A.P. MGA TAONG PINILING IPAGLABAN AND DEMOKRASYA KAHIT KAPALIT AY ANG KANILANG KALIGTASAN AT BUHAY

Cards (6)

  • Benigno Simeon "Ninoy" Aquino Jr.
    Senador mula 1967 hanggang 1972, kabiyak ng dating Pangulong Corazon Aquino, ama ni Pangulong Noynoy Aquino, pangunahing kritiko ni Pangulong Marcos, inaresto noong 1972, tumakbo sa halalan noong 1978 ngunit natalo, pinahintulutan na magpagamot sa Amerika noong 1980, bumalik sa Pilipinas noong Agosto 21, 1983 at pataksil na binaril at namatay
  • Jovito R. Salonga
    Naging Congressman noong 1960, nanalo bilang Senador noong 1965, nagsiwala ng kamalian ng rehimeng Marcos, tinawag na "Nation's Fiscalizer", inaresto noong Oktubre 1980, umalis ng bansa at nanirahan sa Hawaii, bumalik sa Pilipinas at sinupurtohan ang pagkapangulo ni Cory Aquino, itinalagang pinuno ng Presidential Commission on Good Governance
  • Jose W. Diokno
    Ipinanganak noong 1922, nanguna sa parehong Philippine Bar Exam at board exam ng Certified Public Accountants, tumakbo at nanalo bilang Senador noong 1963, umalis sa partido ni Marcos, inaresto nang walang warrant of arrest, ikinulong kasama ni Ninoy Aquino, pinakawalan noong 1974, binuo ang Free Legal Assistance Group, itinalagang pinuno ng Presidential Committee on Human Rights
  • Lino O. Brocka
    Tinaguriang pinakamaimpluwensiyang direktor ng Philippine Cinema, nagtatag ng Concerned Artists of the Philippines, aktibo sa mga demonstrasyon laban sa pamahalaan, inaresto noong 1985, itinalaga ni Pangulong Cory bilang isa sa mga tagapagsulat ng bagong Saligang Batas
  • Behn H. Cervantes
    Nanguna sa larangan ng teatro, guro at aktibista na ilang beses ikinulong noong panahon ng Batas Militar, itinatag ang UP Repertory Company noong 1974, inilagay ang kanyang pangalan sa Bantayog ng mga Bayani
  • Eugenio Moreno ("Geny") Lopez Jr.
    Panganay na anak ni Don Eugenio Lopez Sr., nagmamay-ari ng Lopez Group of Companies, inimbitahan sa Malacañang at ikinulong sa Fort Bonifacio, nakatakas noong 1977 at pumunta sa Amerika, naging director ng Movement for a Free Philippines