Pagbasa at Pagsusuri

Subdecks (4)

Cards (115)

  • Pananaliksik - maaaring pang-sahan o kaya'y panggrupo
  • Pananaliksik - sistematiko at siyentipikong prosesong pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatoto ng prediksyon at pagpapatunayan sa imbensyon ng tao.
  • Aquino - ang pananaliksik ay isang maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang impormasyon o datos sa tiyak na paksang pag-aaralan.
  • Manuel at Medel - ang pananaliksik ay isang prosesong pagilikom ng mga datos o impormason para malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipkong paraan.
  • Parel - ang pananatiksik ay isang sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat bilang pagsagot sa mga tanong na ginawa ng mananaliksik
  • Treece at Treece - ang pananaliksik ay isang pagtatangkang makahanap ng mga solusyon sa mga suliranin; tinipong mga datos sa kontroladong sitwasyon
  • Atienza atbp. - (UP) bumuo ng isang praktikal na depinisyon na ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at lipunan
  • Constantino at Zapra (2010) - ang pananaliksik ay isang masusing pagsisisyasat at pagsusuri ng ideya, konsepto, bagay, tao, isyu at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan o pasubalian.
  • Galero-Tejero(2011) - ang pananaliksik ay may tatlong mahalagang layunin:
    1. Una isinasagawa ito upang makahanap ng isang teorya
    2. Pangalawa, mula sa pananaliksik ay malalaman o mababatid ang katotohanan sa teoryang ito
    3. Pangatlo, isinasagawa ang pananaliksik upang makuha ang kasagutan sa mga makaagham na problema o sultranin
  • Mga katangian ng pananaliksik:
    1. Sistematiko
    2. Kontrolado
    3. Empirikal
    4. Pagsusuri
    5. Napapanahon at maiuugnay sa kasalukuyan
    6. Masinop, malinis, at tumutugon sa pamantayan
    7. Obhebtibo, walang kinikilingan at lohikal
    8. Dokumentado
    9. Ginagamitan ng hipotesis
  • Sistematiko - ito'y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso
  • Kontrolado - Ito'y hindi isang ordinaryong probiema na madaling lutasin. Pinaplano ito ng mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa resulta.
  • Empirikal - Lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong hipotesis sa umpisa pa lamang ng pagsisiyasat.
  • Empirikal - Ang kongklusyon ay nakabatay sa mga nakalap na datos mula tunay na naranasan at/o naobserbahan ng mananaliksik
  • Pagsusuri - Ito'y masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo
  • Kwantitatibo - nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang
  • Kwalitatibo - tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuro-kuro
  • Napapanahon at maiuugnay sa kasalukuyan - Nakabatay sa kasalukuyang panahon (tukoy nito ang petsa at taon) nakasasagot sa suliraning kaugnayng kasalukuyan, at ang kalalabasan ay maaring maging basehan sa desisyong pangkasalukuyan.
  • Masinop, Malinis, at Tumutugon sa Pamantayan - Nararapat itong sumunod sa mga pamantayang inlahad at kakikitaan ng pagiging masinop at malinis sa kabuuan
  • Obhetibo, walang kinikilingan at lohikal - Ang anumang resulta sa pag-aaral ay may sapat na batayan at hind salig sa sariling opinyon ng mananallksik.
  • Dokumentado - Nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos. Binibigyan ng karampatang pagkilala ang pinagmulan ng mga ito
  • Ginagamitan ng hipotesis - Ipinakikilala ng hipotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa simula pa lamang ng pag-aaral
  • Ayon kay Gay, ang hipotesis ay pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaranwan, pangyayaring naganap na o magaganap pa lamang.
  • Hipotesis - tumutukoy sa tiyak na pagpapahayag ng suliranin sa isasagawang pag-aaral.
  • Mananaliksik - may mga tungkulin at responsibilidad na dapat isaalang-alang upang maging matagumpay sa gagawing pananaliksik.
  • Katangian ng isang mananaliksik
    1. Masigasig
    2. Masinop
    3. Masistema
    4. Mapamaraan
    5. Magaling magsiyasat
    6. May pananagutan
  • Masigasig - Kung hindi masigasig ang isang mananaliksik sa paghahanap ng tamang impormasyon, maaaring mahilaw ang pagtalakay sa gagawing pananaliksik.
  • Masinop - Sikaping maging maayos at organisado ang pagtatala ng mga impormasyon
  • Masistema - Mahihiwatigan sa kilos at gawi ng manunulat kung nakaprograma ang lahat ng gagawin niya sa pananaliksik.
  • Mapamaraan - Kailangang marunong dumiskarte sa sarili ang mananaliksik
  • Magaling magsiyasat - Tinitimbang na mabuti kung nararapat o di-nararapat isama
  • May pananagutan - Mahalagang isulat ang pangalan ng mga taong ito upang hindi maparatangan ng pangongopya lamang sa isinulat ng ibang tao.
  • RESPONSIBILIDAD NG ISANG MANANALIKSIK
    1. Huwag mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa sulating pananaliksik.
    2. Humingi ng permiso o pahintulot sa manunulat ng akdang gagamitin sa pananaliksik
    3. Isulat ang pangalan ng manunulat at ang taon ng pagkakalathala ng tekstong pinaghanguan ng ideya o mga impormasyon.
    4. Gumawa ng bibliyogrepiya sa mga ginamit na sanggunian.
    5. Sikaping maging matapat sa paglalahad ng resulta.Sundin ang prosesong inaprubahan ng tagapayo sa paggawa ng pananaliksik
  • Plagiarism
    Tuwirang paggamit ng orihinal na termino o salita na nindi ginamitan ng bantas na panipi at nino binanggit ang pinaghanguan
  • Plagiarism
    Panghihiraming mga ideya o pangungusap at pinalitan lamang ang pagkakapahayag ngunit hindi kinilala ang pinaghanguan
  • Plagiarism
    Pamumulot ng mga ideya mula sa ibat ibang mananaliksik at pinagsama-sama lamang ang mga to subalit hindi itinala ang pinaghanguang datos
  • Plagiarism
    Pagsasalin ng mga termino na nasa ibang wika na inangkin at hindi ilinala na salin ang mga ito
  • Plagiarism
    Pagnanakaw ng bahagi ng isang disenyo, banghay, himig nang hindi kiniklala ang pinagbabataya ng ibang mananaliksik subalit inangkin na siya ang naghagilap ng mmga datos na ito