Araling Panlipunan

Cards (17)

  • Pagkamamamayan
    Ang pagiging kasapi sa isang
    sosyopolitikal na lipunan
  • Mamamayan
    Tumutukoy sa tao na taglay ang pagkamamamayan na tinatamasa ang lahat ng mga karapatang politikal at sibil sa ilalim ng pangangalaga ng estado
  • Ayon sa Saligang Batas 1987, ang mga mamamayang Pilipino ay

    • Mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng kasalukuyang Saligang Batas
    • Mamamayan ng Pilipinas ang ama o ina
    • Isinilang bago sumapit ang 17 Enero 1973 na ang ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang
    • Naging mamamayan ayon sa batas (naturalisado)
  • Jus Sanguinis
    Batay sa magulang ang pagiging Pilipino
  • Jus soli o Jus loci
    Batay sa lugar ng kapanganakan ang pamantayan ng pagiging mamamayang Pilipino
  • Karapatan ng mamamayan
    • Karapatang politikal
    • Karapatang sibil
    • Karapatang panlipunan at pangkabuhayan
  • Karapatang politikal
    Nagsasaad na dapat ay hinahayaan ang mga mamamayan na makilahok sa mga gawaing pampamahalaan
  • Karapatang sibil
    Tinitiyak ang pagtamasa ng karapatan ng mga indibidwal ng patas na proteksyon sa batas, wastong proseso sa batas, kalayaan sa pananampalataya, etc.
  • Karapatang panlipunan at pangkabuhayan
    Sinisiguro ang kapakanan at seguridad ng isang indibidwal.
  • Tungkulin ng mamamayan ayon sa Saligang Batas 1973
    • Katapatan sa Republika
    • Paggalang sa bandila ng Pilipinas
    • Ipagtatanggol ang estado at mag-ambag tungo sa kaunlaran at kagalingan nito
    • Tumalima sa Saligang Batas at sundin ang iba pang mga batas ng estado
    • Makipagtulungan sa mga opisyal ng pamahalaan tungo sa pagpapanatili ng isang maayos na lipunan
    • Mapanagutang paggamit ng karapatan at paggalang sa karapatan ng iba
    • Magsikap para sa ikabubuti ng sarili at ng pamilya
    • Gampanan ang obligasyong magparehistro at bumoto
  • Noong 1944, isang Civic Code Committee ang binuo ni Pangulong Jose Laurel sa bisa ng Kautusang Administratibo blg. 15
  • Sibiko
    Ay ang paglinang sa kaasalan ng aktibong pakikibahagi ng isang mamamayan sa mga gawaing pangkomunidad at pambansa
  • Indibidwalismo
    Ay isang pananaw na binibigyang-diin ang kagalingan ng isang tao
  • Ang matinding indibidwalismo ayon sa sosyologong si Charles Derber ay humahantong sa tatlong kapahamakan sa lipunan na tinatawag niyang "wilding"
  • Mga kapahamakan ng matinding indibidwalismo
    • Economic wilding - Ang lubusang paghahangad na kumita at makinabang sa negosyo
    • Political wilding - Ang kapakinabangan ng sarili at pamilya sa pamamagitan ng paghawak at pag-aabuso sa posisyon sa pamahalaan
    • Social wilding - Ang marahas na pagkilos laban sa kapamilya o ang kolektibong pag-iimbot na nakapagpapahina ng lipunan
  • Mga kaasalan na namamayani sa lipunang Pilipino
    • Smooth interpersonal relation
    • Utang-na-loob
    • Hiya
    • Bahala na
    • Pagkakabuklod-buklod at kapanatagan ng pamilya
    • Personalismo
    • Magiliw na pagtanggap
    • Pagtitiyaga
    • Pagkamasayahin
  • Dual-Citizenship
    • Batas Republika blg. 9225 “Citizenship Retention and Reacquisition Act”