pababasa

Cards (28)

  • Datos
    Anumang impormasyon, lalo na ang mga tastamento at numero, na tinipon upang suriin at gamiting batayan sa pangangatwiran, pagtalakay, pagkalkula, at pagdedesisyon
  • Ang mga datos ay maaaring makabuluhan o hindi, napapanahon o lipas na. Kaya kailangan iproseso ang mg aito upang magkaroon ng kahulugan
  • Primaryang Sanggunian
    Direktang testimonya o ebidensiyang hango sa pinagmulan ng impormasyon
  • Sekundaryang Sanggunian
    Pinakamalapit sa primaryang sanggunian. Dumaan ito sa pagsusuri at interpretasyon
  • Kuwalitatibong Pananaliksik
    Maaaring magsagawa ng archival research, etnograpiya, pakikipanayam, at iba pa
  • Kuwantitatibong Pananaliksik

    Maaaring magsagawa ng sarbey at iba pang nagbibigay ng datos, gamit ang matematika o estadistika
  • Archival
    Ang arkibo/artisbo (archive) ay lugar kung saan iniingatan ang mga pampublikong rekord, makasaysayang materyal, at iba pang dokumento
  • Etnograpiya
    Pagtatala at pagsusuri sa isang kultura o lipunan, na karaniwang nagreresulta sa nakasulat na salaysay ng mga tao, lugar, o institusyon
  • Sarbey
    Koleksiyon ng mga datos o impormasyon mula sa isang sample ng mga indibidwal, sa pamamagitan ng kanilang sagot sa isang set ng mga tanong
  • Sample
    Tawag sa isang grupo ng mga tao, bagay, o item na kinuha mula sa mas malaking populasyon para sa pagsukat
  • Interbyu (Pakikipanayam)

    Harapang palitan ng mga salita, na ang isang tao, ang nag-iinterbiyu, ay nagtatangkang kumuha ng impormasyon, opinyon, o paniniwala sa isa pang tao
  • Structured Interview
    Halos esksakto o tiyak ang pagtatanong gaya ng mga nasa talatanungan na ginagamit sa sarbey
  • Semi-structured Interview
    Mas nagbibigay ng kontrol sa mananaliksik o tagatanong sa magiging daloy ng panayam
  • Focus Group Discussion
    Mas makabubuting isagawa ito sa maliit na grupong may 6-12 kalahok o kapapanayamin
  • Salat
    Anggulo sa pag-aaral na hindi pa nagagawa sa nakalipas na maaari mong pasukan bilang mananaliksik
  • Salungat
    Magkakasalungat na salita na resulta ng iba't ibang pag-aaral tungkol sa isang paksa na maaaring gawan ng panibagong pag-aaral
  • Direktang Pagsipi
    Eksaktong kinokopya ang mga pangungusap o talata
  • Pagsiping Pahulip
    Isinisingit sa loob ng pangungusap o talata ang siniping salita o pangungusap
  • Pagsiping Palansak
    Ihinihiwalay sa pangunahing teksto ang sipi at hindi ikinukulong sa mga panipi
  • Paglalagom
    Pinaiikli ang pahayag na gustong sipiin sa pamamagitan ng pagbuod nito
  • Paraphrase
    Isang paraan ng pagpapaikli o pagbubuod ang paraphrase (paraphrasing)
  • Pagsasalin
    Kung nasa wikang Filipino ang papel pananaliksik, mas makabubuting ang sisipiing pahayag ay isalin sa wikang ito
  • Talang Parentetikal
    Uri ng citation na inilalagay sa unahan o dulo ng siniping pahayag
  • Talababa (Footnote)
    Nasa ibaba ito ng bawat pahina. Hindi ito lalampas sa isang talata
  • Talahuli (Endnote)

    Kagaya ito ng talababa, ngunit tinipon sa dulo ng papel pananaliksik
  • Mga Sanggunian (Bibliography, References)
    Tinatawag din itong talasanggunian, bibliyograpi, at bibliyograpiya
  • APA
    Sa pagsulat ng bibliyograpiya ang APA, sinusundan ng petsa kung kailan isinulat ang sanggunian na ginamit ng mananaliksik ang Pangalan ng awtor
  • MLA
    Sa pagsulat ng bibliyograpiya gamit ang MLA, ang Pangalan ng awtor ay sinusundan ng pahina ng sanggunian na pinagkunan ng impormasyon