Ang mutya ng bayan ng San Diego; dalagang nakatakdang ipakasal kay Juan Crisostomo Ibarra.
Larawan siya ng kagandahan, kayumihan, kabutihan at kababaang-loob.
MGA TAUHAN SA NOLI ME TANGERE
JUAN CRISOSTOMO IBARRA
MARIACLARA
DON RAFAEL IBARRA
DON SATURNINO IBARRA
DON PEDROEIBARRAMENDIA
KAPITAN TIYAGO
PIA ALBA
TIYA ISABEL
ELIAS
PILOSOPO TASYO
TENYENTE GUEVARRA
ANDENG
IDAY
VICTORIA
SINANG
KAPITANBASILIO
KAPITANTINONG
KAPITANVALENTIN
PADREDAMASO
PADRESIBYLA
PADRESALVI
KAPITANHENERAL
DONFILIPO
ÑOLJUAN
KAPITANAMARIA
ALBINO
ALPERES
DONYACONSOLACION
DONTIBURCIO
DONYAVICTORINADEESPADAÑA
SISA
BASILIO
CRISPIN
LINARES
LUCAS
MANGPABLO
TARSILO
BRUNO
JUAN CRISOSTOMO IBARRA
Ang binatang nag-aral saEuropanang pitong taon; nagtangkang ipagpatuloy ang pangarap ng nasirang ama na makapagtayo ng isang bahay-paaralan para sa kinabukasan ng mga kabataan sa kanilang bayan ng San Diego
MARIA CLARA
Ang mutya ng bayan ng San Diego; dalagang nakatakdang ipakasal kay Juan Crisostomo Ibarra. Larawan siya ng kagandahan, kayumihan, kabutihan at kababaang-loob
DON RAFAEL IBARRA
Ang ama ni Juan Crisostomo Ibarra na walang hinangad kundi ang sariling kagalingan ng anak. Sa katunayan, tiniis niyang mawalay ang sariling anak sa loob ng pitong taon upang mamalagi sa Europa at doon tumuklas ng karunungan
DON SATURNINO IBARRA
Ninuno ni Crisostomo, ama ni Don Rafael Ibarra. Sinasabing lubhang maalam, marunong mamalo, gumising ng natutulog at nagpapatulog ng gising. Masasapantahang sa kaniyang mga kamay dumanas ng matinding hirap ang ama ng taong madilaw
DON PEDRO EIBARRAMENDIA
Ang ninuno sa tuhod ni Crisostomo na ayon kay Elias ay ang tampalagang nagbintang sa ninuno nitong lalaki at nagig sanhi ng kanilang paghihirap
KAPITAN TIYAGO
Isang mangangalakal na taga-Binondo; asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara
PIA ALBA
Isang magandang babaeng napangasawa ni Kapitan Tiyago; namatay siya pagkatapos mailuwal ang isang pagkaganda-gandang batang si Maria Clara
TIYA ISABEL
Ang siyang nagpalaki kay Maria Clara mula pagkasilang nito
ELIAS
Tinaguriang piloto; ang binatang siyang tumulong upang mabuksan ang mga mata ni Crisostmo ukol sa suliranin ng bayan. Siya rin ang nagligtas sa buhay ng binata sa maraming pagkakataon
PILOSOPO TASYO
Tinatawag na "BALIW" o "PILOSOPO" dahil sa kakaibang takbo ng kaniyang pag-iisip, na hindi maunawaan ng karaniwang tao. Siya ang tagapayo ng ilang marurunong at mayayamang tao sa San Diego, kabilang na si Don Rafael Ibarra
TENYENTE GUEVARRA
Ang matapat na pinuno ng mga guwardiya sibil na nagsasalaysay kay Crisostomo ukol sa kasawiang sinapit ng kaniyang ama. Siya rin ang isa sa mga iilang tumulong upang maipagtanggol si Don Rafael sa pang-aalipusta ng ilan nitong kaaway
ANG ILANG KAIBIGAN NI MARIA CLARA
ANDENG
IDAY
VICTORIA
SINANG
ANG MGA KAPITAN SA BAYAN NG SAN DIEGO
KAPITAN BASILIO
KAPITAN TINONG
KAPITAN VALENTIN
PADRE DAMASO
Isang paring Pransiskano na dating kura paroko ng San Diego. Siya ang nagpahukay sa bangkay ni Don Rafael upang ilipat sa libigan ng mga Intsik
PADRE SIBYLA
Ang paring Agustino na lihim na sumusubaybay at nagmamatyag sa mga ikinikilos ni Crisostomo
PADRE SALVI
Isang kurang pumalit kay Padre Damaso nang ang matandang kura ay mapalipat ng ibang parokya. Siya ay may lihim na pagtingin kay Maria Clara
KAPITAN HENERAL
Ang kinatawan ng hari ng Espanya sa pamumuno sa Pilipinas. Siya ang taong tumulong kay Crisostomo upang maalis ang parusang ekskomunyon
DON FILIPO
Ang tenyente mayor na nakahiligan ang pagbabasa ng Latin. Siya ang taong laging kapalitan ng kuru-kuro ni Pilosopo Tasyo
ÑOL JUAN
Ang siyang namamahala sa pagpapatupad ng mga gawaing nauukol sa pagpapatayo ng paaralan
KAPITANA MARIA
Ang tanging babaeng pinanigan ang ginawang pagtatanggol ni Crisostomo sa alaala ng ama nang muntik mapatay ng binata si Padre Damaso bunsod ng pagsasalita nito ng masasamang bagay laban kay Don Rafael
ALBINO
Ang binatang seminarista na kilala sa kaniyang pagiging pilyo at mapagbiro. Nakasama ni Crisostomo sa piknik sa gubat. Nagsabing may butas ang bangkang kinalulunanan ng mga kababaihan
ANG MGA MAG-ASAWANG PINAGTATAWANAN NG LIPUNAN
ALPERES
DONYA CONSOLACION
DON TIBURCIO
DONYA VICTORINA DE ESPADAÑA
SISA
Ang martir na ina nina Basilio at Crispin. Asawa ni Pedro na walang ginawa kundi magsugal at pagmalupitan ang asawa
BASILIO AT CRISPIN
Mga anak ni Sisa na pumasok sa pagsasakristan at bilang tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego sa paghahangad ng kanilang ina na sila ay makapag-aral
LINARES
Ang binatang napili ni Padre Damaso upang mapangasawa ni Maria Clara. Malayong kamag-anak nina Don Tiburcio at inaanak ng kamag-anak ni Padre Damaso. Tulad ni Don Tiburcio nakaranas din siya ng kalupitan ni Donya Victorina
LUCAS
Ang kapatid ng taong madilaw na siyang gumawa ng kalo na ginamit sa di-napagtagumpayang pagpatay kay Crisostomo. Binayaran upang mangalap ng mga taong maglulunsad ng isang himagsikan na ang siyang itinurong utak ay walang iba kundi si Crisostomo
ILANG TAUHANG NAGKAROON NG KAUGNAYAN SA BUHAY NI ELIAS
MANG PABLO
TARSILO
BRUNO
Ang martir na ina nina Basilio at Crispin; asawa ni Pedro na walang ginawa kundi magsugal at pagmalupitan ang asawa
Ang binatang napili ni Padre Damaso upang mapangasawa ni Maria Clara
Siya ang nagpahukay sa bangkay ni Don Rafael upang ilipat sa libigan ng mga Intsik
Ang siyang nagpalaki kay Maria Clara mula pagkasilang nito
Ang binatang nag-aral sa Europa nang pitong taon; nagtangkang ipagpatuloy ang pangarap ng nasirang ama na makapagtayo ng isang bahay-paaralan para sa kinabukasan ng mga kabataan sa kanilang bayan ng San Diego
Binayaran upang mangalap ng mga taong maglulunsad ng isang himagsikan na ang siyang itinurong utak ay walang iba kundi si Crisostomo
Ang mutya ng bayan ng San Diego; dalagang nakatakdang ipakasal kay Juan Crisostomo Ibarra
Siya ang taong tumulong kay Crisostomo upang maalis ang parusang ekskomunyon