Panahong Klasiko sa Asya (1500 BCE–600 CE)

Cards (47)

  • Ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya ay nagsimula bilang mga lipunang hidroliko tulad ng Sumeria, Harappa, at dinastiyang Xia. Kilala ang mga kabihasnang ito dahil sa pakikinabang nila sa mga ilog para sa pagsasaka.
  • Agrikultural na pamumuhay- nakatulong sa paglago ng mga sinaunang kabihasnan.
  • 1500 BCE hanggang 600 BCE
    -lumawak ang kabihasnang Asya papalabas ng mga sinaunang sentro ng kapangyarihan sa Kanlurang Asya, ang
    paglawak ay nagsimula sa Mesopotamia patungo sa rehiyon na tinatawag na Levant.
  • Levant - hango sa salitang Pranses na lever na ang ibig sabihin ay “silangan.” Ito ay tumutukoy sa pagsikat ng araw na makikita mula sa Europa sa bandang silangan ng Mediteraneo.
    Ang mga Arabe naman ay mayroong kaparehong katawagan para sabahaging ito ng Kanlurang Asya. Ito ay ang Al-Mashriq na nangangahulugang “kung saan sumisikat ang araw.”
  • Ang Levant ay ang bahagi ng Kanlurang Asya na binubuo ng mga bansang Syria, Lebanon, Israel, Jordan, 113. (Kabihasnan sa Asya at Palestina). Ang mga bansang ito ay malapit sa dalampasigan ng Dagat Mediteraneo
  • tatlong imperyo nanagtunggali para sa kapangyarihan sa kabuuang Kanlurang Asya.
    Hittite sa Anatolia,
    Babylonia ng Mesopotamia,
    Ehipto.
  • 1500 BCE - nagsimulang dumayo ang isang grupo ng tao mula sa Hilagang Asya na tinawag na mga Indo-Europeo.
  • Indo-Europeo  -ay tumutukoy sa grupo ng mga tao na gumamit ng iisang sinaunang wika.
    Pinaniniwalaan na sila ay nagmula sa Hilagang Asya at unti-unting dumayo sa iba’t ibang bahagi ng Kanlurang Asya, India, at Europa.
  • Griyego, Latin, Espanyol, Aleman, Sanskrit, at pati na rin ang Ingles ay nagmula sa wikang Indo-Europeo.
  • Hittite
    -unang grupo ng mga tao na gumamit ng wikang Indo-Europeo na dumayo sa Kanlurang Asya.
    -nanirahan sa Anatolia noong  2000 BCE.
    -niyakap nila ang ilang aspekto ng kultura ng Mesopotamia at nagtayo ng kanilang lungsod sa Hattusha noong 1650 BCE.
  • isa sa mahahalagang ambag ng mga taga-Mesopotamia na pinakinabangan ng mga Hittite ay ang paggamit ng gulong.
  • Chariot
    -karwaheng pandigma na hinihila ng mga kabayo. Ayon din sa mga dalubhasa, ang mga Hittite ang nakadiskubre ng paggamit ng bakal. Ginamit nila ang bakal sa paggawa ng higit na matitibay na sandata
  • Katulad ng mga sinaunang kabihasnan, ang lipunang
    Hittite ay may anyong patriyarkal. Ang kababaihan
    ay tumitira kasama ang pamilya ng asawang lalaki, at
    ang mga biyuda ay kadalasang ikinakasal sa kamag-anak ng kanyang asawa.
  • 1500 BCE - nagsimula ang pagdating ng mga Kassite at Aryan. Nasakop ng mga grupong ito ang mga sinaunang kabihasnan ng Mesopotamia at lambak ng Ilog Indus. Bukod sa mga Kassite at Aryan ay sumalakay rin ang isang grupo na tinawag na mga taong dagat (sea peoples). Sinalakay nila ang mga dalampasigan ng Dagat Mediteraneo noong 1200 BCE.
  • Phoenician
    -isa sa maliliit na kaharian na sumibol mula sa pagbagsak ng mga sinaunang kabihasnan sa Kanlurang Asya. Binubuo ang kaharian ng Phoenicia ng magkakaibang siyudad. Pangunahin sa mga ito ay ang mga siyudad ng Sidon, Tyre, at Byblos.
  • Phoenician
    Mainam ang lokasyon ng mga siyudad ng Phoenicia dahil ang mga ito ay malapit sa dalampasigan
  • Phoenician
    Isa sa kanilang tanyag na produkto na ikinakalakal ay ang
    lilang tina (Tyrian purple dye). Sa katunayan ay hango sa kulay na ito ang pangalan na Phoenicia na nangangahulugang kulay lila sa wikang Griyego.
  • Tanging ang mga Phoenician lang ang may
    ganitong kalakal sapagkat sa kanilang dalampasigan lamang mahahanap ang isang pambihirang uri ng suso (Bolinus brandaris) na pinagmumulan ng tina.
    Alpabetong Phoenician
  • Alpabetong Phoenician
    -pinakamahalagang ambag ng kaharian sa sangkatauhan.   -ang alpabeto ay naiiba sapagkat mas kaunti ang mga simbolo nito (22 simbolo).
    -naging basehan ng alpabeto
  • Hebreo- lumitaw ang isa pang kaharian na binubuo ng isang grupo ng mga tao na tinawag na Hebreo. Ang mga Hebreo ay gumamit ng wikang Semitiko.
  • Lumang Tipan- nagsimula ang kaharian ng mga Hebreo mula kay Abraham na nagmula sa siyudad ng Ur sa Mesopotamia. Tinawag siya ng Diyos upang lisanin ang kanyang tahanan at  dumayo sa Canaan. Kapalit ng kanyang pagsunod ay ipinangako ng Diyos kay Abraham na ang  kanyang mga inapo ang siyang magmamay-ari ng lupain ng Canaan na tinawag na lupang pangako. Ang lahi rin na nagmula kay Abraham ay kinilala bilang mga taong pinili ng Diyos (chosen people).
  •     Matapos ang matagal na pagtitiis sa kalupitan ng mga taga-Ehipto ay inatasan ng Diyos si Moises
    na gabayan ang mga Hebreo sa pag-alis sa Ehipto at pagbalik sa Canaan. Ang paglisan ng mga
    Hebreo mula sa Ehipto ay tinawag na Exodus at tinatayang naganap noong 1250 BCE. Sa kanilang paglalakbay ay narating ng mga Hebreo ang tangway ng Sinai kung saan sila nanirahan ng 40 taon.
  • Sa panahong ito higit na napagyaman ang relihiyon at pagkakakilanlan ng mga Hebreo. Para sa
    isang grupo na binubuo ng iba’t ibang mga tribu tulad ng mga Hebreo, mahalaga ang paniniwala
    sa isang panginoon (monoteismo) na si Yahweh
  • iba’t ibang tribu at kaharian na naninirahan sa rehiyon ng Canaan, kabilang na ang mga Canaanite,
    Philistine, Aramite, Ammonite, at Moabite.
  • Philistine -pinakamahigpit na karibal.
    Saul -unang hari ng mga Hebreo
    • David - -humalili kay Saul na kinilala bilang pinakadakilang hari ng mga Hebreo. Sa ilalim ng pamumuno ni David ay nasakop ng Israel ang siyudad ng Jerusalem at dito nagsimula ang pagkakaroon ng isang sentralisadong pamahalaan ng mga Hebreo
  • Ipinagpatuloy naman ng anak ni David na si Solomon ang pagpapatatag ng kaharian. Pinalakas din ni Solomon ang hukbong Hebreo at pinalawak ang pakikipagkalakalan sa ibang mga pamayanan sa labas ng kaharian
  • Hebreo
    Ang
    unang kaharian ay ang Israel na nanatili sa hilaga, samantalang ang ikalawang kaharian ng Judah
    ay nanatili sa timog.
  • Sa kabila ng pananakop ng mga dayuhan at mga naranasang kaguluhan ay napanatili ng mga Hebreo ang kanilang iisang relihiyon—ang Judaismo—at pananampalataya kay Yahweh
  • Assyrian
    Matapos ang daang taon na pagkabuwag ng mga imperyo sa Kanlurang Asya ay umusbong ang
    kaharian ng Assyria na siyang pumalit sa imperyo ng mga Babylonian at Hittite. Ang mga Assyrian ay
    kabilang sa pangkat-lingguwistikong Semitiko na umusbong mula sa hilaga ng Mesopotamia
  • Kilala ang mga Assyrian dahil sa lakas ng kanilang hukbong sandatahan. Bagaman nauna
    ang mga Hittite sa paggamit ng bakal ay napaghusay ng mga Assyrian ang paggamit nito bilang
    kasangkapan sa paggawa ng armas pandigma. Bukod dito ay gumamit ang mga Assyrian ng mga
    karwaheng pandigma para sa mas mabilis na pag-atake sa kanilang mga kaaway. Bihasa rin sila sa
    digmaang sikolohikal at siege warfare.
  • Ang Median ay grupo ng mga tao naninirahan sa kabundukan ng Zagros
  • Ipinagpatuloy ng anak ni Nabopolassar na si Nebuchadezzar II ang pagpapalawak ng kaharian.
  • Naging tanyag ang mga Chaldean dahil sa kanilang mga natatanging estruktura na ipinatayo. Kabilang sa listahan ng mga kahanga-hangang estruktura ng sinaunang daigdig ay ay ang Hanging Gardens ng Babylon
  • Pinaniwalaan din na pinangunhan ni Nebuchadnezzar ang pagpapagawa ng isang screw pump (Archimede's screw pump)
  • Ang mga Persyano ay bahagi ng pangkat-lingguwisktikong Indo-Europeo na naglakbay patungo sa Kanlurang Asya
  • Persyano
    Sila ay nanirahan sa timog-kanluran ng Iran at kalaunan ay nasakop ng mga Median
  • Persyano
    Nagsimula ang kanilang pamayanan bilang mga tribu na binubuo ng iba:t ibang angkan.
  • Persyano
    Ang bawat tribu ay may kanya-kanyang pinuno hanggang sa ang mga ito ay napagkaisa ng pamumuno ni Cyrus noong 559 BCE. Ang paghahari ni Cyrus ang simula ng pag-iral ng kanyang dinastiya na kilala bilang Achaemenid.
  • Persyano
    Dahil sa kabaitan at kahusayan sa pamamahala ay kinilala si Cyrus bilang Cyrus the Great