Tekstong Prosidyural - uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at direksiyon kung paano isagawa ang isang tiyak na bagay o pangyayari
Layunin ng Tekstong Prosidyural:
Makapagbigay ng maayos at sunod sunod na direksyon at impormasyon sa mga mambabasa
Layunin o Target na output - naglalaman ang bahaging ito ng kalalabasan o kahahantungan ng proyekto
Kagamitan - nakapaloob dito ang mga kasangkapan na kakailanganin upang maisagawa ang proyekto
Metodo - serye ito ng mga hakbang o pamaraan na isasagawa upang mabuo ang proyekto
Ebalwasyon - naglalaman ito ng deskripsiyon sa pagsusukat ng tagumpay ng hakbang na isinagawa
Nilalaman ng tekstong prosidyural:
Layunin
Kagamitan
Metodo
Ebalwasyon
Mga ginagamit upang mas maging malinaw ang pagpapahayag ng panuto:
Heading
Subheading
Numero
Dayagram
Larawan
Katangian ng wikang madalas gamitin sa mga tekstong prosidyural:
Nasusulat sa kasalukuyang panahunan
Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisa lamang
Tinutukoy ang mambabasa sa pangkalahatang pamamaraan
Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa
Gumagamit na malinaw na pang-ugnay at cohesive devices
Detalyado at tiyak na deskripsiyon
Susan B. Neuman - ayon sakanya, ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga sagot sa mga partikular na tanong ng tao
Ang maka-pilipinong pananaliksik ay gumagamit ng wikang filipino at mga katutubong wika sa Pilipinas
Pangunahing isinasaalang-alang sa maka-pilipinong pananaliksik ang pagpili ng paksang naaayon sa interes at kapaki-pakinabang sa sambayanangpilipino.
Komunidad - ang laboratoryo ng makapilipinong pananaliksik
Mga hamon sa makapilipinong pananaliksik:
Patakarang Pangwika sa Edukasyon
Ingles bilang Lehitimong Wika
Internasyonalisasyon ng Pananaliksik
Maka-Ingles na Pananaliksik sa iba't ibang larang at disiplina
Konstitusyong 1987 - nakasaad dito ang mga probisyon kaugnay ng pagpapaunlad at pagpapayabong ng Filipino bilang wikang pambansa
Ano ang kahulugan ng GEC?
General Education Curriculum
CMO 20 Series 2013 - inalis na bilang batayang asignatura ang anim hanggang siyam na yunit ng Filipino.
Ingles - lehitimong wika ng sistema ng edukasyon at lakas-paggawa
Mga gabay sa pamimili ng paksa at pagbuo ng suliranin sa pananaliksik:
May sapat bang sanggunian na pagbabatayan ang napiling paksa?
Paano lilimitahan o paliliitin ang isang masaklaw na paksa?
Makapag-aambag ba ako sa bagong kaalaman sa pipiliing paksa?
Gagamit ba ng sistematiko at siyentipikong paraan upang masagot ang tanong?