Sa katunayan, ayon sa Artcle 2, Section 1 ng ating Saligang-batas, “Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan.” Ito ay patunay lamang na ang kapangyarihan ng isang Estado ay wala sa pamahalaan at sa mga taong bumubuo nito, sa halip, ito ay nagmumula sa mga mamamayan.