ESP

Subdecks (1)

Cards (28)

  • Banal o sagrado
    Ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao
  • Paggamit ng ipinagbabawal na gamot
    Isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamot, na nangyayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa tuloy-tuloy na pagkakataon
  • Karamihan din ng mga krimen na nagaganap sa ating lipunan ay malaki ang kaugnayan sa paggamit ng droga
  • Blank spot
    Ang isip ng tao na nagiging hindi makapag-proseso ng iba't ibang impormasyon
  • Alkoholismo
    Labis na pagkonsumo ng alak
  • Ang alkohol ay naaapektuhan ang operasyon ng isip at kilos-loob ng tao na naging dahilan kung bakit nakagagawa siya ng mga bagay na hindi inaasahan katulad ng pakikipag-away sa kapuwa
  • Maraming sakit sa katawan ang kaugnay ng labis na pagkonsumo ng alak, tulad ng cancer, sakit sa atay, at kidney
  • Aborsiyon
    Pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina
  • Mga posisyon sa isyu ng aborsiyon
    • Pro-Life
    • Pro-Choice
  • Pro-Life
    Nagsasabing masama ang aborsiyon sapagkat mula nang ipaglihi ito ng kanyang ina, siya ay tao na kaya ang paglaglag o pag-abort sa sanggol ay isang aksiyon ng pagpatay
  • Pro-Choice
    Nagsasabing ang mga magulang ay gusto at pwedeng magka-anak kung sila ay may kakayahang alagaan at mahalin ang kanilang magiging mga anak
  • Prinsipyo ng Double Effect
    May mga oras kung kailan ang isang kilos na nararapat gawin ay maaaring magdala ng mabuti at masamang epekto
  • Pagpapatiwakal
    Sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan
  • Kawalan ng pag-asa (despair)

    Pagkawala ng tiwala sa sarili at kapuwa, gayundin ang pagkawala ng paniniwala na may mas magandang bukas pang darating
  • Euthanasia o mercy killing
    Gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at wala nang lunas na karamdaman. Ito ay tibatawag ding "assisted suicide"
  • Perspective" Current Issues in Values Education” (De Torre, 1992) sinasabi na, “Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga. Ang isang tao ay hindi maaaring gumawa at mag-ambag sa lipunan kung wala siyang buhay. Ang isang tao ay dapat unang isilang upang mapaunlad ang kaniyang sarili at makapaglingkod sa kapuwa, pamayanan, at bansa. Kaya kinakailangang isilang at mabuhay siya.”
  • Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may mga oras kung kailan ang isang kilos na nararapat gawin ay maaaring magdala ng mabuti at masamang epekto. Bilang resulta, nagkakaroon ng isang problemang etikal.
  • Ayon kay Eduardo A. Morato sa kaniyang aklat na Self-Mastery (2012), upang mapigilan ang kawalan ng pag-asa, kinakailangang mag-isip ang isang tao ng mga malalaking posibilidad at natatanging mga paraan upang harapin ang kaniyang kinabukasan.
  • Ayon kay Papa Francis ng Roma, “Ang buhay ng tao ay napakahalaga; kahit na ang mga pinakamahihina at madaling matukso, mga may sakit, matatanda, mga hindi pa isinisilang at mahihirap, ay mga obra ng Diyos na ginawa sa sarili Niyang imahe, laan upang mabuhay magpakailanman, at karapat-dapat ng mataas na paggalang.”
  • Isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamot, na nangyayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa tuloy-tuloy na pagkakataon
    paggamit ng ipinagbabawal na gamot
  • Mga posisyon sa isyu ng abortion
    Pro-life at Pro-choice