pagsulat

Subdecks (1)

Cards (135)

  • Teksto
    Anumang babasahin na nagtataglay ng iba't ibang impormasyon, nagbibigay ng mensahe o damdamin ng sinuman sa paraang pasulat o nakalimbag
  • Uri ng Teksto
    • Impormatibo
    • Deskriptibo
    • Naratibo
    • Prosidyural
    • Persuweysib
    • Argumentatibo
  • Tekstong Impormatibo
    Uri ng babasahing di piksyon na magbibigay ng impormasyon o magpapaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba't ibang paksa, hindi nakabase sa sariling opinyon, sinasagot ang mga tanong na ano, paano at sino
  • Tekstong Impormatibo

    • Sampaguita ang pambansang bulaklak ng Pilipinas.
    • Si Catriona Grey ang itinanghal na Miss Universe 2018.
    • Mapapanood ang Kapuso Mo, Jessica Soho tuwing Linggo ng gabi.
    • Nagpunta sina Marian at Dingdong sa kaarawan ni Karylle.
    • Pinasimulan ng pamahalaang Duterte ang laban kontra iligal na droga.
  • Elemento ng Tekstong Impormatibo
    • Layunin ng may-akda
    • Pangunahing ideya
    • Pantulong na kaisipan
    • Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin
  • Layunin ng may-akda
    Maaaring magkaiba-iba ang layunin ng may akda sa pagsulat ng isang tekstong impormatibo, gayunpaman, anuman ang layunin ay mapapansing kaugnay ito lagi ng pagbibigay o paglalahad ng impormasyon
  • Pangunahing ideya
    Dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa
  • Pantulong na kaisipan
    Mahalaga ang paglalagay ng mga angkop na pantulong ng kaisipan o mga detalye para makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideya nais niyang matanim o maiwan sa kanila
  • Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin
    • Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
    • Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
    • Pagsulat ng talasanggunian
  • Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
    Makatutulong ang paggamit ng mga larawan, guhit, dayagram, tsart, talahanayan, timeline at iba pa upang mapalalim ang pagkaunawa ng mga mambabasa sa mga tekstong impormatibo
  • Pagsulat ng talasanggunian
    Karaniwang inilalagay ng mga manunulat ng tekstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan at iba pang sanggunian upang higit na mabigyang-diin ang katotohanang naging basehan sa mga impormasyong taglay nito
  • Tekstong impormatibo
    Ang pangunahing layunin ay makapaghatid ng impormasyong hindi nababahiran ng personal na pananaw o opinyon ng may akda
  • Paglalahad ng totoong pangyayari/ kasaysayan
    1. Sumasaklaw sa mga paglalahad ng mga pangyayari sa nakaraan, kasalukuyan o iba pang panahon
    2. Personal na nasaksihan ng manunulat tulad ng balitang isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan
    3. Sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang panimula o introduksyon
    4. Kung ito ay balita, mababasa sa bahaging ito ang pinakamahalagang impormasyon tulad ng kung sino, ano, saan, kailan at paano nangyari ang inilalahad
    5. Susundan ng iba pang detalye na nasa katawang bahagi at nagtatapos sa konklusyon
  • Paglalahad ng totoong pangyayari/ kasaysayan
    • Isinagawa ang 2022 National Elections noong Mayo 9, 2022 at idineklara ni Pangulong Duterte bilang non-working holiday
    • Naganap ang Bataan Death March noong Abril 1942 sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  • Pag-uulat pang-impormasyon
    Mahahalagang kaalaman patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di nabubuhay gayundin ang mga pangyayari sa paligid
  • Ang pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay nangangailangan ng masusing pananaliksik
  • Pag-uulat pang-impormasyon
    • Francisco Domagoso ang tunay na pangalan ni Isko Moreno
    • Naging tanyag lamang siya sa kaniyang screen name kaya ito na rin ang naging pangalan niya bilang politiko
  • Pagpapaliwanag
    • Uri ng tekstong impormatibong nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari
    • Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong kalagayan
  • Pagpapaliwanag
    • Bumaha sa kabilang barangay dahil nasira ang kanilang drainage doon
    • Nanalo si Pacquiao sa bisa ng isang unanimous desisyon
  • Ang pagbabagong anyo ng salagubang
    Hawak ni Tony ang tekstong may pamagat na "Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang"
  • Mga epekto ng global warming sa kapaligiran
    Hawak ni Roel ang tekstong may pamagat na "Mga Epekto ng Global Warming sa Kapaligiran"
  • Tekstong deskriptibo
    Uri ng tekstong naglalarawan. Naglalaman ng impormasyong ginagamitan ng mga salitang pantukoy sa katangian ng isang tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari. Mayaman sa mga salitang pang-uri
  • Ang pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol
    Gustong malaman ni Donna ang kasaysayan sa likod ng pinakamahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng Pilipinas
  • 51st International Eucharistic Congress

    Naganap sa Cebu noong Enero 24-31, 2016
  • Si Pia Wurtzbach ay nagwagi bilang Ms. Universe 2016
  • Tekstong deskriptibo
    • Mula sa epektibong paglalarawan ay halos makikita, maaamoy, maririnig, malalasahan, o mahahawakan na ng mambabasa ang mga bagay na inilalarawan kahit pa sa isipan lamang niya nabubuo ang mga imahe
  • Unang paglalayag na pambuo-mundo sa ngalan ng Espanya
    Nasundan ng apat pang ekspedisyon mula 1525 hanggang 1542
  • Uri ng paglalarawan
    • Nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi ito nakabatay sa katotohanan (SUBHETIBO)
    • Ang paglalarawan kung ito'y may pinagbabatayang katotohanan (OBHETIBO)
  • Ang Bulkang Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay sa pulo ng Luzon sa Pilipinas
  • Cohesive Devices o Kohesyong Gramatikal
    Mahalaga sa pagbibigay nang mas malinaw at maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto
  • Ang global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan at atmospera
  • Mga uri ng Cohesive Devices
    • Reperensyal (reference)
    • Substitusyon (substitution)
    • Ellipsis
    • Pang-ugnay
    • Kohesyong leksikal
  • Ang dahilan ng global warming ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer sa ating bansa
  • Reperensyal (reference)

    Paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinaguusapan sa pangungusap
  • Pagkatagpuan ng Manunggul Jar
    Noong 1962, natagpuan ni Robert Fox, isang antropologo ang Manunggul Jar sa yungib ng Tabon sa Palawan
  • Anapora
    Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa unahan. Kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang tinutukoy
  • Paglaki ng mirasol (sunflower)

    Sa pagtatapos ng yugto ng paglaki, ibinabagsak nito ang mga talulot nito at nagsisimula ang isang bagong yugto na tinatawag na wilting tulad ng ibang mga bulaklak
  • Anapora
    • Sina Peter at Hector ay halimbawa ng mga estudyante sa Paaralang ABC Elementary. Sila ay mga honor student.
    Kalabaw ang katulong ko sa bukid. Ito kasi ang humuhula sa araro upang mabungkal ang lupa.
  • MAGANDANG ARAW
    Ito ay uri ng tekstong naglalarawan
  • Katapora
    Panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan