Filipino

Cards (35)

  • Bionote
    Isang anyo ng sulatin na nagpapakilala ng isang tao. Makikita sa likod ng aklat na nagpapakilala ng manunulat, gayundin sa huling bahagi ng isang pag-aaral o pananaliksik. Isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile. Tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career o tagumpay na makikita o mababasa sa mga dyornal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites etc.
  • Etimolohiya ng Salitang Bionote
    Pinaikling anyo mula sa biographical note at nakasulat sa anyong ikatlong panauhan.
  • Nilalaman ng Bionote
    • Pangalan ng may-akda
    • Pangunahing trabaho
    • Edukasyong natamo
    • Akademikong parangal
    • Iba pang trabaho
    • Tungkulin sa komunidad
    • Organisasyong kinabinilangan
    • Mga proyekto na ginawa
  • Karaniwang Gamit ng bionote
    • Bio-data
    • Aklat
    • Resume
    • Social networking sites
    • Blog
    • Artikulo
    • Digital communication sites
  • Talambuhay at Bionote
    Ang pagsulat ng bionote ay naiiba sa talambuhay. Parehong paglalahad ng impormasyon tungkol sa indibidwal, kadalasan ang talambuhay ay mas mahaba at detalyado ang nilalaman ksa sa bionote.
  • Layunin ng Pagsulat ng Bionote
    • Ipakilala ang manunulat at pananaliksik sa mga mambabasa upang magkaroon ng pahapyaw na ideya sa pinagmulang pananaw, paniniwala o kaalaman ng manunulat
    • Serbisyo para sa mga mambabasa
    • Serbisyo sa mga publikasyon o pampalimbag
  • Benepisyo ng may kaalaman sa pagsulat ng bionote: Maituturing na Isang marketing tool ng manunulat maging ng kanyang publikasyon ang isang mahusay na bionote.
  • Resume
    Dokumentong naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang taong nagnanais ng isang posisyon o pumasa sa partikular na pamantayang itinakda ng isang institiusyon.
  • Curriculum Vitae
    Nagmula sa Latin, "kurso ng iyong buhay". Mahaba sapagkay inaasahang ito ay kumpleto, maaaring dalawa hanggang walong pahina o higit pa. Naglalaman ng komprehensibong impormasyon tulad ng mga personal na impormasyon, antas ng edukasyon at mga akademikong karangalang nakamit, mga naisulat na pananaliksik, mga aklat o artikulong nalilimbag, mga parangal at iba pa.
  • Mga Katangian ng Resume at Curriculum Vitae
    • Ginagamit o ipinapasa sa aplikasyon sa unibersidad, trabaho, o kompanyang ninanais pasukan
    • Naglalaman ng impormasyon sa buhay ng isang indibidwal na magpapatibay sa kaniyang pagiging kuwalipikado sa inaaplayan
    • Nagiging batayan ng katanungan para sa mga interbyu o pakikipanayam
    • Naglalaman lamang ng mga impormasyong may kaugnayan o maaaring hingin sa inaaplayan
  • Nilalaman ng resume
    • Buong pangalan
    • Numero na kokontakin at email address
    • Trabaho o posisyong inaaplayan
    • Mga karanasan sa trabaho
    • Antas ng edukasyong natapos
    • Mga kakayahang may kaugnayan sa posisyong inaaplayan
    • Wikang ginagamit at mga kasanayan
    • Iba pang interes o natatanging kakayahan
    • Listahan ng mga sertipikasyon ng mga dinaluhang palihan o seminar
  • Pormat ng Resume
    • Chronological Resume
    • Functional Resume
    • Combination Resume
  • Nilalaman ng Curriculum Vitae
    • Buong pangalan
    • Personal na numero at email address
    • Propesyonal na titulo, biod ng resume, o layunin ng resume
    • Mga naisagawang pananaliksik
    • Antas ng educasyong nakamit o natapos sa pag-aaral
    • Mga nailimbag o nailathalang artikulo o aklat
    • Mahahalagang karanasan sa pagkatuto o pagtuturo
    • Mga karanasan sa trabaho
    • Mga kumperensiyang dinaluhan at kursong kinuha o natapos
    • Mga kasanayan at kakayahan
    • Mga nakamit na karangalan o tagumpay
    • Mga sertipiko
    • Mga kasanayang teknikal at wikang sinasalita
    • Mga propesyonal na lisensiya, sertipikasyon, at organisasyong kinabibilangan
  • Mga Hindi Dapat Ilagay sa Curriculum Vitae
    • Larawan ng iyong sarili
    • Halaga ng kita o suweldong nataggap mula sa kumpanyang pinasukan
    • Dahilan kung bakit umal
  • Nilalaman ng Curriculum Vitae
    • Buong pangalan
    • Personal na numero at email address
    • Propesyonal na titulo, biod ng resume, o layunin ng resume
    • Mga naisagawang pananaliksik
    • Antas ng educasyong nakamit o natapos sa pag-aaral
    • Mga nailimbag o nailathalang artikulo o aklat
    • Mahahalagang karanasan sa pagkatuto o pagtuturo
    • Mga karanasan sa trabaho
    • Mga kumperensiyang dinaluhan at kursong kinuha o natapos
    • Mga kasanayan at kakayahan
    • Mga nakamit na karangalan o tagumpay
    • Mga sertipiko
    • Mga kasanayang teknikal at wikang sinasalita
    • Mga propesyonal na lisensiya, sertipikasyon, at organisasyong kinabibilangan
  • Mga Hindi Dapat Ilagay sa Curriculum Vitae
    • Larawan ng iyong sarili
    • Halaga ng kita o suweldong nataggap mula sa kumpanyang pinasukan
    • Dahilan kung bakit umalis o natanggal sa dating trabaho
    • Ang mga impormasyon tungkol sa mga akasangguni ay nakalagay sa hiwalay na papel at ibinibigay lamang kung ito ay hinihingi ng kompanyang inaaplayan
  • Kailangan i-update ang iyong CV sa tuwing may panibago o karagdagang impormasyong mailalahad sa aspektong akademiko o presyonal
  • Resume
    Dokumentong naglalahad ng mga katangiang taglay ng isang aplikante upang matangap sa trabahong kaniyang ninanais pasukan. Ito ay buod ng kaniyang mga kakayahan at kuwalipikasyon
  • Curriculum Vitae
    Dokumentong naglalaman ng mahahalagang impormasyon katulad ng sa resume subalit mas tiyak at malawak ang nilalamang impormasyon ng curriculum vitae, lalo na sa akademiko at proesyonal na aspekto
  • Pagkakaiba ng Résumé at Curriculum Vitae
    • Haba
    • Tuon
    • Gamit
    • Pormat
    • Nilalaman
  • Haba ng Résumé
    Maikli sapagkat limitadong impormasyon lamang ang inilalahad. Karaniwang isa hanggang dalawang pahina lamang
  • Haba ng Curriculum Vitae
    Mahaba at malawak ang impormasyong inilalahad batay sa karanasan at naglalaman ng kompletong impormasyon. Karaniwang dalawa o higit pa ang bilang ng mga pahina
  • Tuon ng Résumé
    Binibigyang-pansin ang mga kasanayan
  • Tuon ng Curriculum Vitae
    Binibigyang-diin ang akademikong tagumpay o nakamit na mga karangalan ng indibidwal
  • Gamit ng Résumé
    Ipinapasa sa mga karaniwan o regular na kompanya gaya ng aplikasyon para sa isang posisyon sa industriya, samahang non-profit, at pampublikong sektor
  • Gamit ng Curriculum Vitae
    Pangunahing ginagamit para sa mga layuning akademiko, tulad ng pag-aaplay para sa isang programa o kurso o scholarship. Gayundin, ginagamit ito sa mga agham at medikal na larangan
  • Pormat ng Résumé
    Unang inilalahad ang mga karanasan at kakayahan sa mga dating pinasukang trabaho, na sinusundan ng edukasyon o mga nakamit sa pag-aaral, depende sa hinahanap na kuwalipikasyon sa trabahong inaaplayan
  • Pormat ng Curriculum Vitae
    Palagi itong sinisimulan sa antas ng edukasyong nakamit o mga karangalan sa pag-aaral, sinusundan ng mga pananaliksik o pag-aaral na isinagawa gaya ng disertasyon at iba pang nailathalang akda
  • Nilalaman ng Résumé
    Isinusulat o ginagawa nang nakaangkop sa inaaplayang trabaho kaya naman ang nilalaman nito ay nagbibigay-diin sa layunin at kasanayan at hindi sa akademikong aspeto
  • Nilalaman ng Curriculum Vitae
    Listahan ng mga nakamit sa akademikong larang ng isang indibidwal, maging ang kaniyang mga nakuhang sertipikasyon
  • May ilang bansa na magkaiba ang gamit ng résumé at curriculum vitae, subalit sa ilang bansa sa Europa ay iisa lamang ang tinutukoy sa résumé at CV
  • Gamitin ang resume at cv nang naaayon sa layunin ng pagpapasa ng mga ito
  • Ang résumé ay maaaring isang pahina lamang, samantalang ang CV ay binubuo ng dalawa o higit pang pahina
  • Ang isang résumé ay ginagamit para sa paghahanap ng mga pangkaraniwang trabaho, habang ang CV ay ginagamit para sa mga propesyonal na trabaho, akademikong larang, at maging sa pag-aaplay sa ibang bansa
  • Ang mga nakatala sa résumé ay naaayon sa tiyak na trabaho na iyong inaaplayan, samantalang ang CV ay isang malawak na pangkalahatang ideya