Katangian ng Akademikong Pagsulat

Cards (12)

  • Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa paksang pangungusap at tesis na pahayag.
    Matibay na suporta
  • Ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard na organisasyunal na hulwaran.
    Lohikal na organisasyon
  • Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumusuporta sa tesis na pahayag
    May Pokus
  • Sa akademikong pagsulat, ang manunulat av kailangang maging responsable lalong-lalo na sa paglalahad ng mga ebidensya, patunay o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento
    Responsable
  • Layunin ng papel na maipakita ang kanvang sariling pag-iisip hinggil sa paksa ng kanyang papel, Ito ay tinatawag na sariling punto de bista ng manunulat.
    Malinaw na Pananaw
  • Kinakailangang matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa
    Malinaw na layunin
  • Ang pokus nito ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.
    Obhetibo
  • Ang akademikong pagsulat ay kailangang malinaw sa mambabasa kung paano ang iba't ibang bahagi ng teksto av nauugnay sa isa't isa
    Eksplisit
  • Maingat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.
    Wasto
  • Ang pasulat na wika ay may higit na mahahabang salitang mas mayaman sa leksikon at bokabularyo.
    Kompleks
  • Hindi angkop dito ang mga kolokval at balbal na salita at ekspresyon
    Pormal
  • Sa akademikong pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang walang labis at walang kulang.
    Tumpak