Renaissance - Nagmula sa salitang pranses na renaistie na ibig sabihin ay muling pagsilang o rebirth. Ito ay panahon ng transisyon sa pagitan ng Gitnang Panahon sa Makabagong Panahon.
Humanismo - Tumutukoy sa kilusang intelektuwal na nagbibigay halaga sa potensiyal at nagawa ng tao sa halip na pisikal na daigdig o kalikasan.
Humanismo - Pag-aaral ng wika, literature, pilosopiya, at sining na klasikal.
Indibidwalismo - Tumutukoy sa pilosopiyang politikal at lipunang nagbibigay halaga sa dangal ng isang indibidwal.
Sekularismo - Tumutukoy sa pagbibigay halaga sa paglilinang ng karaniwang buhay sa halip na espiritwal na buhay.
RenaissanceMan - Isang indibidwal na matagumpay na magsikap sa larangan ng maraming bagay o kaalaman.
Mga tagapagtaguyod ng Renaissance sa Italy - BaldassareCastiglione, LeonardoDaVinci, Michelangelo, Donatello, GiovanniBoccaccio at FrancescoPetrarch.
Baldassare Castiglione - Isinulat niya ang aklat na pinamagatang The Courtier noong 1528. Sa aklat na ito itinuro niya kung ano o paano maging isang Renaissance man o woman.
Leonardo Da Vinci - Isang pintor, eskultor, imbentor, at siyentista. Siya ay kinilala bilang isang tunay na Renaissance man. Ang Mona Lisa at The Last Supper and pinakamahalaga niyang nagawa bilang isang pintor.
Michelangelo - Nagdisenyo ng mga gusali, sumulat ng mga tula, naglilok ng eskultura, at niyang obra ay pinta sa kisame ng Sistine Chapel sa Vatican at sa eskultura ang ay La Pieta.
Donatello - Naglilok ng makatotohang tindig at ekspresyon ng personalidad ng isang indibidwal. Binuhay niya ang klasikal na porma ng isang indibidwal sa estatuwa ni David na kilala sa bibliya bilang batang naging kahanga-hangang hari.
Giovanni Boccaccio - Isang iskolar na Italyano ay may akda na kilalang Decameron, isang serye ng makatotohanang kuwento na naghahatid ng mensaheng ang pagmamahal ay isang likas at makapangyarihang damdamin hindi maaaring ipagkaila.
Francesco Petrarch - Isa sa pinakauna at maimpluwensiyang humanista kung kaya't kinikilala siya ng marami bilang AmangHumanistongRenaissance.
Ang pinakamahalagang naganap sa Italy noong panahon ng Renaissance ay ang pagbagsak ng piyudalismo.
FixedatOne'sBirth - Pananatili ng isang indibidwal sa antas na kinapanganakan.
Flanders - Sentro ng sining sa hilagang Europa.
CosimodeMedici - Italyanong bangkero at politiko na nagtatag ng epektibong pamahalaan sa Florence.
JanVanEyck - Kinikilalang una-unahang pintor noong Renaissance sa Flanders na gumagamit ng oil-based na pangpinta.
Pieter Bruegel - Siya ay kinikilalang pinakadakilang pintor ng Flanders noong ika-16 na siglo. Ang kaniyang obra ay ang TheFightBetweenCarnivalandLent.
Palace of Fontainebleau - Ginawang museo ng sining ng Reinassance.
Albrecht Durer - Lumikha ng obrang inukit sa kahoy at makatotohanang pintang relihiyoso.
Elizabethan Age - Lumaganap ang Renaissance sa England noong mga kalahatian na ng 1500.
Repormasyon - Tumutukoy sa kilusan para sa pagrereporma sa pagmamalabis ng Simbahang Romano Katoliko noong ika-16 na siglo.
Indulhensiya - Isang paraan ng pagkakaloob ng kapatawaran sa kasalanan ng isang mamamayan kapalit ng salapi.
Desiderius Erasmus - Humanistang Olandes na isa sa humiling ng pagbabago sa simbahan sa pamamagitan ng kaniyang mga sulating may temang panunuya laban sa simbahan.
Erehe o Heretic - Isang indibidwal na tutol sa kautusan ng simbahan.
Thomas More - Isang humanistang Ingles, isinulat ang Utopia. Siya ay itinanghal na martir ng repormasyon bunsod ng kanyang pagtangging kilalanin si Henry VIII.
Ekskomulgado - Isang indibidwal na nahihiwalay sa simbahan.
Ang pangkat ng mga nagprotesta laban sa simbahan ay tinawag na protestante.
Lahat ng nagprotesta at naging tagasunod ng mga pangaral ni Luther ay tinawag na mga Lutheran.
Peace of Augsburg - Napagkasunduan ng mga prinsipe na sila ang magdedesisyon sa uri ng relihiyon sa kani-kilalang estado.
Anim na asawa ni Henry VIII - Catherine of Aragon, Anne Boleyn, Jane Seymour, Anne of Cleves, Catherine Howard, Katherine Parr.
Defender of Faith - Titulo ni Henry VIII na ginawaran ng papa.
Parliyamentong Repormasyon - Parliyamento sa isang sesyon upang magpasa ng batas. Ito ay nagtapos sa kapangyarihan ng papa sa England.
Act of Supremacy - Batas na kumilala kay Henry VIII bilang kataas-taasang pinuno ng Simbahang Inglatera o Simbahang Anglican.
Isinulat ni Crammer ang BookofCommonPrayers kung saan nakapaloob ang 39ArticlesofReligion na tala ng mga paniniwala at dasal ng mga Anglican, kasapi ng simbahang itinatag ng England.
Elizabeth I - Siya ang nagbalik ng Simbahang Anglican sa estado sa pamamagitan ng determinasyon niyang maibalik ang Protestantismo ang England.
Predestination - Paniniwala na ang lahat ng bagay na nangyayari ay itinakda na ng Diyos, na ang Diyos ay may plano na sa bawat indibidwal at wala ng makapagbabago pa nito.
Calvinism - Tawag sa aral ni John Calvin.
Kontra Repormasyon - Kilusan sa paglilinis ng Simbahang Katoliko Romano bilang tugon sa repormasyon ng mga protestante noong ika-16 na siglo.