May kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Kasama na rito ang pagsulat ng balita, editoryal, artikulo, at iba pa. Mahalagang ang mga taong sumusulat nito tulad ng journalist, mamamahayag, reporter, at iba pa ay maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang isusulat sa mga pahayagan, magasin o kaya naman ay iuulat sa radyo at telebisyon.