Komunikasyon - hango sa salitang latin na "communis"
Komunikasyon - proseso ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe.
communis - ibig sabihin ay saklaw lahat na binubuo ng lipunan.
Makrong kasanayan:
Pagsasalita
Pakikinig
Pagbasa
Pagsulat
Pagnood
Uri ng Komunikasyon:
KomunikasyongBerbal
KomunikasyongDi-Berbal
Komunikasyong Berbal - ginagamitan ng wika na maaaring pasulat o pasalita.
Komunikasyong Di-Berbal - ginagamitan ng kilos o galaw ng katawan.
Anyo ng Komunikasyon:
Intrapersonal
Interpersonal
Pampubliko
Pangmadla
Intrapersonal - self-meditation na anyo ng komunikasyon na kung saan kinakausap ng isang tao ang kanyang sarili.
Interpersonal - ugnayang komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao na umaasa sa mensaheng inihatid at tugon sa kausap.
Pampubliko - isang linyar na komunikasyon na ang ibig sabihin ay natatapos na Ang Komunikasyon kapag naiparating na ng nagpapadala ng mensahe sa kanyang tagapakinig.
Halimbawa ng Pampubliko:
Seminar
Conference
Miting de avance
Pangmadla - katulad lamang ng pambuliko ngunit ang kaibahan ay ginagamitan ito ng elektroniko tulad ng cellphone, telebisyon, at radyo.
Proseso ng Komunikasyon:
Tagapaghatid
Mensahe
Tsanel
Tagatanggap
Balik-Tugon
Tagapaghatid - Tinatawag ding "communicator or source"
Mensahe - naglalaman ng opinion, kaisipan, at damdamin na ipinaparating.
Tsanel - may dalawang anyo upang maipahatid at maipahayag ang naturang mensahe.
Dalawang Anyo ng Tsanel:
Pandama (Sensory)
Institusyunal (institutionalized)
Pandama (sensory) - tulad ng paningin, pandinig, pangamoy, panglasa, at pakiramdam.
Institusyunal (institutionalized) - tuwirang sabi o pakikipag usap, sulat at kagamitang elektroniko.
Tagatanggap - nagbibigay ng kahulugan sa naturang mensaheng inihatid ng Tagapaghatid.
Tatlong antas ng tagatanggap:
Pagkilala
Pagtanggap
Pagkilos
Balik-Tugon - Hindi matagumpay ang komunikasyon kung walang tugon sa bawat mensahe.