mapaunlad ang sektor ng pagtotroso
    • Community Livelihood Assistance Program (CLASP)
    • National Integrated Protected Areas System (NIPAS)
    • Sustainable Forest Management Strategy
  • 6,453 hectares