AP 15 - LONG PHRASES

Cards (4)

  • Ayon sa Social Contract Theory, ang pagkamamamayan o citizenship ay parehong karapatan at tungkulin.
    Sinasabi na ang citizenship ay isang “bundle of rights” o bungkos ng mga karapatan. Ito ay ang mga sumusunod:
    1. Politikal na pakikilahok
    2. Karapatang bumoto (Suffrage)
    3. Karapatang makatanggap ng proteksyon mula sa pamayanan at pamahalaan
    4. Mga tungkuling panlipunan
  • Batayang Legal ng Pagkamamamayan

    Article 4, 1987 Constitution of the Philippines

    Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas, ituturing na ganap na mamamayang Filipino ang isang tao kapag:
    1. siya ay mamamayang Pilipino sa panahon ng pagkabuo ng saligang batas,
    2. siya ay anak ng Pilipinong ama o ina,
    3. siya ay ipinanganak bago ang Enero 17 1973 na piniling maging Pilipino pagtuntong sa wastong edad, at
    4. siya ay “naturalized” alinsunod sa batas.
  • Iba pang mga katangiang dapat taglayin sa Pakikilahok sa mga Gawaing Pansibiko
    1. may malapit na relasyon sa Diyos
    2. may lubos na pagkakakilala sa sarili
    3. may malapit na ugnayan o relasyon sa pamilya
    4. may malapit na ugnayan sa kapwa
    5. may malasakit sa kalikasan
    6. may kabatiran sa mga obligasyon bilang mamamayan ng Pilipinas
  • Ayon sa Article 5 ng Saligang Batas ng 1987, ang mga maaaring makaboto ay:

    a.) mamamayan ng Pilipinas,
    b.) hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas,
    c.) 18 taon gulang pataas, at
    d.) tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bomoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-eleksiyon.