Pananaliksik (Module 2)

Cards (27)

  • Sulating pananaliksik - malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa.
  • Spalding,(2005) - Hind ito basta pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba't ibang primary at sekondaryang mapagkukunan ng impormasyon kundi taglay nito ang ang obhetibong interpretasyon ng manunulat sa impormasyong nakalap. Ang interpretasyong ito ang pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik
  • Sulating pananaliksik - malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa.
  • Constantino at Zafra - ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, lagay, tao at isyu at iba pang ibig bigyang-linaw, patunayan o pasubalian.
  • Pagpili ng paksa - isa sa pinakamahalagang bahagi ng pagsulat ng pananaliksik
  • Mapagkunan ng paksa:
    1. Internet at Social Media
    2. Telebisyon
    3. Diyaryo at Magasin
    4. Mga Pangyayari sa Paligid
    5. Sa sarili
    6. Interes at kakayahan
  • Internet at Social Media - naging bahagi na ng buhay ng tao. Hindi matatawaran ang kontribusyong naihatid nito sa tao, mula sa pangyayari sa loob at labas ng bansa ay maaaring makita rito.
  • Internet at Social Media - Ito ang karaniwang tinitingnan mula sa paggising sa umaga hanggang bago matulog sa gabi. Napakaraming impormasyong taglay ang internet kung magiging mapanuri.
  • Telebisyon - maliban sa internet, ang telebisyon ay isa pa sa mga uri ng media na laganap lalo na sapanahon ng cable at digital television.
  • Telebisyon - Sa panonood ng mga balita, mga programang pantanghali, teleserye, talk shows at iba pa ay masaring mapagkunan ng paksang maaaring gawan ng pananaliksik.
  • Diyaryo at Magasin - pag-ukulan ng pansin ang mga nangungunang balita, maging ang mga opinion, editoryal at mga artikulo. Suriin at baka naririto ang mga paksang aakit sa iyong atensyon.
  • Mga Pangyayari sa Paligid - ang pagiging mapanuri sa mga pangyayari o bagong kalakaran sa paligid ay maaaring maging paksa ng pananaliksik.
  • Sa sarili- kung may tanong kang naghahanap ng kasagutan subalit hindi mo naman maihanap ng kasagutan. O kaya'y may interes ka o mga bagay na "curious" ka at gusto mo pang mapalawak ang iyong kaalaman kaugnay nito. Maaaring mula sa mga tanong na ito mula sa iyong sarili ay makbuo kang makabuluhang paksa.
  • Interes at kakayahan - dahil ang kalikasan ng pananaliksik ay ang aktuwal na pagsasagawa nito, mahalagang gusto mo ang iyong ginagawa o may kaugnayan sa hilig mo ang paksang nais saliksikin. Sa ganitong paraan mas mabilis ang daloy ng pagsasagawa ng pananaliksik dahil gusto mo ang iyong ginagawa.
  • Mahalagang masuri ang pagkakaroon ng mga materyal na magagamit na sanggunian. Kahit gaano man kaganda ang napiling paksa, mahirap pa ring maisakatuparan dahil sa kakulangan ng materyales na gagamitin bilang sanggunian.
  • Isaalang alang ang kabuluhan ng paksa.
    • Magagamit ba ito sa hinaharap?
    • O maaari bang maging daan upang magkaroon ng panibagong pananaliksik?
  • Isaalang-alang ang kakayahang pinansyal.
    • Sapagkat ang pananaliksik ay hindi gawang biro bukod sa kahandaan ng mananaliksik sa pagsusuri at pangangalap ng mga tala ay kinakailangan handa rin ang pinansyal na aspekto para matapos ang isinagawang pananaliksik.
  • Hangga't maari iwasan ang mga paksang may kaugnayan sa sumusunod:
    1. Mga kasalukuyang kaganapan o isyu dahil maaaring wala pang gaanong materyal na magagamit bilang saligan ng pag-aaral.
    2. Mga paksang itinuturing nang "gasgas" o gamit na gamit sa pananaliksik.
    3. Mga usaping may kinalaman sa relihiyon at moralidad na mahirap hanapan ng obhektibong pananaw at nangangailangan ng maselang pagtalakay.
  • Bumuo ng Paksa
    1. Ano-anong paksa ang maaaring pag-usapan?
    2. Ano ang kawili-wili at mahalagang aspekto ng paksa?
    3. Ano ang aking pananaw hinggil sa paksa?
    4. Ano-anong suliranin tungkol sa sarili, komunidad, bansa, at daigdig ang ipinapakita o kaugnay na paksa?
  • Bumuo ng Paksa
    5. Bakit kailangang saliksikin at palalimin ang pagtalakay sa ganitong mga suliranin?6. Anong panahon ang sinasaklawan ng paksa?7. Paano ko ipahahayag ang paksa sa mas malinaw at tiyak na paraan?8. Paano ko pag-uugnayin at pagsunud-sunurin ang mga ideyang ito?
  • Mga Hakbang sa Pagpiling Paksa
    1. Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
    2. Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik
    3. Pagsusuri sa mga itinalang ideya
    4. Pagbuo ng Tentabong Paksa
    5. Paglilimita ng Paksa
  • Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin - pag-alam sa layunin sa pagbuong sulating pananaliksik nang sa gayun ay maihanay o maiugnay mo sa mga layuning ito ang iyong mga gagawin.
  • Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik - Ang mga paksang mapipili ay kinakailangang nakaugnay sa layunin.
  • Pagsusuri sa mga itinalang ideya
    • Surin at isa-isahin ang mga isinulat mong ideya.
    • Pilin ang mga paksang kawili-wiling gawin o saliksikin, interesado kang talakayin at mga paksang alam na alam mo na at nais pang palawakin.
    • Isaalang- alang ang kagamitang mapagkukunan ng impormason at tayain ang angkop sa iyong antas at kakayanan na matapos sa takdang panahon ang isinasagawang pananaliksik.
  • Pagbuo ng Tentabong Paksa - Alin kaya sa mga ito ang pinakagusto ko o pinakamalapit sa aking puso, pinakamadali kong maihahanap ng kasagutan, pinakamadaling maiugnay salayuunin at tlyak na matatapos ka sa limitadong oras naibinigay para tapusin ang gawain?
  • Paglilimita ng Paksa - Tandaang hindi dapat maging masyadong malawak o masaklaw ang paksa na sa dami ng impormasyong gusto nitong patunayan ay hindi matatapos sa takdang panahon.
  • Tandaan na sa pagpili ng paksa nararapat na isaalang alang ang mga sumusunod:
    1. Nakahihikayat na paksa.
    2. Napapanahon at maaaring mapakinabangan ang kalalabasan ng pananaliksik
    3. May sapat na mapagkukunan ng impormasyon
    4. Interesado ka sa paksang iyong tatalakayin.
    5. Iwasan ang masyadong malawak na paksa ganun din ang mga paksang limitado.