harharharhaerh

Cards (140)

  • Batas Militar/ Martial Law

    Pagsasailalim ng isang lugar o bansa sa mahigpit na pagkontrol ng pamahalaan at paggamit ng puwersang militar upang ipatupad ang mga patakaran
  • Itinatag ni Pangulong Marcos ang tinawag niyang "Bagong Lipunan"
  • Communist Party of the Philippines - New people's army
    Armadong organisasyong ayaw sa demokrasya at kumakalaban sa pamahalaan
  • Moro National Liberation Front
    Samahang itinatag noong 1972 na nagnanais na magtatag na hiwalag na pamahalaan sa Mindanao na pamumunuan ng mga Pilipinong Muslim
  • New People's Army
    Armadong hukbo ng CPP
  • Lumaganap ang cronyism o pagbigay ng pabor sa mga kamag-anak at kaibigan ng pangulo sa negosyo at kalakalan
  • Si Ferdinand Marcos ang natatanging pangulo ng Pilipinas na nanungkulan ng dalawang magkasunod na termino sa pamamagitan ng pagkapanalo nito sa pampanguluhang halalan
  • Bago pa man natapos ang kaniyang termino ay nagdeklara ng Batas Militar si Pangulong Marcos at ipinagpatuloy ang pamamahala sa bansa sa ilalim ng diktaturya
  • Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar sa pamamagitan ng paglagda ng Proclamation No. 1081
  • Maraming dahilan kung bakit isinailalim ni Marcos ang bansa sa Batas Militar
  • Mga Insidente na nagbigay-daan sa pagdeklara ng Batas Militar
    • Suliranin sa CPP-NPA at Makakaliwang Muslim
    • Pagbomba sa Plaza Miranda
    • Tangkang Pagpaslang kay Enrile
    • Pagkakatuklas ng Barkong MV Karagatan
  • Sa bisa ng Proclamation No. 1081, isinailalim ang buong Pilipinas sa Batas Militar
  • Ninais din ni Pangulong Marcos na magtatag ng isang lipunang mapayapa, maunlad at may disiplina
  • Mga Nagawa sa Panahon ng Batas Militar
    • Curfew at Pagbabawal sa mga Kilos-Protesta
    • Reporma sa Lupa
    • Programang Pangkabuhayan
  • Ipinatupad ang curfew at pagbabawal sa mga tao na lumabas at manatili sa mga lansangan sa itinakdang oras
  • Maraming Pilipino ang nagsasabi na panandaliang naging tahimik at payapa ang bansa dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng curfew at pagbabawal sa mga kilos-protesta
  • Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Presidential Decree No. 2 na may kinalaman sa reporma sa lupa
  • Binigyan naman ng pagkakataong magmay-ari ng sakahan ang mga magsasaka sa bisa ng Presidential Decree No. 27
  • Naging matagumpay pansamantala ang programang Masagana 99 na nagpadami ng produksiyon ng palay
  • Inilunsad ang Green Revolution na nakatuon sa pagpapaunlad ng sakahan at ang Blue Revolution para naman sa pangingisda
  • Nagpagawa rin ng maraming kalsada, highway, at tulay kabilang ang NLEX at SLEX, gayundin ang San Juanico Bridge at Light Rail Transit o LRT
  • Itinaguyod din ang mga ex-pansion at pagpapaunlad ng mga pampublikong serbisyo
  • Nawala ang demokrasya sa Pilipinas sa panahon ng Batas Militar
  • Marami sa mga katangian ng demokratikong pamamahala ang hindi ipinatupad sa panahong ito ng kasaysayan ng bansa
  • Mga Paglabag sa Karapatang Pantao

    • Marami ang dinakip at ikinulong nang walang due process at walang warrant of arrest na umabot sa halos 8000
    • May mga taong tinawag na desaparecidos o mga tao na biglang nawala at pinaniniwalaang pinaslang
    • May mga insidente ng torture o pagpapahirap sa mga taong pinaghihinalaang kumakalaban sa Batas Militar
    • Naidokumento rin ang ilang political prisoner na sapilitang kinulong at inihiwalay sa pamilya at lipunan upang hindi makalaban sa pamahalaan
  • Ang kautusan ni Pangulong Marcos na Letter of Instruction No. 1 na nag-uutos sa Press Secretary at Defense Secretary na pangunahan ang pagkontrol sa lahat ng uri ng media
  • Ipinasara ang mga opisina ng iba't ibang pahayagan at lahat ng tumutuligsa sa rehimeng Marcos ay dinadakip at dinadala sa Kampo Crame kahit walang kaso
  • Cronyism
    Pagbibigay ng pabor sa mga kaanak at kaibigan ng pangulo sa aspekto ng ekonomiya at kalakalan
  • Ayon sa Guiness Book of Records, naitala na ang kabuoang nakaw na yaman ni Pangulong Marcos ay umabot sa 5 hanggang 10 bilyong dolyar
  • Ipinasara ni Pangulong Marcos ang Kongreso at pinamahalaan ang bansa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng kaniyang mga kautusan sa pamamagitan ng letter of instruction, proclamation at presidential decree
  • Naging instrumento rin ang militar upang bantayan ang mga kalaban at gawing disiplinado ang mga mamamayan
  • Nagwakas ang pagpapairal ng Batas Militar
    Enero 17, 1981
  • Nagpatuloy pa rin ang malawak na kapangyarihan ni Marcos bilang pangulo at ng puwersang militar ng bansa
  • Marami ang nag-alinlangan sa pagwawakas ng Batas Militar noong Enero 17,1981
  • Si Unang Ginang Imelda Marcos ang tumulong kay Pangulong Marcos sa pamamahala lalo na sa Metro Manila at pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
  • Naging laganap ang paglabag sa mga karapatang pantao noong Batas Militar
  • Namuhay nang may karangyaan ang pamilya at kaanak ni Pangulong Marcos
  • Malaki ang bahaging ginampanan ng puwersang militar sa panahon ng Batas Militar
  • Opisyal na nagwakas ang pagpapairal ng Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa bisa ng Proclamation No. 2045
  • Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.