Ang ekwilibriyo ay salitang nagbabadya ng pagbabalanse o pagkakapantay.
Ekwilibriyong presyo - Ito ang tawag sa napagkasunduan na presyo ng konsyumer at prodyuser. Simbolo nito ay “Pe”.
Ekwiibriyong dami -Ito ang tawag sa napagkasunduan bilang o dami ng mga produkto o serbisyo na kaya o nais bilhin o ipagbili. Simbolo nito ay “Qe”.
ang demand ay may tuwirang ugnayan sa presyong ekwilibriyo
suplay naman at ang presyong ekwilibriyo ay may inverse na ugnayan sa isa’t isa.
true or false
Price flooring - Legal na pinakamababang presyo
Price ceiling - pinakamataas na presyo
Estruktura ng pamilihan - Ito ay tumutukoy sa balangkas na umiiral na sistema ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser.
Ang mga tindera ay walang kakayahang mag-impluwensiya sa presyo man o supply kaya sila ay tinatawag na price takers
Oligopolyo - maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad
Pure oligopoly - Tawag kung ang pamilihan ay kakikitaan ng mga produktong magkakapareho.
Hal. Bakal at semento.
Differentiated oligopoly - Tawag sa ipinagbibili sa pamilihan ay yaong mga produktong magkakatulad sa uri ngunit magkaiba naman sa wangis.
Hal. Automobile Industry.
Collusion o sabwatan - Kapag nagsasagawa sila ng pagsasabwatan, maaari silang kumilos na parang iisang kompanya.
Price war - Tunggalian sa presyo. Magbababa ng presyo ang isa kahit pa ang maging kapalit nito ay ang pagbaba rin ng kaniyang magiging tubo.
Paggamit ng propaganda - Pag-aanunsiyo na ang sasadyaing epekto ay ang pagpapakilala na ang kanilang produkto
Ang sabwatan sa isang pamilihang oligopolyo ay mas madaling maisagawa kapag dalawa lamang ang prodyuser o supplier. Ito ay tinatawag na duopoly na may dalawang anyo.
Cournot duopoly - Nagaganap kapag ang dalawang oligopolista ay may kompetisyon sa lebel ng supply.
clue : Augustin Cournot
Bertrand duopoly - Nakabatay sa presyo.
clue : Joseph Louis Francois Bertrand
Slippery price - Katawagan sa presyo kapag ang mga oligopolista ay may sabwatan kaya ang presyo ay mabilis mapataas at ang mamimili ay walang magagawa kundi tanggapin ito.
Sticky price - Katawagan sa presyo kung saan ang mga oligopolista ay may kompetisyon kung kaya wala silang magawa kundi manatili sa umiiral na presyo sa pamilihan.
Monopolyo - iisa lamang ang nagtitinda o taga-supply ng produktong mahalagang-mahalaga o pangangailangan
Pure monopoly - Ang ipinagbibiling produkto ay unique o wala halos pamalit o substitutes.
Copyright - Uri ng intellectual property right na tumutukoy sa karapatan ng isang tao na eksklusibong mag may-ari ng kanyang mga akdang pampanitikan o pansining.
Patent - Pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang imbensiyon upang mapagbawalan ang iba na gamitin, gayahin, ibenta, iangkat, o iluwas ang mga imbensyon niya kapalit ng pagsisiwalat sa publiko ng mga detalye patungkol sa kanyang imbensyon.
Monopsonyo - Ito ay tumutukoy sa pamilihang iisa lamang ang bumibili sa produkto at serbisyo. Halimbawa: Pag empleyo ng pamahalaan sa kapulisan.
Oligopsonyo - Ito ay tumutukoy sa pamilihang ilan lamang ang bumibili sa produkto at serbisyo. Halimbawa: Tabako.
Ang Nationalincome accounting ay sistema ng pagtatala ng datos na may kinalaman sa mga ginagamit na economic indicator upang sukatin ang economic performance
GDP - isa sa economic indicator na ginagamit ng lahat ng mga ekonomiya upang sukatin ang panloob na ekonomiya batay sa isang itinakdang partikular na panahon.
GNI - pinagsamang GDP at netong kita (Net income) sa ibang bansa. Ito ay kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng isang bansa o kita na tinanggap mula sa labas ng bansa sa loob ng isang taon.
RealGNP/GNI - tumutukoy sa halaga ng kabuuang produksyon ng bansa na ang batayan ay presyo ng base year o noong nagdaang panahon.
NominalGNP/GNI - naglalahad ng kabuuang produksyon na ginawa ng mga mamamayan ng isang bansa batay sa kasalukuyang umiiral na presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan.
Ang implasyon ay isang sitwasyon na kung saan ang mga tao ay gumagamit ng mas maraming salapi para makabili ng iilang produkto.
Low inflation - Nagaganap kapag mas mababa sa 1% ang itinataas ng presyo.
Creeping inflation - Nagaganap kapag 1-3% ang bilis ng pagtaas ng presyong naitatala kada taon.
Galloping inflation - Nagaganap kapag ang taas ng pagbabago ay mula 100-300%.
Hyperinflation - Mabilis na pagbagsak ng salapi ng isang bansa.
Deplasyon - Ito ay ang kabaliktaran ng implasyon. Ito ang tawag sa patuloy na pagbaba ng pangkalahatang presyo ng mga pangunahing produkto.
Boom - Ito ay ang pinakamataas na punto ng siklo ng kalakalan. Mayroong magandang takbo ng ekonomiya.
Depression - Ito ay ang kabaliktaran ng Boom. Ito ang pinakamababang parting siklo ng produksiyon.
Slump - Ito ang kalagayan kung saan may pagbabago sa presyo ng mga bilihin kasabay ng pagbagal ng ekonomiya ng bansa.