FPL

Cards (39)

  • Replektibong-Sanaysay
    Akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinusuri ang naging epektong mga karanasang iyon sa manunulat
  • Replektibong Sanaysay

    • Isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa pagsasanay na may kinalaman sa pagsuri o pagarok sa isip o damdamin (introspection)
    • Pagbabahagi ng mga bagay na nasa-isip, nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil sa isang paksa
    • Maihahalintulad sa pagsulat ng dyurnal at academic portfolio
  • Replektibong Sanaysay
    Nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang karanasan o pangyayari
  • Mga paksa ng Replektibong Sanaysay
    • Librong katatapos lamang basahin
    • Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
    • Pagsali sa isang pansibikong gawain
    • Praktikum tungkol sa isang kurso
    • Paglalakbay sa isang tiyak na lugar
    • Isyu sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot
    • Isyung pambansa at politika
    • Paglutas sa isang mabigat na suliranin
    • Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral
  • Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay
    • Bumuo ng isang tiyak na paksa o tesis
    • Gumamit ng unang panauhan ng panghalip
    • Magtataglay ng patunay o patotoo
    • Gumamit ng pormal na salita
    • Gumamit ng tekstong naglalahad o ekspositori
    • Sundin ang mga bahagi ng sanaysay: introduksiyon, katawan, at kongklusyon
    • Gawing Organisado at Lohikal ang pagkakasulat ng mga talata
  • Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
    1. Introduksiyon
    2. Katawan
    3. Kongklusyon
  • Lakbay-Sanaysay
    Uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga karanasan sa paglalakbay
  • Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay
    • Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat
    • Layunin din nitong makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay
    • Maaari ring itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay
    • Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan
  • Mga Dapat Tandaan Sa Pagsulat Ng Lakbay-Sanaysay
    • Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista
    • Sumulat sa unang panauhang punto de-bista
    • Tukuyin ang pokus ng susulating Lakbay-Sanaysay
    • Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay
    • Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay
    • Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay
  • Larawang-Sanaysay

    Koleksiyon o limbag na mga imahe o larawang inilalagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan
  • Lakbay-Sanaysay
    Isang uri ng pagsulat na naglalahad ng mga pangyayari, damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan
  • Lakbay-Sanaysay
    • Maging obhetibo sa paglalatag ng mga impormasyon
    • Sikaping mailahad ang katotohanan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga positibo at negatibong karanasan at maging ng kondisyon ng lugar na pinuntahan
  • Larawang-Sanaysay
    Isang koleksiyon o limbag na mga imahe o larawang inilalagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari, mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan
  • Larawang-Sanaysay
    • Gumamit ng mga larawang may maiikling teksto o kapsyon
    • Ang pagtataglay ng larawan ay dapat na isinaayos o pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang magpapakita ng kabuoan ng kwento o kaisipang nais ipahayag
    • Makapagsasalaysay sa pamamagitan ng mga larawang may kronolohikal na ayos
  • Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat Larawang-Sanaysay
    • Pumili ng paksa ayon sa iyong interes
    • Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin
    • Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa
    • Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa
    • Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan, mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan
    • Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan. Tandaan na higit na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita
    • Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu
    • Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-iilaw
  • Mga Hakbang sa Pagsulat ng Larawang-Sanaysay
    1. Pumili ng isang paksa at mga larawang may kaugnayan nito
    2. Maghanap ng mga datos na susuporta sa iyong gagawing sanaysay
    3. Pagsunod-sunurin ang mga larawan na naaayon sa tema
    4. Lagyan ng pagkakawing ang bawat larawan na kinapapalooban ng iyong damdamin na maaaring makapukaw sa interes ng mga mambabasa
    5. Simulan ang iyong sanaysay sa pahapyaw na paglalarawan sa bawat imahe at lapatan ito ng iyong kuro o saloobin
    6. Makakatulong sa iyo ang paggamit ng mga transisyunal devices upang magkaroon ng kohirens ang iyong pagsulat
    7. Maglapat ng isang hamon o kongklusyon sa hulihang bahagi ng iyong sanaysay
  • Adyenda
    Isang dokumento na naglalaman ng listahan ng mga pag-uusapan at dapat talakayin sa isang pagpupulong
  • Mga Hakbang sa Pagbuo ng Adyenda
    1. Alamin ang layunin ng pagpupulong
    2. Sulatin ang agenda tatlo o higit pang araw bago ang pagpupulong
    3. Simulan sa mga simpleng detalye
    4. Magtalaga lamang ng hindi higit sa limang paksa para sa agenda
    5. Ilagay ang nakalaang oras para sa bawat paksa
    6. Isama ang ibang kakailanganing impormasyon para sa pagpupulong
  • Katitikan ng Pulong
    • Maging obhektibo, tiyak, at maliinaw sa mga isusulat
    • Gumamit lamang ng isang pamanahunan
    • Tandaan ang isinusulat na mga puntos sa pulong ay natapos nang pagusapan
    • Kailangang ilagay ang mga pangalan ng sangkot na mga indibidwal kung kinakailangan
    • Basahin ang katitikan, at I-edit ito kung kinakailangan
  • HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG PULONG
    1. Pagbubukas ng pulong
    2. Paumanhin
    3. Adapsyon sa katitikan ng nakaraang pulong
    4. Paglilinaw mula sa katitikan ng nakaraang pulong
    5. Pagtalakay sa mga liham
    6. Pagtalakay sa mga ulat
    7. Pagtalakay sa agenda
    8. Pagtalakay sa paksang di-nakasulat sa agenda
    9. Pagtatapos ng pulong
  • Panukalang Proyekto
    Isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para isa komunidad o samahan
  • Panukalang Proyekto
    • Kailangang maging tapat na dokumento na ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikha ng positibong pagbabago
    • Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon pagyayabang o panlilinlang, sa halip ito ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin
  • Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto
    1. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
    2. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
    3. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito
  • Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
    • Tukuyin ang pangangailangan ng komunidad, samahan, paaralan, klasrum, o kompanyang paguukulan ng project proposal upang makatulong at makalikha ng positibong pagbabago
    • Gawing tiyak, napapanahon, at akma ang gagawing panukalang proyekto
    • Ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala
    • Ang panukalang proyekto ay isang nakasulat na mungkahi at siyang ihaharap sa mga taong makatutulong sa pagkamit ng layunin para sa pamayanan
    • Ang panimula, ang unang bahagi ng iyong panukalang proyekto, ang magiging paksa ng araling ito. Dito mo tutukuyin ang kaukulang pangangailangan ng iyong pamayanan. Batay dito, maaari mo nang mailahad ang layunin ng iyong proposal
    • Ang bahaging ito ay dapat na maikli lamang ngunit malinaw at direkta ang punto. Dapat na nakapaloob dito ang paglalarawan ng iyong pamayanan at kung paanong makatutulong sa pangangailangan ng pamayanan ang panukalang proyektong iyong ibinigay
  • Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto

    • Layunin - Kailangang maging tiyak at isulat batay sa inaasahang resulta ng panukalang proyekto
  • wing tiyak
    napapanahon, at akma ang gagawing panukalang proyekto
  • Pangangailangan
    Magiging batayan ng isusulat na panukala
  • Panukalang proyekto
    Nakasulat na mungkahi at siyang ihaharap sa mga taong makatutulong sa pagkamit ng layunin para sa pamayanan
  • Panimula
    1. Tutukuyin ang kaukulang pangangailangan ng iyong pamayanan
    2. Mailahad ang layunin ng iyong proposal
    3. Nakapaloob dito ang paglalarawan ng iyong pamayanan at kung paanong makatutulong sa pangangailangan ng pamayanan ang panukalang proyektong iyong ibinigay
  • Layunin
    Kailangang maging tiyak at isulat batay sa inaasahang resulta ng panukalang proyekto
  • Characteristics of effective goals
    • Specific
    • Immediate
    • Measurable
    • Practical
    • Logical
    • Evaluable
  • Plano ng Dapat Gawin
    1. Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin ang talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin
    2. Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsagawa nito kasama ang mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawain
    3. Dapat maging makatotohanan at kailangang ikonsidera ang badyet sa pagsasagawa nito
    4. Makakatulong kung gagamit ng tsart o kalendaryo para markahan ang pagsasagawa ng bawat gawain
  • Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang
    Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa pagsasakatuparan ng layunin
  • Balangkas ng Panukalang Proyekto
    • Pamagat ng Panukalang Proyekto
    • Nagpadala
    • Petsa
    • Pagpapahayag ng Suliranin
    • Layunin
    • Plano na dapat gawin
    • Badyet
    • Paano mapakinabangan ng pamayanan o samahan ang panukalang proyekto
  • Bionote
    Tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba pa
  • Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Bionote
    • Sikaping maisulat lamang ito nang maikli
    • Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay
    • Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan
    • Gawing simple ang pagkakasulat nito
    • May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa
    • Basahin muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote
  • Katangian ng Bionote
    • Maikli ang nilalaman
    • Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw
    • Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market
    • Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok
    • Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
    • Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan
    • Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
  • Portfolio
    Katipunan ng iyong mga personal na gawa, mga nakamit o na pagtagumpayan, mga kaalaman o mga bagong kaalaman
  • Paggawa ng Portfolio
    1. Pamagatan ang iyong Portfolio
    2. Gawin ang Pamagating Pahina
    3. Isulat ang iyong Prologo
    4. Gawin ang Talaan ng Nilalaman
    5. Tipunin ang iyong mga sulatin
    6. Isulat ang iyong Epilogo
    7. Gawin ang pahina para sa Rubriks
    8. Isulat ang iyong Bionote
    9. Palamutian ang iyong Portfolio
    10. Ipasa ang iyong portfolio