karapatang pantao - tumutukoy sa mga taglay na karapatan at
pangunahing mga kalayaan ng tao na walang pagkakaiba sa kasarian, nasyonalidad, pinagmulan,
relihiyon, wika o anumang iba pang kundisyon.
Sa SaligangBatasng1987 nakasulat ang batayan upang magsilbing kaagapay kung ipinagkakait ang karapatan ng isang tao.
Commission on Human Rights(CHR) - Kilala bilang National Human Rights Institution ng Pilipinas
Commission on HumanRights - ito ay isang komisyon na nangangalaga sa karapatan ng mga mamamayan
PAHRA (Philippine Alliance of Human Rights Advocates) - to ay samahang nagsusulong, pumoprotekta at nagsasakatuparan ng mga karapatan ng Mga Pilipino.
PhilRights (Philippine Human Rights Information Center)- organisasyon na naglalayong mabigyang proteksyon at maging pantay-pantay ang mga tao sa
pamamagitan ng batas pantao.
KARAPATAN (Alliance for the Advancement of People’s Right) - Ito ay nagtataguyod at nangangalaga sa karapatang pantao sa ating bansa.
Free Legal Assistance Group (FLAG) - Ito ay samahan ng pamabansang grupo ng mga human rights lawyer. Adbokasiya nito ang
paglaban sa pag-uusig sa politikal na dahilan at pang-aabusong militar.
Task Force Detainees of the Philippines (TDCP) - Ito ay may layong tulungan ang mga political prisoners. Nagbibigay din ito ng suportang
pinansyal, legal at moral maging sa pamilya ng political prisoner.
Pandaigdigang kilusan - Adhikain ng kilusan ang magsaliksik at magkampanya laban sa pang-aabuso ng mga
karapatang pantao sa daigdig. Nagbibigay ng katarungan sa mga biktima ng paglabag sa
karapatan.