komunikasyon

Cards (19)

  • Malaki ang epekto makabagong teknolohiya sa ating wika
  • Mass media
    Iba't ibang midyum ng teknolohiya na nililikha para sa mga tiyak na tagatanggap ng mensahe
  • Mas maraming banyagang pelikula ang naipalalabas sa ating bansa, ngunit ang lokal na mga pelikulang gumagamit ng midyum na filipino at barayti nito ay tinangkilik din
  • Sa 20 nangungunang pelikula noong 2014, lima sa mga ito ang lokal na tinatampukan din ng lokal na mga artista
  • Iyon nga lang Ingles ang mga pamagat ng mga pelikulang ito
  • Hindi namatatawarang Filipino ang wika ng telebisyon,diyaryo at pelikula
  • Pagiging malikhain
    Isa sa katangian ng wika
  • Sa patuloy na paglago ng wika ay umusbong ang iba't ibangparaan ng malikhaing paggamit dito dala na rin ng mga pagbabagong pinalalaganap ng media
  • MEME
    Bidyo,larawan o parirala na ginagamit ng isang tao upang mailabas ang kanilang damdamin sa pamamagitanng malikhaing paraan
  • FLIPTOP
    Pagtatalong oral na isinasagawa nangpa-rap. Bersong nira-rap ay magkatugmangunit walang malinaw na paksangpagtatalunan. hindi gumagamit ng pormal na wika. Walang iskrip na ginagamit at pangkaraniwang gumagamit ng mgasalitang nanlalait para makapuntos sa kalaban
  • PICK UP LINES
    Sinasabing ito ang makabagong bugtong, kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay namadalas maiugnay sa pag-ibig at ibang aspekto ngbuhay. Sinasabing nagmula sa mga boladas ng mga binatang Kailangang ang mga taong nagbibigay ng pick-uplines ay mabilis magisip at malikhain para sa ilangsandali.
  • HUGOT LINES
    Karaniwang nagmula ito sa linya ng mga tauhan sapelikula o telebisyon na nagmarka sa puso't isipan ng mga manonood subalit madalas nakakagawa rin ng sariling hugot lines ang mga tao depende sa damdamin o karanasang pinagdadaanan nila sa kasalukuyan
  • Internet
    Network o daluyan ng pandaigdigang komunikasyon na bumabagtas sa mga computer sa buong mundo, upang ang mga tao ay magkaroon ng ugnayan sa isa't isa at makapag palitan ng impormasyon
  • Social media
    Mga website at application na nangangailangan ng Internet at computer o anumang mobile device gaya ng tablet, cellphone, at laptop. Nagiging daan upang ang mga tao ay makalikha, makapagbahagi, at makipagpalitan ng impormasyon, ideya at mga interes sa mga virtual community sa pamamagitan ng mga teksto, larawan at video
  • Katangian ng Wika ng Internet sa Social Media

    • Mas Maikli
    • Impormal at Personal
    • Dinamiko o Pabago-bago
  • Sa Pagyabong ng paggamit ng social mediasites kagaya/ ngFacebook, Twitter,Instagram, Pinterest, Tumblr atbp. Lahat ng uri ng tao ay umaarangkada ang social life at kabilang na rin sa mga netizen
  • Daan sa pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay.Madaling makabalita sa mga nangyayari sabuhay sa pamamagitan ng mga nakapost na impormasyon, larawan at pagpapadala ng pribadong mensahe (pm) gamit ang mga ito
  • Karaniwang code switching ang wikang ginagamit sa social media o pag papalit palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag
  • Sa internet Ingles pa rin ang pangunahing impormasyong nababasa, naririnig at wikang mapapanood