Lesson 1

Cards (21)

  • Lope K. Santos, Cecilo Lopez, Teodoro Kalaw atb. - nagtatag ng kilusan na silay naging masigasig sa pagkakaroon ng wikang pambansa.
  • Manuel Gallego - nagpanukala na gawing wikang pambansa at wikang opisyal ang tagalog subalit patuloy na namayani ang Ingles.
  • Pangulong Manuel Luis M. Quezon - Ama ng Wikang Pambansa
  • Pangulong Manuel Luis M. Quezon - naitatag ang komonwelt na naging malaking hakbang tungo sa pagkakaroon ng sariling wikang pambansa.
  • 1934 - Isang kombensyong konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt upang masakatuparan ang pangarap ni Quezon.
  • Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon (Pebrero 8, 1935) - Ang pambansang kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at paggamit ng wikang pambansang batay sa umiiral na katutubong mga wika.
  • Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon (Pebrero 8, 1935) - Hindi pa itinatadhana ng batas, ang ingles at kastila ay patuloy na mga wikang opisyal.
  • Nobyembre 7, 1936 - inaprubahan ng kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng Isa na magiging batayan ng wikang pambansa.
  • Disyembre 30, 1937 - sa pamagagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, Ang wikang pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
  • Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
  • Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
  • Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
  • Agosto 12, 1959 - Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa nang lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
  • Oktubre 24, 1967 - Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.
  • Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.
  • Agosto 7, 1973 - Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75.
  • Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.
  • Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
  • Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic.
  • Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila
  • Sek. 9 - Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag- uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.