Introduction to the Study of History - 1898, unang aklat na may kumpletong paglalahad ng tradisyunal na pamamaraan
Katangian ng Metodolohiyang Tradisyunal
ang paniniwala na ang kasaysayan ay binubuo lamang ng mga pangyayaring nakalipas na
ang kahalagahan ng mga dokumento upang muling mabuo ang mga kaganapang pangkasaysayan
ang paggamit ng mga kritika upang matiyak ang katunayan ng dokumento at ng nilalahad nito
ang pagbibigay ng pangunahing halaga sa mga naghahari sa lipunan bilang sentro o pinagmulan ng mga kaganapan
Ayon sa metodolohiyang tradisyunal, ang kasaysayan ay binubuo lamang ng mga pangyayaring nagdaan na; hindi itinuturing bahagi ng kasaysayan ang mga kaganapang pangkasalukuyan.
Masusing pagsusuri na ginagamit ng mga historyador
kritikang panlabas o kritika ng kapantasan
kritikang panloob o kritika ng kapaniwalaan
Kritikang panlabas - upang makilala ang dokumentong huwad at dokumentong tunay. ito paghahanda lamang upang maisagawa ang mga susunod na kritika. may tatlong bahagi ito: restitusyon, pagtakda, at pag-uuringmga batis.
Restitusyon - pagwawasto ng nakasulat sa dokumento upang mabalik ito sa orihinal
Pagtatakda ng pinanggalingan - pagtatakda ng petsa, lugar, at may-akda.
Pagsusuri ng mga batis - pagtatakda kung paano nalaman ng may-akda ang mga kaganapang isinulat niya.
Kritikang Panloob - ang pagsusuri ng nilalaman ng dokumento at ang pagsusuri ng mga kalagayan na nagpalitaw sa ganitong uri ng dokumento. Mga hakbang ay: pagsuri ng nilalaman ng dokumento at pagtakda ng katiyakan ng pag-uulat ng may-akda.
Pagsusuri ng nilalaman ng dokumento - pagbibigay ng kahulugan sa ibig sabihin ng may-akda (tiyak na kahulugan at tunay na kahulugan) o "interpretative criticism"
Apat na prinsipyo upang matiyak kahulugan ng isang kataga
ang wika ay nagkakaroon ng ebolusyon, kaya ang kataga ay nag-iiba ayon sa panahon
ang wika ay nag-iiba ang kahalagahan sa bawat lugar, kaya dapat malaman kung paano ginagamit ang wika sa rehiyon o bansa kung saan isinulat ang dokumento
ang bawat manunulatay may sariling estilo ng pagsusulat
ang mga kawikaan ("expressions") ay nag-iiba ang kahulugan ayon sa paggamit nito sa isang pangungusap
Hermeneutic - pagkilala at pagtiyak ng mga nakatagong kahulugan sa mga dokumento
Pagtakda ng katiyakan ng pag-uulat ng may-akda - pagpapalitaw ng katumpakan at katapatan ng may saksi