IbongAdarna - ang makapangyarihang ibon na nakatira sa Piedras Platas na makikita sa bundok Tabor
HaringFernando - ang butihing hari ng Kaharang Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman
DonPedro - ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang unang umalis at nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor
DonDiego - ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Nang hindi makabalik si Don Pedro ay siya naman ang sumunod na tumungo sa kabundukan upang hanapin ang ibong makapagpapagaling sa kanilang amang may malubhang karamdaman
DonJuan - ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Makisig, matapang at may mabuting kalooban. Siya ang tanging nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor at nakapagligtas sa kaniyang dalawang kapatid
MatandangSugatanoLeproso - humingi ng tulong at ng huling tinapay ni Don Juan habang patungo siya sa Bundok ng Tabor. Siya ang nagsabi ng mga bagay na dapat gawin ni Don Juan sa pagdating niya sa Bundok Tabor
Higante - mabagsik, malakas at malupit na tagapagbantay ni Donya Juana mula sa pagiging bihag niya nang matalo at mapatay siya ni Don Juan
Ermitanyo - mahiwagang lalaking naninirahan sa Bundok Tabor. Siya ang tumulong kay Don Juan upang mahuli ang mailap na Ibong Adarna
MatandangLalakinguugod-ugod - tumulong kay Don Juan upang mapanumbalik ang dati nitong lakas matapos siyang pagtaklisan nina Don Pedro at Don Diego
DonyaJuana - unang babaeng nagpatibok sa puso ni Don Juan. Isang higante ang nagbabantay sa prinsesa na kailangang talunin ni Don Juan upang makalaya ang dalaga
KaligirangPangkasaysayan
Naglalarawan sa rason o pangyayari ng sinaunang naganap o kaya ay ginawa na siyang tumuloy sa kung ano o bakit ganito ang isang bagay, tao, pangyayari at iba pa
Awit
Binubuo ng 12 na pantig sa loob ng taludturan
Mabagal ang himig/adante
Sadyang parang awitin, inaawit sa tanging pagtitipon
Korido
Binubuo ng 8 na pantig sa isang taludturan
Mabilis ang himig/allegro
Sadyang para basahin, hindi awitin
Awit ay hango sa totoong buhay, halimbawa ay ang Florante at Laura
Korido ay may kakayahang gumawa ng mga kababalaghan, hal. Ibong Adarna
Korido ay isinusulat noon bilang panalanging inaalay sa Birheng Maria
Ang Ibong Adarna ay naging malaking bahagi ng panitikan ng Pilipinas
May haka-haka na ang manunulat ng Ibong Adarna ay si HusengSisiw
Lobo
Alaga ni Donya Leonora na gumamot kay Don Juan nang siya'y mahulog sa balon dahil sa pataksil na pagputol ni Don Pedro sa lubid na nakatali sa kaniyang baywang
Donya Leonara
Nakababatang kapatid ni Donya Juana na bihag naman ng isang serpiyente. Nang makilala siya ni Juan ay nahulog din ang loob ng binata sa kagandahang taglay ng dalaga
Serpiyente
Malaking ahas na may pang ulo na nagbabantay kay Donya Leonara. Nakipaglaban dito si Don Juan at nang matalo niya ang serpiyente ay nakalaya na si Donya Leonara
DonyaMariaBlanca
Prinsesa ng Reyno de Los Cristales. Maraming taglay na kapangyarihan ang dalaga. Dahil sa laki ng pag-ibig niya kay Don Juan ay tinulungan niya ang binata upang malagpasan ang maraming pagsubok. Sa huli rin ay nagkatuluyan sila Don Juan
Haring Salermo
Ama ni Donya Maria Blanca na naghain ng napakaraming pagsubok na kinakailangang malapagan ni Don Juan upang mahingi ang kamay ng dalaga