Filipino

Cards (45)

  • José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda
  • Kaarawan: June 19, 1861
  • kamatayan:December 30, 1896.
  • Lugar ng kapanganakan: Calamba, Laguna
  • Ipinasa ang panukalang batas ni Senador Claro M. Recto na gawing requirement sa mga paaralan, lalo na sa kolehiyo, ang pag-aaral ng buhay at mga akda ni Dr. Jose Rizal.
  • Inaprubahan ni dating Pangulo Ramon Magsaysay ang Republic Act No. 1425 o Batas Rizal noong Hunyo 12, 1956 bilang pagdiriwang na rin ng kasarinlan ng Pilipinas mula sa mga mananakop.
  • Noli Me Tangere ay ang kauna-unahang nobelang isinulat ni Rizal.
  • Magdadalawampu’t apat na taon pa lamang siya nang isulat niya ito.
  • The Wandering Jew- tungkol sa isang lalaking kumutya kay Hesus habang siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito ngayon ay pinarusahan na maglakad sa buong mundo nang walang tigil.
  • Uncle Tom’s Cabin- Tungkol ito sa pagmamalupit ng mga puting Amerikano sa mga Negro. Tumindi ang pagnanais ni Rizal na makabuo ng aklat na tumatalakay sa pagmamalupit ng Espanyol sa mga Pilipino.
  • Bibliya- Ang Noli me tángere (Huwag mo akong salingin o Huwag mo akong hawakan ay ang mga salitang sinabi kay Maria Magdalena ni Hesus nang siya ay makilala ng babae matapos ang kanyang muling pagkabuhay. Ang parilala ay nagmula sa bersiyong Latin ng Ebanghelyo ni San Juan, Kabanata 20, Bersong 17.
  • Taong 1884 ay sinimulan niya itong isulat sa Madrid, Spain at doo’y natapos niya ang kalahati ng nobela
  • Si Maximo Viola (taga Bulacan) na nagpahiram sa kanya ng salapi na naging daan upang makapagpalimbag ng 2,000 sipi nito sa imprenta.
  • Ito ay inimprenta sa Berliner Buchdruckrei-Action-Gesselschaft- printing shop sa halagang 300 pesos.
    1. Don Crisostomo Magsalin Ibarra
    Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan.
    “Kahit ako’y kalimutan ng aking bayan, sa lahat ng sandali ay inaalala ko siya”
  • Maria Clara delos Santos
    Siya ay maganda, relihiyosa masunurin, matapat, mapagpakasakit ngunit may matatag na kalooban.
    “Kung hindi man magkakatuluyan ng aking iniibig ay mas mainam na lamang na manatili sa kombento.”
  • Elias
    Siya ay isang piloto/bangkero at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala ang kanyang bayan at gayundin ang mga suliranin nito.
    ”Tunay pong hindi ako maaring umibig ni lumigaya sa sariling bayan ngunit nakahanda akong magtiis at mamatay rito.”
  • Pilosopong Tasyo
    Siya ay isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Taglay niya ang katangian ni Rizal na mapagpuna sa mga pangyayari sa paligid.
    “Ang baya’y hindi dumaraing sapagkat pipi,natutulog kaya hindi kumikilos. Ang pagdurusa niya’y hindi ninyo nakikita.”
  • Padre Damaso
    Isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya ring nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Intsik.
    “Kapag ang kura ay nagpahukay ng bangkay ng isang erehe, kahit na ang hari ay walang karapatang makialam o magparusa.”
  • Don Santiago "Kapitan Tiago" delos Santos
    Isang mayamang mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara.
    “Tignan mo ako anak, ako’y higit na sawimpalad kaysa sa iyo ngunit hindi ako umiiyak.”
  • Sisa
    Ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang pabaya at malupit. Isang inang walang nalalaman kundi ang umibig at umiyak na lamang Pinopoon niya ang asawa at nagpapakasakit alang-alang sa mga minamahal na anak.
    “Nakikita mo ba yaong mga ilaw sa kampanaryo? Naroon sina Basilio at Crispin ngunit ‘di ko dinadalaw Si Crispin dahil may sakit ang kura.”
  • Basilio
    Nakatatandang anak ni Sisa na isang sakristan tagatugtog ng kampana sa kumbento. Sinasagisag niya ang walang malay at inosente sa lipunan.
    “Hindi ba pwedeng tayong tatlo na lamang ang magkakasama? kayo inay, si Crispin at ako.”
  • Crispin
    Bunsong kapatid ni Basilio na isa ring sakristan at kasama ring tumutugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
    “Sana nasa bahay tayo at kasama si Inang, hindi nila ako mapagbibintangang nagnakaw ng onsa.”
  • Alperes
    Siya ang puno ng mga guwardiya sibil at siya ring mahigpit na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego.
    ”Pakana lang iyan ng prayle kaya palayain si Sisa, kung gusto niyang mabalik ang salapi ay itanong niya kay San Antonio.”
  • Donya Consolacion
    Siya ay isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ng alperes.
    “Baila! Baila!, Sumayaw ka Sisa at kung hindi ay papatayin kita sa hagupit!”
  • Donya Victorina de Espadaña
    Isang babaeng punong-puno ng kolorete sa mukha dahil sa kanyang pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol. Mahilig din siyang magsalita ng Kastila bagama't ito ay laging mali.
    “Ang pagsusuot ng kolorete sa katawan ang nagsisilbing dahilan ng pagiging kakaiba ko sa mga Indiong kagaya ninyo.”
  • Don Tiburcio de Espadaña
    Siya ay pilay at bungal na Kastilang nakarating sa Pilipinas dahil sa kanyang paghahanap ng magandang kapalaran. Naging asawa siya ni Donya Victorina. Siya ay maituturing na sagisag ng taong walang paninindigan at prinsipyo.
    “May sakit ngunit mapapagaling. Bigyan ng liquen na may gatas sa umaga ng bumalik ang kanyang sigla.”
  • Tiya Isabel
    Siya ang hipag ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Maria Clara simula nang siya ay sanggol pa lamang.
    “Ang pag-aalaga ko kay Maria Clara ang tanging ikinaliligaya ng aking puso.”
  • Padre Bernardo Salvi
    Kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego.
    “Hindi ako ang dahilan sa pagpapalipat ng iyong ama sa libingan ng mga Intsik, si Pari Damaso ang salarin”
  • Pedro
    mapang-aping asawa ni Sisa.
    “Ginoong Crisostomo, ako po ay inyong tulungan. Ang asawa ko po ay nabaliw at ang mga anak ay nagsipagwalaan.”
  • Erehe ay taong taliwas sa paniniwala ng Simbahan at Pilibustero- taliwas sa paniniwala ng pamahalaan.
  • Padre Garrote iba pang katawagan kay Padre Damaso.
  • Aliwalas- maayos, maganda
  • Bagumbayan ay dating tawag sa Luneta Park.
  • Panaghoy- pag-iyak o dalamhati
  • Sedisyon- gawain na nanghihikayat ng rebelyon
  • Kabisera- dalawang dulo ng mesa.
  • Todos Los Santos ay araw ng mga santo.
  • Prusisyon- gawaing panrelihiyon
  • Alkantarilya- daanan ng maruruming likido