a.p 4th

Cards (140)

  • ang piket ay gumagamit ng placard at steamer upang ipakita ang kanilang mga hinaing sa mga pampublikong lugar
  • ang mga anyo ng welga ay: hunger, sympathy, general, sitdown
  • uri ng sabotahe ay paninira ng mga makinarya o gamit ng kompanya
  • may away sa pagitan ng manggawa at mga scab
  • labag sa karapatan ang yellow dog contract
  • Ang piket ay isang paraan ng panghihikayat
    sa ibang mga manggagawa na lumahok sa welga at sa mga mamimili na huwag tangkilikin ang naturang kompanya.
  • Ang welga ay pansamantalang pagtigil sa trabaho ng mga manggagawa.
  • sa welga, Sila ay sabay-sabay at sama-samang humihinto sa paggawa upang ipaabot sa pangasiwaan ang kanilang mga karaingan at kagustuhang mangyari.
  • Ang welga ang pinakamataas na anyong pakikibaka ng mga manggagawa laban sa pangasiwaan.
  • sa boykot ang mga mamimili ay pinakikiusapan ng mga manggagawa na huwag bilhin ang mga produkto ng kanilang kompanya.
  • Ang boykot ay pagpapakita ng hayagang pagtanggi na bilihin ang produkto ng kompanya.
  • sa closed shop, isang paraan ito ng mga manggagawa para gawing pabor sa unyon ang pangasiwaan.
  • closed shop - Ang mga manggagawang kasapi ng unyon ang nais ng mga welgista na tanggapin sa kanilang kompanya upang magtrabaho nang madaling matamo ang kanilang layunin.
  • sabotahe ay isang lihim na paraan
    na ginagawa ng mga manggagawa na nakaaapekto sa produksiyon at kompanya.
  • sa sabotahe, Isinasagawa nila ang pagpapabagal sa paglikha ng mga produkto upang hindi makapag-supply at malugi ang kompanya.
  • lockout- Kapag may welgang nagaganap, isinasarang pangasiwaan ang kompanya upang puwersahin ang mga manggagawa na itigil na, ang pagwewelga at makipag-ayos sa kanila.
  • pagtanggap ng mga scab - Kapag nagsimula nang magpiket ang mga welgista, ang kompanya ay tumatanggap ng mga manggagawang hindi kasaping unyon
  • scab/eskirot - pumapasok sila sa kompanya habang may nagaganap na welga.
  • espiya - ang mga tao
    na nagmamanman sa kilos at galaw ng mga
    manggagawang kasapi ng unyon.
  • mga espiya ay nagsusumite ng mga pangalan ng mga welgista na isinasama sa blacklist.
  • blacklist - Ito ang listahan ng mga manggagawa na lumalahok sa welga na may malaking partisipason.
  • Ang blacklist ay inilalabas ng pangasiwaan upang maiwasan ng ibang kompanya ang pagtanggap sa mga manggagawa na nasa listahan.
  • injunction - Ito ay utos mula sa hukuman na nagsasabing ang isinasagawang welga ay labag sa batas. A
  • ng pangasiwaan ang humihingi ng ganitong utos sa hukuman upang maiwasan ang ibang gawain ng mga welgista, tulad ng pagsira sa mga ari-arian ng kompanya.
  • open shop - pagtanggap ng mga manggagawa na hindi kasapi ng unyon upang hindi maantala ang produksiyon kahit na magsagawa ng welga ang mga kasaping unyon.
  • yellow dog contract - Ito ay isang kontrata na pinapipirmahan sa mga manggagawa bago tanggapin sa trabaho.
  • yellow dog contract ay nagbabawal sa mga manggagawa
    na sumapi sa unyon.
  • underground economy - tumutukoy sa mga transaksiyong pang-ekonomiya, mga uri ng hanapbuhay, at mga tao na kumikita na hindi nakukuwenta at hindi nakatala sa pamahalaan.
  • Ang ganitong uri ng negosyo at hanapbuhay ng mga tao, legal o ilegal man, ay hindi nagbabayad ng buwis.
  • Ang manggagawa ay mahalaga sa pag-unlad ng ekonomiya.
  • Ang lupa at kapital bilang salik ng produksiyon ay hindi malilinang kung walang manggagawa.
  • Sila ang buhay at sandigan ng pag-unlad ng industriya.
  • Ayon kay Karl Marx, ang mga manggagawa ang tunay na prodyuser ng bansa.
  • Ang ekonomiya at mamamayan ay umaasa sa kanilang pagkilos upang magkaroon ng katugunan ang kanilang mga pangangailangan.
  • Isa sa mahalagang salik ng produksiyon ay ang paggawa
  • paggawa - Ito ang baggamit ng lakas, kakayahan, at talino ng tao upang makatulong sa produksion.
  • Kapag sinabing paggawa, ito ay laging kaugnay ng manggagawa.
  • uri ng manggagawa: ang manggagawang pisikal o blue collar job at manggagawang mental o white collar job
  • Ang mga manggagawang pisikal ay inuuri bilang unskilled, semi-skilled, at skilled.
  • Ang white collar job ay gawain ng manggagawa na mas ginagamit ang mental na kapasidad at kaisipan