Filo 4th Quarter

Cards (11)

  • Tekstong Deskriptibo
    May layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, situwasyon, at iba pa
  • Tekstong Deskriptibo
    • Nagpapaunlad sa kakayahan ng manunulat na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan
    • Pagkakataon na mailabas ng manunulat ang masining na pagpapahayag
    • Layunin ng sining ng deskripsisyon na magpinta ng matingkad at detalyadong imahen na makakapukaw sa isip at damdamin ng mambabasa
  • Tekstong Deskriptibo
    • Dugo sa Bukang-LiwaywayRogelio R. Sicat. (Ang Peregrinasyon) nilarawan ang tauhan na si Tano
  • Katangian ng Tekstong Deskriptibo
    • May isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa
    • Maaaring OBHETIBO o SUBHETIBO, at maaari ding magbigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba't ibang tono at paraan ng paglalarawan
    • Mahalagang maging espesipiko at maglaman ng mga konkretong detalye
    • Pangunahing layunin nito ay ipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o anumang paksa na inilalarawan
  • Obhetibong paglalarawan

    Direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at 'di mapasusubalian
  • Subhetibong deskripsiyon

    Maaaring kapalooban ng matatalinghagang paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsiyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan
  • Tekstong Persuweysib
    Di-piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu
  • Tekstong Persuweysib
    • Ang manunulat ay naglalahad ng iba't ibang impormasyon at katotohanan upang suportahan ang isang opinyon gamit ang argumentatibong estilo ng pagsulat
    • Hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon
    • Gumagamit ng mga pagpapatunay mula sa mga siyentipikong pag-aaral at pagsusuri
  • Tekstong Persuweysib
    • Malalalim na Pananaliksik
    • Kaalaman sa mga posibleng paniniwala ng mga mababasa
    • Malalim na pagkaunawa sa dalawang panig ng isyu
  • Madalas nauuwi sa emosyonal na panghihikayat ang pagsulat ng Tekstong Persuweysib
  • Ang paggamit ng mabibigat na ebidensya at husay ng paglalahad nito ang pinaka-esensiya ng isang Tekstong Persuweysib